5

2K 88 10
                                    

"Ma'am may bisita po kayo nasa veranda po siya naghihintay." Sabi sa akin ni Manang habang nasa loob ako ng library ko.

"Sino po Manang?" Taka kong tanong. Wala naman kasi akong natatandaan na may pupunta dito ngayon sa bahay.

"Si Ma'am Kylie po, nakita kasi siya ni Prince kanina kaya pinatuloy na niya agad ang tita niya." Paliwanag ni Manang.

"Ah, ganun po ba. Sige po paki sabi nalang susunod na po ako." Sagot ko kay Manang.

"Okay po Ma'am." Sabi naman ni Manang at tuluyan na siyang lumabas.

Bakit kaya pabigla bigla ang pagdalaw ni Kylie. Tanong ko sa isipan ko.

Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay nagtungo sa veranda kung saan naghihintay si Kylie.

Nasa malayo palang ako pero kitang kita ko na kung gaano kasaya ang mga anak ko pagkakita nila sa tita nila. Ganun din si Ky palipat lipat siya sa pagyakap sa dalawa. Lumapit na may ngiti sa aking mga labi.

"Hey, kumusta kana?" Bati ko sa kanya.

Lumawak naman ang kanyang mga ngiti pagkakita niya sa akin at agad niya akong nilapitan para yakapin.

"Rhian, my God namiss kita. Namiss ko kayong lahat." Sabi niya habang hinagod hagod niya ang aking likod.

"Namiss din kita Ky." Sagot ko.

Pagkatapos ng madrama naming tagpo ay bumitaw na kami sa pagyakap sa isa't isa at pareho kaming umupo.

Katabi niyang umupo ang mga anak ko habang ako naman ay kaharap lang nila.

"Ky, napadalaw ka yata ng hindi man lang nagsasabi sa akin?" Panimula ko.

"Hindi ko rin kasi alam Rhi na makakauwi ako ng hindi inaasahan eh. Si Solen kasi nagyaya na magbakasyon daw kami kasi gusto niyang magtungo sa Palawan." Mahabang paliwanag ni Kylie.

"Ganun ba. Mabuti naman at napadaan ka dito sa bahay." Sabi ko.

"Oo naman maari ba namang makalimutan kong puntahan itong mga makukulit kong pamangkin." Sabi niya sabay tingin sa dalawa.

"Tita Ky kasama ko ba si Mama sa Palawan pwedi ba kaming sumama ni kuya sayo tita?" Sabat ni Princess.

Pareho kaming nakatingin ni Kylie kay Princess hanggang sa magsalita si Prince.

"Bunso hindi natin pweding iwan si Mommy hindi ako sasama kay tita dito lang ako para may kasama si Mommy." Sabi ni Prince habang nakatingin siya kay Princess.

"Pero kuya gusto kong makita si Mama alam ko magkasama sila Tita Ky at Mama sa Palawan." Giit ni Princess.

"Princess baby, hindi ko kasama ang Mama mo dahil hindi ko rin alam kung nasaan ang Mama mo ngayon." Sabi ni Ky kay Princess.

"Princess iiwan mo din pala ako kagaya ng ginawa ng Mama ninyo sa akin?" Tanong ko kay Princess.

"Hindi naman po kita iiwan Mom, babalik naman po ako gusto ko lang sumama kay tita Ky miss na miss ko na si Mama, Mommy." Sabi niya habang may luhang nagbabadyang lumabas sa kanyang mga mata.

Naawa ako sa anak ko alam ko kung gaano niya kamiss ang Mama niya dahil sa kanilang dalawa siya ang mas malapit kay Glaiza.

"Prince love, puntahan muna ninyo si Manang pakisabi magdala ng meryenda dito at pagkatapos maglaro na muna kayo ni Princess. Kakausapin ko lang ang tita ninyo ha." Baling ko kay Prince.

"Yes Mom. Lets go bunso hayaan na muna natin sila Mommy at tita." Sabi niya kay Princess habang inalalayan niya ito sa paglakad.

Malambing at maalaga na bata si Prince. Manang mana siya sa kapatid kong si Uno samantalang makulit at medyo may katigasan ng ulo si Princess nakuha niya ang ugali niya kay Glaiza.

Taste of Love (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon