35

1.8K 77 4
                                    

"Baby, ano ba ang magandang gift na pwedi kong ibigay sa Mama mo?" Malambing kong tanong kay Princess. Malapit na kasi ang kaarawan ni Glaiza kaya nag iisip ako ng pwedi kong iregalo sa kanya.

"Mom, hindi naman kailangan ni Mama ng expensive things eh. Mas maapreciate ni Mama kung pinaghirapan mo mismo ang ibibigay mo sa kanya." Sagot ni Princess habang nakatutok siya sa kanyang cellphone.

"Ano nga? Bigyan mo ako ng idea." Pangungulit ko.

"Mom, dapat galing sayo mismo ang ideya na yon. Mag isip ka nalang." Sagot niya habang sa cellphone pa din ang atensyon niya.

Kaya sinilip ko kung ano yung ginagawa niya at mukhang hook na hook siya dito pero nakita niya pala na sumisilip ako.

"How rude. Mommy naman, hindi maganda yang ginagawa mo. Dapat may privacy ako." Reklamo niya.

"Baby naman, hindi ko naman nabasa kung ano yung chat ninyo eh. Sino ba yang kachat mo ha? Boyfriend mo ba?" Tanong ko.

"Boyfriend? Eww! Hindi ako mahilig sa boys Mom." Sagot niya sabay lakad palayo sa akin.

"Hey, where are you going?" Tanong ko.

"Sa room ko. I wanna sleep." Sagot niya.

Ang bilis ng panahon, dati ang liit liit pa ni Princess pero ngayon heto na siya may kachat na. Habang lumalaki si Princess ay mas malapit siya kay Glaiza, siguro dahil go lang ng go si Glaiza kung ano yung gusto ng anak niya. Ako kasi medyo mahigpit ako pagdating sa kanya dahil ayokong mawala siya sa amin.

"Mukhang malalim yata ang iniisip ng asawa ko ah." Biglang sabi ni Glaiza habang niyakap niya ako mula sa likuran.

"Si Princess kasi may kachat na. Ayoko pang mag asawa ang baby natin love." Sumbong ko habang hinarap ko siya.

Tumawa siya ng mahina.

"Ano ka ba, may kachat lang ang anak natin. Hindi pa yan mag aasawa madami pang pangarap yan sa buhay." Nakangiting sabi ni Glaiza sa akin.

"Eh, masisisi mo ba ako, kung mag alala ako para sa kanya? Ayokong mawalay siya sa atin love." Sabi ko.

Hinalikan niya ako sa noo.

"Para mapanatag yang kalooban mo. Lika puntahan natin si Princess." Sabi niya sabay hila ng isa kong kamay.

Sumunod naman ako at nagtungo kami sa kwarto ni Princess.

Kumatok si Glaiza at agad namang bumukas ang pinto.

Kitang kita sa mukha ni Princess ang pagkagulat.

"Mama? Mom? Ma..may problema po ba?" Sabi niya.

Ngumiti si Glaiza habang nakatingin siya sa akin.

"Baby, pwedi ka ba naming makausap ng Mommy mo?" Tanong ni Glaiza.

"Su..sure, tungkol saan po ang pag uusapan natin?" Pautal niyang tanong.

Pumasok si Glaiza sa loob ng kwarto niya at sumunod naman ako samantalang naiwang nakatayo si Princess sa may pinto.

"Come here, umupo ka dito sa gitna namin ng Mommy mo." Mahinahong utos ni Glaiza.

Sumunod naman si Princess.

"May nagawa po ba akong mali?" Tanong niya.

Sinuklay suklay ni Glaiza ang buhok ni Princess bago siya nagsalita.

"Your Mom is worried about you, may kachat ka   daw? If you don't mind pwedi ba naming malaman ng Mommy mo kung sino yang kachat mo na yan? Alam mo naman na uso ngayon ang mga modus sa chat-chat na yan." Sabi ni Glaiza.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon