20

1.6K 67 15
                                    

Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa din umuwi si Glaiza. Nag aalala na ako na baka napagod na siya sa pag aalaga at pag intindi sa amin ni Princess. Ang paalam lang niya sa akin ay uuwi daw muna siya ng probinsya para tingnan ang property na nabili niya doon. Pero simula noong isang araw ay hindi ko na siya makontak.

"Mommy, bakit malungkot ka?" Inosenteng tanong sa akin ni Princess.

Pilit akong ngumiti para itago sa kanya ang pag alala ko.

"Hindi naman malungkot si Mommy baby, namimiss ko lang si Mama." Mahinahon kong sagot.

Lumapit siya at umupo siya sa kandungan ko habang hinihimas himas niya ang aking mukha.

"Namimiss ko na din si Mama, pero dahil nandito ka sa tabi ko para ko na ring kasama si Mama kaya huwag ka nang malungkot Mommy kasi ayokong makitang nalulungkot ka." Sabi niya.

Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti.

"Mahal na mahal kita baby. Tandaan mo yan mahal na mahal ka namin ni Mama okay?" Sabi ko.

Tumango lang siya.

Ilang sandali pa ay may narinig akong yapak na papalapit sa kinaroroonan namin ni Princess. Nang lingunin ko ito ay sobrang saya ang nadarama ko dahil sa wakas nandito na sa harapan ko ang taong hinihintay kong bumalik. Si Glaiza.

"Lab? Mabuti naman at bumalik kana." Maluha luha kong sabi.

Ngumiti siya ng mapait at tiningnan niya si Princess.

"Princess anak. Pwedi bang mag usap muna kami ng Mommy mo?" Sabi niya kay Princess.

Agad namang tumayo si Princess at umalis kaagad siya sa harapan namin. Nakapagtatakang hindi man lang siya niyakap at hinalikan ni Glaiza. Kaya naman nag init ang ulo ko dahil nasasaktan ako sa ginawa niya sa anak namin.

"May problema ba tayo Glai? Mukhang mainit yata ang ulo mo ah." Sabi ko.

"Huwag mo akong simulan Rhian. Pagod ako." Sagot niya.

Bumuntong hininga ako.

"Alam kong pagod ka dahil malayo ang byahe mo pero huwag mo namang ipakita sa anak natin na parang hindi siya nag eexist sayo!" Galit kong sabi.

"Ang oa naman ng reaksyon mo Rhian! Pwedi ba huwag mo akong simulan ngayon." Sagot niya.

"Bakit Glai, inaano ba kita? Ikaw lang naman ang mainit ang ulo eh. Namiss ka namin ng anak mo tapos bigla bigla ka nalang maninigaw? Pwedi mo naman akong kausapin ng mahinahon eh." Sabi ko.

"Diba nga sabi ko sayo mag usap tayo?!" Sagot niya.

Hindi na ako umimik.

Umupo siya sa harapan ng inuupuan ko at nakatingin siya direkta sa mga mata ko.

"Rhi, ayoko na. Suko na ako, hindi ko na kayo kayang alagaan ng anak mo." Sabi niya habang tinititigan niya ako.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ko sa mga sinasabi niya sa akin.

"Nag..nagbibiro ka lang diba? Sabihin mong nagbibiro ka lang." Sagot ko.

"Sana nga pwedi lang idaan ang lahat ng problema sa biro Rhi, di sana tayo nahihirapan. Pero hindi eh. At hindi ako nagbibiro Rhian. Pagod na ako Rhi. Gustuhin ko mang lumaban o ipaglaban kayo dahil kayo ang pamilya ko pero wala na akong sapat na lakas para gawin yon Rhian. Ayoko na. Sapat na sana sa akin ang mag alaga ng isang may sakit pero nadagdagan pa eh." Sabi niya.

Para akong mabibingi sa mga sandaling ito. Yung matagal ko nang kinatatakutan ay nangyari na ngayon. Sobrang sakit pala yung masampal ka sa katotohanang isa ka lang pabigat sa taong inaakala mong hindi mapapagod sa pag aalaga sayo.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon