30

1.6K 58 6
                                    

Nabalitaan ko nalang na nastroke pala ang Daddy ni Rhian at inuwi na ito sa Pinas para doon sa bahay nila manatili. Nalungkot ako kahit na masama ang loob ko sa kanya, kahit papano ay naging mabuti siyang ama sa amin at lalo na sa akin noon.

Kinukulit ko si Kylie na bisitahin niya si Rhian sa bahay upang kumustahin kaso masyado siyang busy dahil nagkasakit din ang anak niya kaya wala akong nagawa kundi ang magtanong kay Bianca at nalaman kong nasa iisang bahay na si Rhian at Rich.

Parang sinaksak ang puso ko nang mabalitaan ko ito kaya naman naglakas loob akong puntahan siya sa bahay niya at heto na nga ako ngayon nakatayo sa harapan ng pintuan nila.

Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang plano kong pakikipag usap sa kanya o babalik nalang ako sa bahay.

Tumalikod ako at akma na sana akong aalis nang biglang bumukas ang pinto. Paglingon ko ay nakita ko si Osrich na pawis na pawis.

"Glaiza, pasok ka." Nakangiti niyang sabi.

"Hindi na, bibisitahin ko lang sana ang anak ko kaso mukhang makakaistorbo ako sa inyo." Sagot ko.

"Ano ka ba, wala dito sila Rhian umuwi ng Pinas pero babalik naman yon next week. Pasok ka muna sa loob Glai may pag uusapan lang tayo." Sabi ni Rich.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok agad ako. Hindi naman siguro rapist ang lalaking to. Sabi ko sa isip ko.

"Maupo ka Glai, gusto mo ba ng beer?" Tanong niya.

"No, thanks. Ano nga pala ang pag uusapan natin?" Tanong ko.

"Ohh, mukhang nagmamadali ka. Pero sige simulan ko na ang pakay ko sayo." Sagot niya.

"Glai, alam mo na siguro ang nangyari kay tito diba? And last time we talked hiniling niya sa akin na pakasalan ko ang anak niya." Panimula ni Rich.

"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti muna siya.

"Alam mo Glai, hindi kasi ako ang tipo ng tao na  mapagsamantala. Oo aaminin ko sayo mahal na mahal ko si Rhian at pabor na para sa akin ang kahilingan ng Daddy niya but tumanggi ako kay Rhian na magpapakasal kami." Sabi niya.

"Anong gusto mo? Matuwa ako dahil sa ginagawa mo?" Sagot ko.

"Look, I'm trying to be nice with you sana naman huwag kang bastos. Hindi ako papakasal sa taong hindi ako mahal. Kaya kita kinausap para tanungin ka kung ipaglalaban mo pa ba siya o hindi na. Kasi kung sasabihin mo sa akin na susuko kana sa kanya. Gagawin ko ang lahat para lang mahalin niya ako." Sabi niya.

"Paano ko siya maipaglaban kung nasa eksena kana? Paano ako makakalapit sa kanya kung sobrang dami ng nakabantay sa kanila ng anak ko? Sige nga sabihin mong hindi ka mapagsamantalang tao gayong wala ka namang ibang ginagawa para malapitan ko siya." Sagot ko.

Hindi siya nakapagsalita.

"Kita mo? Hindi ka makasagot. Huwag ka kasing masyadong magtiwala sa sarili mo. Kung totoong hindi ka mapagsamantalang tao,hahayaan mo akong ayusin ko kung anuman ang problema namin." Sabi ko.

"Kung yan ang gusto mo. Huwag kang mag alala pagbalik nila dito sa Paris bibigyan kita ng pagkakataong makipag usap sa kanya. At sana kapag nangyari yon ay masabi mo na sa kanya kung anuman ang dapat niyang malaman." Makahulugang sagot ni Rich.

Tinititigan ko siya habang pinag aralan kong mabuti ang kanyang reaksyon. May alam kaya siya tungkol sa amin ni Mia? Tanong ko sa isipan ko.

"Anong gusto mong palabasin?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw Glai ano bang lihim mo na hindi alam ng asawa mo?" Tanong din niya sa akin.

"Kung sa tingin mo may itinatago ako kay Rhian pwes! Nagkakamali ka." Pagsisinungaling ko.

"Okay, sabi mo eh. Isa lang naman ang gusto ko. Yan ay ang makita ko siyang masaya, kahit na hindi ako ang sanhi ng kasiyahan niya." Malungkot na sabi ni Rich.

"Alam mo Glai, maswerte ka kasi nasa sayo ang pinapangarap ng iba, kaya sana naman alagaan mo siyang mabuti dahil marami ang humihiling na sana sila ang nasa katayuan mo ngayon." Dagdag niya.

Tinamaan ako sa sinabing iyon ni Rich. Alam ko marami ang nagkandarapang mamahalin sila ni Rhian pero sa bandang huli ako pa din ang pinili niya. Ngayon ko lang narealize kung gaano ako kagago dahil sinaktan ko siya. Ngayon ko lang nadarama na hindi ko pala kayang mawala siya sa buhay ko.

"Ano Glai? Okay ka lang ba? Huwag mo sanang isipin na karibal mo ako sa asawa mo dahil hindi yan totoo. Wala kang karibal sa pagmamahal niya sayo." Sabi ni Rich.

"Kung sakaling hindi na niya ako bibigyan na isa pang pagkakataon, sana hindi mo siya pababayaan at sana alagaan mong mabuti si Princess." Sagot ko.

"Don't give up yet. Hindi pa tapos ang laban. Basta kung ano ang magiging desisyon ni Rhian tanggapin natin ito. Hindi tayo magka away Glai, tandaan mo yan." Sabi ni Rich.

Tumango lang ako. Akala ko masamang tao si Rich kasi noong una nahahambugan ako sa kanya pero busilak pala ang puso niya. Bihira lang sa mga lalaki ang kagaya ni Rich kaya kung sakaling tuluyan na kaming maghiwalay ni Rhian,ay panatag ang loob ko kung si Rich ang papalit sa akin.

"Glaiza okay ka lang ba? Mukhang tahimik kana diyan." Puna ni Rich.

"Okay lang ako. Salamat nga pala sa time na inilaan mo. Hindi na ako magtatagal." Paalam ko sa kanya.

"Sigurado kang okay ka lang ha?" Panigurado niya.

"Oo salamat ulit. Sige mauna na ako." Sabi ko at tuluyan ko nang nilisan ang bahay na yon.

Habang nasa daan ako ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang napag usapan namin ni Osrich. Mahal pa ako ni Rhian siya na mismo ang nagsabi sa akin nito. Kailangan ko lang bumawi. Siguro tama nga si Kylie kailangan kong makipag usap sa parents ni Rhian para hingin muli ang kamay ng kanilang anak. Pero bago ko gawin yun, ipagtapat ko muna sa kanya ang lihim na matagal ko nang tinatago. Sana lang mapatawad niya ako dahil hindi ko naman talaga sinasadya na mangyari iyon. Bunga lang yon ng kalasingan namin ni Mia kaya nagawa kong magtaksil sa kanya.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon