22

1.4K 60 11
                                    

Napunta kay Rhian ang kustodiya ni Princess dahil pinapili siya ng korte kung kanino siya sasama at mas pinili niyang sumama sa Mommy niya.

Masakit para sa akin na hindi ako ang pinili ng anak ko pero dahil desisyon niya iyon wala na akong magagawa kundi ang irespeto iyon.

"Ano Glai? Masaya kana ba sa mga pinag gagawa mo?" Inis na tanong sa akin ni Ky.

"Huwag muna ngayon Ky. Please lang." Sagot ko.

"Alam mo galit ako sayo! Sinira mo ang pamilyang pinaghirapan mong buohin." Sabi niya.

Tiningnan ko siya.

"Ikaw ba yung nasa kalagayan ko ngayon anong gagawin mo? Lalo na't nalaman mo na ang asawa mo ang siyang dahilan kung bakit nagpakamatay ang pinsan mo!." Sagot ko.

Namula ang kanyang mukha sa galit.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na haka-haka lang ng pamilya ni Maxx na baka si Rhian ang dahilan ng paglason ni Maxx sa sarili niya? Bakit pinipilit mo diyan sa isipan mo na si Rhian nga ang may gawa?" Sagot niya.

"Hindi pa ba sapat na dahilan ang picture na yon at ang nakasulat doon? Ano bang gusto mong gawin ko? Pagtakpan ko ang ginagawa ng ex-wife ko? Yon ba ang gusto mo Ky?!" Galit kong sabi.

"Malala kana Glai. Hindi ko na alam kung nag iisip ka pa ba? Bakit sa tingin mo ba kayang gawin ni Rhian yon? My God Glaiza! Ikaw yung mas nakakakilala sa kanya pero bakit ikaw pa yung unang nanghusga sa kanya ngayon?" Sabi niya.

"Kaya nga malakas ang hinala ko na may kinalaman siya dahil kilala ko siya Ky.!" Sabi ko.

"Alam mo ba kung ano ang sabi nila Tita sa pagkawala ni Maxx? Sobrang pagmamahal niya kay Rhian na hindi niya kinaya ang balitang nagpakasal na ito at kadugo pa niya ang pinakasalan neto." Sagot niya.

"Kilala mo ang parents ni Maxx malay mo ba kung binayaran sila ng pamilya ni Rhian para lang manahimik sila?" Sabi ko.

"Sira na yata ang ulo mo Glai. Sana pala hindi ka nalang umuwi ng probinsya eh. Matagal ng wala si Maxx. Super late reaksyon kana. Alam mo ba yon?" Sabi niya.

"Wala akong paki alam kung matagal nang isyu to Ky. Sa akin lang hindi ko kayang makisama sa isang taong kayang pumatay ng kapwa niya." Sagot ko.

"Mag iingat ka sa mga pinagsasabi mo Glai, baka sa bandang huli kakainin mo lahat ng sinasabi mo ngayon. Alam mo hindi ko nagustuhan ang mga pinag gagawa mo kay Rhian. Napaka inhumane mo. Sana naman inisip mo din ang damdamin niya bago mo siya pinagsalitaan ng kung anu ano." Sabi ni Ky.

"Kulang pa lahat ng iyon para ipamulat ko sa kanya kung ano talaga ang totoong pagkatao niya." Sabi ko.

"Wala kang dapat ipamulat sa kanya Glai dahil kung ano man ang nakikita mong ugali ni Rhian ngayon. Totoong ugali niya yon. Hindi naman siya katulad mo eh." Sabi ni Ky.

"Sige, kampihan mo pa siya. Kampihan mo ang baliw na iyon. Hindi pa siya nakontento sa kabaliwan niya hinawa pa niya ang anak ko." Sabi ko.

Tiningnan ako ni Kylie na para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi.

"Enough Glai, huwag ka nang bitter. Kung gusto mo pang makita ang anak mo. Huwag mo ng siraan si Rhian dahil pinagpyestahan na kayo ng tabloids. Hindi ito makakabuti para kay Princess." Sabi ni Ky.

At tuluyan na siyang umalis sa harapan ko. Naiwan akong mag isa. Bakit nga ba ganito nalang ang galit ko kay Rhian knowing na mahal na mahal ko pa din siya.

Kung tutuusin hindi naman talaga kami close ni Maxx pero bakit ganito ako makareak noong nalaman kong wala na siya at nadawit ang pangalan ni Rhian.

Naguguluhan na ako. Para ng sasabog ang utak ko. Mahal ko siya oo pero may sinasabi ang utak ko na hindi ako dapat mananatili sa kanya.

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Sobrang nakakalito na. Kahit ako hindi ko na alam kung bakit ganito ang inasta ko ngayon.

Nakita ko si Ky na lumapit sa akin at may dala siyang baso ng tubig.

"Here, inumin mo muna to para naman kumalma ka." Sabi niya sabay abot sa akin ng gamot at baso ng tubig.

"Come here." Sabi niya at dahan dahan akong lumapit sa kanya at agad naman niya akong niyakap.

"Tama na yan Glai, huwag mo nang isipin ang mga bagay na hindi makakabuti sayo. Ipahinga mo muna yang utak mo." Sabi niya.

"Ky, mahal na mahal ko pa siya. Pero galit ako sa kanya." Sabi ko na parang batang nagsusumbong sa Mama na may umaaway sa akin.

"I know. Nakikita ko naman sa mga mata mo na mahal mo talaga si Rhian. Naguguluhan ka lang sa ngayon. Kaya mas makakabuti sayo kung sasama ka sa akin pagbalik ko ng Paris." Sabi niya.

"Ayokong iwanan si Prince Ky. Dito lang ako. Wala ng dadalaw sa kanya kapag umalis pa ako dito." Sagot ko.

"Glai, kailangan mong ayusin ang sarili mo. Hindi pweding pabayaan kita dito. Huwag kang mag alala dahil pinakiusapan ko na si Klea na siya muna ang dadalaw sa puntod ni Prince." Sabi niya.

"Pero Ky, hindi pweding umalis ako dito. Dito lang ako ayokong umalis." Sabi ko.

"Hindi pwedi Glai, ayusin mo muna ang sarili mo. Pangako kapag naayos mo na ang sarili mo babalik ka dito. But for now. Kailangan mo munang lumayo para din naman ito sa ikakabuti mo." Sagot niya.

Hindi na ako sumagot dahil alam ko hindi ako mananalo kapag si Kylie na ang kaharap ko. Bakit nga ba nagkaganito ako ngayon? Bakit ba bigla bigla nalang nag iba ang ugali ko. Nahawa na din ba ako kay Rhian? Dahil sa totoo lang nakikita ko na ang sarili ko sa kanya.

Huwag naman sana dahil alam ko hindi ako baliw. Alam ko matino akong tao. Hindi ako baliw alam ko yon. Pero ano yung gamot na pinainum ni Ky sa akin kanina? Bakit familiar sa akin yon? At bakit parang kumalma ako after kong inumin yon? Ang daming tanong na nabuo sa isipan ko sa mga oras na ito pero hindi na kaya ng utak kong isipin lahat ng ito. Parang gusto na nang isipan ko na magpahinga.

"Matulog kana Glai, magiging okay din ang lahat. Tandaan mo magiging okay din ang lahat." Bulong sa akin ni Ky.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon