23

1.6K 74 16
                                    

"Ma'am Rhian saan ko po ba ilagay itong mga gamit ni Ma'am Glaiza?" Tanong sa akin ni Manang habang bitbit niya ang mga gamit na naiwan ni Glaiza.

"Pakilagay nalang po niyan doon sa kuwarto ni Prince Manang. Pakisigurado nalang po na maayos ang pagkakalagay niyan. Alam niyo naman po na maselan yon sa mga gamit niya." Sagot ko.

Tumango lang si Manang at nagtungo na siya sa kuwarto ni Prince para ilagay doon ang mga gamit ni Glaiza.

"Tita Kylie!!" Dinig kung sigaw ni Princess.

Paglingon ko ay nakita ko si Kylie na naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Princess habang abot tenga ang ngiti.

Tumayo ako para lapitan sila.

"Ky, napadalaw ka." Sabi ko sabay beso sa kanya.

"Namimiss ko kasi kayo. At may kailangan akong sabihin sayo Rhi." Sagot niya.

"Tita Ky, bakit di mo kasama si Mama? Galit po ba si Mama sa akin?" Inosenteng tanong ni Princess.

"Busy ang Mama mo baby eh." Simpleng sagot ni Ky.

"Baby, tulungan mo muna si Yaya na ligpitin mga gamit mo. Mag usap lang kami ni Tita Ky okay?" Mahinahon kong sabi kay Princess.

"Okay Mommy." Sagot ni Princess at naglakad na siya patungo sa kinaroroonan ni Yaya.

"Halika Ky, doon tayo mag usap sa terrace." Sabi ko kay Ky at nauuna na akong maglakad sa kanya.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang terrace at umupo ako, ganun din si Ky.

"Kumusta ka na?" Panimula niya.

"Sinungaling ako kung sasabihin ko sayong okay lang ako which is not true." Sagot ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"I'm so sorry Rhian. Hindi ko lubos maisip na hahantong kayo sa ganito." Sabi niya.

"May mga rason siguro Ky kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa pamilya namin." Sagot ko.

"Yeah pero maniwala ka man o sa hindi. Hindi ko nagustuhan ang mga binitawang salita ni Glaiza laban sayo." Sabi niya.

Dito na tumulo ang mga luha ko. Masakit para sa akin ang ginawa ni Glaiza at mas lalong masakit para sa akin ang tinawag niya akong baliw at incapable.

"Rhi, kung pwedi ko lang hilumin ang mga sugat na dinulot niya sayo, ginawa ko na. Kasi ayokong nakikita kitang nasasaktan. Para na kitang kapatid. Alam mo yan." Sabi ni Ky.

"Salamat Ky. Hindi ko lang kasi alam kung ano yung nagawa kong kasalanan sa kanya. Kung bakit niya ako pinapahirapan ng ganito." Tanong ko.

"Wala kang nagawang kasalanan sa kanya Rhi. Hindi lang niya nakayanan ang lahat ng pangyayari sa buhay niya kaya siya umakto siya ng ganyan." Sabi ni Kylie.

Ngumiti ako ng malungkot.

"Bakit parang siya pa yung may deperensya sa pag iisip kesa sa akin. Bakit parang siya pa yong praning kesa sa akin.? Diba sabi niya ako yung baliw? Pero sa mga pinapakita niyang ugali nitong nakaraan. Parang siya yong baliw eh." Sabi ko.

Humugot ng isang malalim na buntong hininga si Kylie bago siya nagsalitang muli.

"Rhian, may history din si Glaiza. Kung ikaw ay may Bipolar Disorder si Glaiza naman ay may BPD o mas kilala sa tawag na Borderline Personality Disorder." Sagot ni Ky.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. Totoo ba itong naririnig ko? May mental illness din si Glaiza.?

"Sa..sabihin mong hindi totoo yan Ky." Sabi ko.

Umiling siya at ngumiti ng mapait.

"Nagkaroon siya ng BPD simula noong namatay ang mga magulang niya. Ilang linggo din naming hindi makausap ng matino si Glaiza noon. Kaya naman napagpasyahan ng mga magulang ko na kupkupin siya dahil baka tuluyan na siyang mabaliw kapag mapapabayaan namin siya." Sabi ni Ky.

"Pero bakit hindi mo sinasabi sa akin to noon Ky? Bakit ngayon mo lang sinabi ito?" Tanong ko.

"Kasi ang buong akala ko magaling na siya. Ang buong akala ko nalagpasan na niya ang stage na yon. Pero mukhang dinibdib yata niya ng sobra ang nga pangyayari ngayon eh. Napapansin kong mas na trigger ang BPD niya simula noong inilayo sa kanya si Princess." Sagot ni Ky.

"Ibig mong sabihin. Isa kaming pamilya ng mga baliw? Ganun ba yon Ky?" Mahina kong tanong.

"No, hindi ganyan Rhi. Hindi kayo baliw. At kahit kailan hindi ko inisip na mga baliw kayo. May mga bagay lang talaga na hindi kayang ihandle ng utak ninyo." Sagot niya.

"Kumusta na si Glaiza ngayon?" Tanong ko.

"Okay lang naman siya. Pinapainum ko siya ng gamot niya para naman kumalma siya pero Rhi. Hindi naman kasi gamot ang sagot ng lahat ng ito. Kailangan na niyang malaman ang totoo sa pagkatao niya. At yan ang ipinunta ko dito ngayon sayo." Sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin Ky?" Tanong ko.

"Wala akong ibang hihilingin sayo Rhi kundi ang pang unawa at sana huwag mong ipagkait si Princess kay Glaiza. Alam ko malaking tulong si Princess para gumaling ang Mama niya." Sabi ni Ky.

"Pero aalis na kami ng anak ko Ky. Kailangan din naming gamutin ang mga sarili namin at alam mo yan." Sabi ko.

"Naintindihan ko yon Glai, at alam kong sa Paris din ang punta ninyo. Kaya hihilingin ko sana sayo na kahit once a week makita ni Glaiza si Princess." Paki usap ni Ky.

Tumango lang ako. Naintindihan ko si Kylie at wala akong dahilan para ipagkait kay Glaiza ang anak niya lalo pa ngayong alam kong hindi lang pala ako ang may nakaraan.

"Salamat Rhi. Napakabuti mong tao. Salamat sa pang unawa at salamat sa pagmamahal mo sa kapatid ko." Sabi niya.

"Alam natin pareho Ky na mahal na mahal ko ang pinsan mo. At handa akong magtiis para lang sa kanya. Sana gumaling na agad siya. At please Ky ilihim nalang natin ito kay Princess ayoko kasing mag alala siya sa Mama niya." Paki usap ko.

"Okay Rhi. Salamat ulit. So hindi na ako magtatagal ha? Tawagan mo agad ako kapag nandoon na kayo sa Paris." Sabi niya.

Tumango lang ako. At pagkatapos na magpaalam ni Kylie ay umalis na siya. Nakikita ko pa na hinatid siya ni Princess sa may gate. Agad akong pumasok sa kuwarto at kinuha ko ang aking laptop at agad akong nagresearch tungkol sa BPD.

Pagkatapos kung mabasa ang tungkol sa sakit na yon ay unti unti kong naintidihan ang inasta ni Glaiza. Hindi siya aware na may ganung sakit siya kaya pala nakikita ko din ang sarili ko sa kanya kung paano siya magreak at kung paano mag iiba ang behavior niya.

Sa halip na magalit ako sa kanya ay mas lalo akong naawa at mas lalo ko siyang minahal. Wala akong ibang minahal ng kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Kaya naman buo na ang loob ko tutulungan ko siyang matanggap ang pagkatao niya kahit na ilang beses pa niya akong itaboy at pagsalitaan ng masakit. Gagawin ko ang lahat alang alang sa kanya dahil mahal ko siya at ayokong tuluyan na siyang mawala sa sarili niya.

Alam ko din sa gagawin kong ito si Daddy ang makakalaban ko pero anong magagawa ko. Mahal na mahal ko si Glaiza. Tinulungan niya ako noon kaya naman pagkakataon ko na ngayon na tulungan din siya.

Tatanggapin ko lahat ng galit ni Dad kong ang kapalit nito ay ang mapabuti ang lagay ng taong itinuring kong mundo.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon