40

2K 95 21
                                    

One Year Later

"Love, gusto mo bang ipagluto kita?" Malambing na tanong sa akin ni Glaiza.

"No, gusto ko dito ka lang sa tabi ko." Sagot ko sa kanya.

"Eh, ilang araw na tayong nagkukulong dito sa room natin eh. Baka naman gusto mo munang magpahangin sa labas." Sabi niya.

"Ayaw, gusto ko ikaw lang yung makikita ko buong araw. Gusto kong katabi kita lagi." Sagot ko.

Ngumiti lang siya habang dinampian niya ng halik ang aking tiyan.

"Baby, sobra na yang iniutos mo sa Mommy mo ha?" Nakangiti niyang sabi habang hinahaplos niya ang aking tiyan.

Oo, tama yang nabasa ninyo buntis ako, isang taon simula noong ikinasal kaming muli ni Glaiza. Nakapagdesisyon kaming bumuo ulit ng anak para naman may kapatid si Princess and 5 months preggy ako ngayon.

The funny thing is, kakaiba itong pagbubuntis ko na to. Kasi ayokong mawala sa paningin ko si Glaiza, gusto ko siya lagi yung nakikita ko, gusto ko siya yung nag aalaga sa akin. Gusto ko siya yung nagpapaligo, nagpapakain at nag aayos sa akin. Oh diba? Kakaiba ang pagbubuntis ko na to.

Naawa na nga ako kay Glai pero wala akong magagawa utos ni baby eh. Haha! Pero sa totoo lang gusto ko din naman to atleast alam na alam kong hindi na siya magloko ulit, kasi nababantayan ko na siya eh.

"Love, labas na muna tayo. Nababagot na kasi ako dito sa loob ng kuwarto natin eh." Reklamo niya.

"Hmmm, halikan ko muna ako sa lips." Paglalambing ko.

"Utos ba yan ni baby? O utos ni Mommy?" Pagbibiro niya.

"Syempre,utos ni baby love." Nakangiti kong sagot.

Agad naman niya akong hinalikan sa labi at sobrang kinikilig ako dahil ramdam kong mahal na mahal ako ni Glaiza.

"So, labas muna tayo?" Tanong niya.

"Sure." Sagot ko sabay paakay sa kanya.

"Sobrang lambing talaga ng asawa ko now." Sabi niya habang nakangiti.

Tumawa lang ako dahil hindi ko alam kung bakit ako kinikilig.

Nang nasa living room na kami ay nadatnan namin si Princess na naggigitara habang titig na titig naman sa kanya ang kanyang girlfriend na si Margot.

"Mom, anong meron at naisipan mong lumabas?" Pang aasar niya.

"Babe, huwag mo ngang asarin si tita." Saway naman ni Margot.

"Babe, nilalambing ko lang si Mom. Namimiss ko kasi siya eh." Sagot niya sabay kindat kay Margot.

"Tama na yan, baby sabihin mo naman kay yaya na ipaghanda ng meryenda ang Mommy mo." Utos ko kay Princess.

Tatayo na sana si Princess para pumunta sa kitchen kaya naman nagsalita ako.

"Baby don't, gusto ko si Mama mo ang maghahanda ng meryenda for us." Malambing kong sabi sabay sandal ng ulo ko sa balikat ni Glaiza.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon