38

1.7K 70 9
                                    

"Baby okay na ba tong suot ko?" Tanong ko kay Princess habang nakatingin kami pareho sa salamin.

"Yes Mom. I'm so sure na mas lalong maiinlove si Mama sayo after ka niyang makita tonight." Nakangiting sabi ni Princess.

Ngumiti ako habang inayos ko ang aking sarili.

Ngayon kasi ang engagement party ni Osrich at girlfriend niyang si Dylan. And gusto ko maganda ako tonight para sa akin lang ang atesnyon ng asawa ko.

"Mom lets go, hinihintay na tayo ni Mama sa labas." Tawag sa akin ni Princess.

Isang huling sulyap sa salamin at ngiti.

"Perfect!" Nakangiti kong sabi.

Naglakad kami patungo ng living room kung saan nag antay sa amin si Glaiza. At nang makita niya ako ay kakaiba ang kanyang ngiti.

"How do I look love?" Malambing kong tanong sa kanya.

"Wow! Sobrang ganda mo tonight love." Sagot niya habang dinampian ako ng halik sa labi.

"How about me Ma?" Tanong ni Princess.

"At ikaw manang mana ka talaga sa akin. Magandang pogi." Sagot niya habang kinurot ang ilong ni Princess.

"So lets go?" Sabi ko.

"Tayo na." Sagot naman ni Glaiza.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ang panay ang sulyap ni Glaiza sa akin, kaya naman walang mapagsidlan ang kilig na naramdaman ko.

"Hey,kanina ko pa napapansin yang mga nakaw tingin mo na yan." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Eh, masisisi mo ba ako? Sobrang ganda ng pasahero ko ngayon eh." Nakangiti niyang sagot.

"Ma,Mom! Mamaya na nga kayo maglandian diyan. Hello? Nandito ako sa likuran ninyo baka nakalimutan ninyo." Nakasimangot na sabi ni Princess.

"Baby naman minsan lang kiligin si Mommy eh, binabasag mo pa." Sagot ko.

"Duhh, whatever!" Sagot niya habang nakaroll eyes.

Nagtawanan nalang kami ni Glaiza.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang venue. Agad namang bumaba si Glaiza para alalayan ako. At pagkatapos ay pumasok na kami sa loob.

Pagdating namin sa loob ay agad kaming sinalubong ni Rich.

"Daddy, congrats!" Bati ni Princess habang niyakap ang Daddy niya.

"Thank you baby." Sagot naman ni Rich.

"Congrats Rich, road to forever na ba talaga yan?" Nakangiti kong sabi sabay halik sa kanya sa pisngi.

"Yeah, gusto ko na kasing magkafamily lagi mo kasi akong iniinggit eh." Nakangiti niyang sagot.

"Congrats Rich!" Bati naman ni Glaiza.

"Thank you Glai. And soon kayo naman ang ikakasal." Sabi naman ni Rich na nakangiti.

"So maiwan ko muna kayo ha? Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita." Paalam niya sa amin.

"Yeah sure, go ahead." Sagot ko.

Nang makaalis na si Rich ay naghanap ako ng bakanteng upuan. Sobrang dami ng tao at halos lahat ng nandito ay mga kilalang tao sa bussiness industry. Siguro kung buhay pa si Dad at Mom ngayon hindi sila mawawala sa okasyong ito.

Bigla akong nalungkot nang maisip ko ang mga magulang ko at napansin pala iyon ni Glaiza.

"Hey, okay ka lang? Bakit biglang malungkot yang mukha mo?" Pag alala niyang tanong.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon