27

1.5K 68 10
                                    

"Rhian, pag isipan mo ang mga sinasabi ko sayo. Matagal na kitang gusto." Mahinang sabi ni Osrich habang nakatitig siya sa mga mata ko.

Si Osrich Chua ay isa sa mga matalik na kaibigan ko noong highschool. Kaibigan ang ama niya at si Daddy dahil halos lahat ng negosyos namin ay magkasosyo sila.

"Don't tell me inutusan ka ni Dad na manligaw sa akin that's why you're here?" Sagot ko na medyo tinitimpi ang inis.

"No! Walang kinalaman si tito dito. Nabalitaan ko kasi ang nangyari at nagkataon na dito din ako nag aaral ng music sa Paris kaya hiningi ko na address mo." Paliwanag niya.

"Look Rhi, hindi naman kita minamadali. Pag isipan mo muna ang mga sinasabi ko sayo. Alam ko madami kanang pinagdaan ngayon at huwag mo sanang isipin na sinasamantala ko ang pagkakataong ito." Dagdag niya.

"I'm married and we both know na I'm not into boys, alam nating pareho yan Rich." Sagot ko.

Ngumiti siya ng mapait.

"Yeah, but I'm still hoping Rhi, na sana buksan mo din ang puso mo sa mga kagaya ko. I'm not saying na I am better than her pero gagawin ko ang lahat huwag mo lang danasin ang naranasan mo sa ex- wife mo." Sagot niya.

Hindi ako kumibo. Sa totoo lang mabuting tao si Osrich, magalang at mabait. Siguro kong lalaki lang ang hinahanap ng puso ko hindi ko siya tatanggihan.

"Hey, are you okay? Diba sabi ko sayo hindi ako nagmamadali? Huwag mo munang isipan yan okay. So ready na ba kayo?" Tanong niya.

Nalito ako kaya kumunot ang aking noo.

"Ready saan?" Tanong ko sa kanya.

"Diba schedule ninyo ngayon na magpunta sa doctor? Sasamahan ko na kayo since wala naman akong gagawin today." Sabi niya.

"Rich,may driver naman kami. Isa pa nakakahiya naman sayo." Sagot ko.

"Ano ka ba Rhi, ngayon ka pa ba mahihiya sa akin? Sa dinami dami ng kalokohang nagawa nating tatlo dati ni Bianca, mahihiya kapa?" Nakangiti niyang sabi.

Hindi ko rin maiwasan ang hindi matawa sa mga sinasabi niya dahil naalala ko kung paano kami mag cutting classes noon para lang uminum.

"See? May naalala ka ano?" Panunukso niya.

"Baliw ka talaga. Sige antayin mo lang kami sandali, bibihisan ko lang si Princess." Sabi ko sa kanya.

"Take your time Rhi, dito lang ako." Sagot niya at iniwan ko siya habang naglalakad ako patungo sa kuwarto ni Princess.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakabihis na pala ang anak ko.

Ngumiti siya nang makita niya ako.

"Mommy, makikita ba natin ngayon si Mama?" Masaya niyang tanong.

Saka lang nag sink in sa utak ko na pupunta din pala si Glaiza sa hospital ngayon.

"Maybe baby." Tipid kong sagot.

"Mommy, pwedi ko ba siyang lapitan mamaya at ihug ko siya? Namimiss ko na kasi si Mama, Mommy eh." Paki usap ni Princess.

"Okay but secret lang natin yan ha? Huwag mong ipalaam sa Dada mo ang tungkol diyan para hindi na niya aawayin ang Mama mo." Bilin ko kay Princess.

"Promise Mommy." Sagot niya.

"Good. Sige na baby mauna kana sa sala nandoon ang tito Osrich mo. Siya yung sasama aa atin ngayon." Sabi ko.

"Okay Mommy." Sagot niya.

"Huwag kang makulit kay tito okay? Behave ka lang." Sabi ko.

Tumango lang siya at tuluyan na siyang naglakad papunta sa sala, habang nagtungo naman ako sa kuwarto upang magbihis.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon