6

1.9K 92 15
                                    

Hindi ako makapaniwalang nandito ako ngayon sa harapan ng bahay na dati kong inuuwian. Sa loob ng dalawang taon hindi ko nagawang magbalik muli sa pamamahay na ito. Pero ngayon nandito na ulit ako. Handang handa ng humarap sa mga naiwan kong mahal sa buhay.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga saka ko pinindot ang doorbell. Nakailang pindot ako bago pa may nagbukas sa gate.

"Ma'am Glaiza? Ikaw na po ba talaga yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Manang.

"Opo Manang ako na po ito. Welcome pa po ba ako sa pamamahay na to?" Tanong ko.

Kita ko ang pag aalangan sa mukha ni Manang pero agad naman itong nawala.

"Bakit naman po hindi kayo welcome Ma'am, bahay din naman po ninyo ito." Pag aalangan niyang sagot.

Ngumiti ako sa kanya.

"Nandiyan po ba ang pamilya ko Manang?" Tanong ko.

"Na..nasa loob po sila. Pasok po kayo Ma'am." Sabi niya saka niya nilakihan ang pagbukas ng gate.

Pumasok ako at nagtungo agad ako sa veranda dahil yun ang sabi ni Manang sa akin nasa veranda daw si Rhian sa mga oras na ito.

Sa tagal kong nawala sa bahay na ito pero ni isang gamit ay wala man lang pinalitan si Rhian kung ano ang porma ng mga decorations dati bago ako umalis ay nanatiling ganun pa din ang mga ito hanggang ngayon.

Natanaw ko sa di kalayuan si Rhian nakaupo siya at nakatanaw siya sa malayo. Pumayat siya at maputla. Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sa nakita kong hitsura niya ngayon. Pero kahit na medyo pumayat siya ang litaw pa din ang ganda niya kahit na naka side view lang siya ngayon.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit ako ng papalapit sa kanya. Sa totoo lang hindi pa talaga ako lubusang magaling nagpapatheraphy pa din ako hanggang nagyon.

Ilang agwat lang ang pagitan namin ni Rhian ngayon. Alam kong napansin na niya ang presensya ko pero para parin akong hangin na hindi niya pinapansin kaya naman ako na ang unang magsalita.

"Ku..kumusta na kayo?" Pautal kong tanong.

"Sa tingin mo ano ng lagay namin?" Sarcastic niyang sagot at ni hindi man lang niya ako nilingon.

"Nasaan ang mga bata? Pwedi ko ba silang makita?" Tanong ko.

"Pagkatapos ng lahat? Ganyan lang kadali sayo sabihin kong pwedi mo bang makita ang mga anak mo?" Galit niyang sabi but this time hinarap na niya ako. At nakita ko na may luha na palang tumutulo sa kanyang mga mata.

"I'm so sorry." Sabi ko habang tinititigan ko siya direkta sa kanyang mga mata.

"Sorry? Yun lang? I deserve an explanation Glai for Heaven sake. Two years kang nawala and hindi ka man lang nagparamdam sa loob ng dalawang taon!!! Two f**cking years Glai! Tapos ngayon nandito kana sorry lang ang sasabihin mo sa akin??! Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin ha!!"Galit niyang sabi.

Hindi ko na mapigilang hindi mapaluha. Ramdam ko ang sakit na naramdaman ni Rhian ngayon.

"Alam ko napakastupido ko dahil sa ginawa ko sa inyo but its not what you think Rhi. Hindi ko kaya iniwan dahil may iba ako!." Sabi ko habang nakayuko.

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo? Sa tingin mo kaya mong mabilog ang ulo ko dahil sa mga sinasabi mo sa akin ngayon?!" Galit niyang sabi.

Lumapit ako para yakapin siya pero isang malakas na sampal ang natamo ko.

"Huwag kang lumapit sa akin dahil nandidiri ako sayo. Siguro pinagsawaan kana ng naging babae mo kaya ka bumalik sa amin." Sabi niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang sumigaw si Manang.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon