19

1.9K 99 23
                                    

Gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang lumayo pero dahil sa pagmamahal ko sa kanya nanatili ako sa tabi niya.

"Lab, gising kana." Bulong ko kay Rhian habang ginawaran ko siya ng halik sa noo.

"Malalate na ba tayo?" Tanong niya habang humihikab.

"No, pero kailangan nating daanan ang puntod ni Prince bago tayo dumeretso kay Princess." Sagot ko.

Tumango lang siya.

Nasa institusyon ngayon si Princess kung saan mas matutukan siya ng mga doctor dahil kagaya ni Rhian ay mayroon din siyang bipolar disorder. Nakakalungkot man isipin na may ganung sakit si Princess pero wala na kaming magagawa tungkol dito kundi ang tanggapin at ipagamot siya.

Kaya pala dinala siya nila Daddy at Mommy sa labas ng bansa para doon ipagamot at noong nakaraang linggo ay inilipat siya dito para malapit sa amin.

Hindi baliw ang anak ko. At hindi ko hahayaang ganun ang pagkakilala ng mga tao sa kanya. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ko sila ng Mommy niya.

Nakalipas ang ilang oras ay nasa harapan na kami ng puntod ni Prince.

Inilapag ko ang bulaklak na dala namin habang pinunasan naman ni Rhian ang kanyang lapida.

"Prince anak, nandito na kami ni Mama. Kumusta kana diyan baby? Lagi mo kaming gabayan ni Mama baby ha? Pati din si bunso gabayan mo." Sabi ni Rhian habang nagsindi siya ng kandila.

"Prince anak, tandaan mo mahal na mahal ka namin. Maging masaya ka kung saan ka man ngayon ok? Huwag mo na kaming alalahanin dito kasi okay naman kami ng Mommy mo dito anak." Sagot ko.

"So, paano baby, alis na kami ni Mama ha? Kasi hinihintay na kami ni bunso." Paalam ni Rhian.

Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa kinaroroonan ng kotse namin at pagdating namin ay agad kaming pumasok.

"Lets go lab." Sabi ko kay Rhian.

"Lets go." Sagot niya na may ngiti sa kanyang mga labi.

Ilang oras ang nakalipas sy narating na namin ang institusyon kung saan namin inilagay si Princess. Pagkatapos kong makahanap ng mapaparadahan ng sasakyan ay agad kaming bumaba at magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa room ni Princess.

Nasa labas na kami ng pintuan nang marinig naming parang tumatawa si Princess. Agad kong binuksan ang pinto at nakita naming mag isa lang pala si Princess at tila ba may kinakausap siya.

"Princess anak? Sino yang kinakausap mo?" Bigla kong tanong habang nilapitan ko siya.

"Mama, hindi mo ba nakita yung friend ko? Hindi niya ako iniiwan Mama. Tingnan mo siya Mama oh." Sagot niya sabay turo sa kaharap niya na wala namang tao.

"Baby, wala naman tao eh." Sagot ni Rhian.

"No Mommy, nakangiti nga siya sa akin now. Sabi niya friend ko daw siya. Lagi niya akong dinadalaw dito Mommy." Sabi ni Princess.

"Lab, kausapin mo muna si Princess. Pupuntahan ko lang si doc." Paalam ko kay Rhian.

Tumango lang siya habang kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot.

Naglakad ako palabas at nagtanong kung nasa opisina ba ang doctor ni Princess at ang sabi ng nasa information ay nasa loob lang daw ito ng opisina niya kaya naman agad akong naglakad patungo sa kanyang opisina.

Pagdating ko ay agad akong kumatok.

"Come in." Sabi ng nasa loob.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang doctor naka upo.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon