32

1.7K 83 23
                                    

One Year Later

"Hmmm, umaandar na naman ang pagka stalker mo ah." Panunukso ni Rich habang sinisilip niya ang pinapanood kong vedio sa phone.

"Hindi ka pa ba nasanay sa akin? Eto nga lang ang paraan para hindi ko siya mamiss ng sobra eh." Sagot ko habang nakangiti ng malungkot.

"Rhi, bakit ayaw mo pang magpakita sa kanya? Siguro naman maayos yung paghihiwalay ninyo noon diba?" Tanong niya.

"Hindi pa ako handa Rich, isa pa ayokong guluhin muli ang buhay niya. Mukha kasing masaya na siya sa buhay niya ngayon." Sagot ko.

"So ano kontento ka nalang sa ganyan? Yung tipong nag aabang ka araw araw ng mga vediong ipapadala ng mga tauhan mo?" Sabi niya.

"Eh, kahit papano masaya naman ako sa ginagawa ko." Sagot ko.

"Ewan ko sayo. So paano mauna na ako sayo ha? May susunduin lang ako." Paalam niya sa akin.

"Aba mukhang pumapag ibig kana ngayon ah. Kaya pala pansin ko netong nakaraan pumopogi ka lalo." Sabi ko.

"Mas pogi pa din yung asawa mo. Dimo nga mapalit palitan eh." Sagot niya sa akin.

"Tsee, umalis kana nga." Pagtataboy ko sa kanya.

Nakangiti naman siya habang naglakad siya palabas ng opisina ko.

Oo opisina ko, kasi ako na ang namamahala sa negosyong iniwan ni Dad, a year ago mas lumala ang kondisyon ni Dad at hindi na niya nakayanan ang complication ng sakit niya kaya bumigay na ang kanyang katawan. After few months sumunod din si Mommy. Hindi niya matanggap na pumanaw na si Dad kaya ganun nalang ang lungkot niya at simula noon nawalan na siya ng ganang kumain at alagaan ang sarili niya hanggang sa sumunod siya kay Dad.

Last year was a tough year for me. Sunod sunod ang mga trahedya sa buhay ko. But thanks God dahil laging nasa tabi ko si Rich. Tinutulungan niya akong bumangon at magsimulang muli. Siya ang naging sandalan ko sa mga panahong iyon.

Ang buong akala ng iba ay sa simbahan na ang tuloy namin ni Osrich pero alam naming dalawa na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Tanggap na ni Rich na hindi niya mapapalitan si Glaiza sa puso ko kaya hindi niya rin ako pinipilit at simula noon sinusuportahan niya nalang ako sa mga plano ko sa buhay at sa company.

Si Osrich ang katuwang ko sa pagpapatakbo ng negosyong naiwan ni Dad at siya na rin ang naging katuwang ko sa pag aalaga kay Princess. Kung noon tito ang tawag ni Princess kay Osrich habang tumatagal ay tinawag na niya itong Daddy at sobrang saya naman nang loko na akala mo nanalo siya sa lotto.

Mababaw lang ang kasiyahan ni Rich kaya naman hindi na ako naiilang sa kanya. Kasi kapatid na rin ang turingan namin sa isa't isa.

And si Glaiza, naalala ko pa noong huling pag uusap namin. Gusto ko siyang habulin para bawiin yung mga sinasabi ko sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili kong gawin iyon dahil gusto kong malaman kong seryoso ba talaga siya sa mga sinasabi niya na hindi niya ako papalitan sa puso niya.

Kaya ang ginawa ko kumuha ako nang mga tao para lang subaybayan ang bawat kilos niya kada araw. At isang taon ko nang ginagawa ito. Walang araw na wala akong matatanggap na vedio mula sa mga tauhan ko.

Sa paglipas ng taon hindi lang ako ang naging successful sa buhay kundi pati na rin si Glaiza. Nalaman kong nagtayo siya ng school for music para sa mga kids at siya mismo ang namamahala neto. Kaya naman para matulungan ko ang negosyo niya ay kinausap ko ang mga kakilala ko na doon ipa enroll ang mga anak nila sa paaralan ni Glaiza which is walang kaalam alam si Glai.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon