— Elizza —
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak sa kuwarto ko. Sa unan ko ibinunton lahat ng sakit at inis na nararamdaman ko kay Waves.
Pinagsusuntok ko 'to at kinurot-kinurot habang paulit-ulit na sinasabing, “Nakakainis ka, Waves! Hayop ka!”
Nakagat ko nang mariin ang ibabang labi ko na halos magdugo na pala. Nagkasugat pa nga nang maliit kaya humapdi.
Ang kapal talaga ng pagmumukha niya para ganituhin ako! Sa tingin niya ba masaya ako sa relasyong 'to? Nahihirapan din naman ako! Pareho lang kami.
Masama ang tingin ko nang lingunin ko ang cellphone kong nag-ring.
Dahan-dahang bumagsak ang mga balikat ko at lumuwag ang mahigpit na hawak sa unan. Unti-unti akong kumalma at hindi na naramdaman ang pagkasalubong ng mga kilay ko matapos kong makita na si Joreld ang tumatawag.
Lumunok muna ako bago tumikhim at pinunasan ang mukha ko.
“Ang ganda mo, Elizza,” pagkausap ko sa sarili ko para malaman kung ayos lang ba ang boses at pagsasalita ko bago siya kausapin.
Nang marinig na okay naman, sinagot ko na ang tawag.
“Elizza, kumusta? Nasaan na kayo?” bungad niya.
“Ah, ano. Wala, nasa bahay na ulit kami.” Sumimangot ako at humiga.
“Ha? Bakit? Ang aga n'yo naman yata nakauwi,” pagtataka niya.
“May buang kasi rito. Parang gago lang,” walang prenong sagot ko na ikinatahimik niya sa kabilang linya. “Ang sarap niyang tirisin! Pasalamat siya buntis ako.”
Napasinghal ako at umirap.
Letse talaga. Nandito pa rin ang kirot sa puso ko, bwiset siya.
Malandi pala, ha.
Gano'n ba talaga akong babae? Hindi naman ako gano'n! Kapal talaga ng pagmumukha niya. Akala niya ba hindi masakit?
“Ano'ng nangyari? Sinaktan ka ba niya? Ano'ng ginawa niya sa 'yo?” sunod-sunod na tanong ni Joreld. Ipinarinig ko naman ang pagbuntong hininga ko. “Hoy, ano? Sasagot ka o sasagot ka? Huwag mo 'kong daanin sa pagbuntong hininga mo, ah.”
Natawa ako nang mahina at umiling. “Wala naman siyang ginawa sa 'kin. 'Di niya nga ako kayang saktan, don't worry.”
“Sure ka ba? Kasi concern lang naman ako as ano... as a friend you know.”
Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko kasi as a friend ang sinabi niya. Ang pangit niya talaga lumusot.
“Sure, promise. 'Di niya ako sinaktan kaya okay lang.”
'Di niya ako sinaktan pero araw-araw akong nasasaktan dito dahil sa mga pinaparamdam niya sa 'kin. Alam ko namang nasasaktan din siya pero tama pa ba 'to?
“By the way, ikaw, kumusta?” ako naman ang nagtanong. Hindi ko pala kasi siya masyadong nakukumusta.
“Heto, okay naman. Ikaw pa rin ang iniisip.”
Naitikom ko ang bibig ko at napapikit.
Grabe ka na talaga, Joreld. Napaka-corny mo na, joke.
“Puro ka kalokohan, Joreld. Dapat nga hindi mo na 'ko iniisip. Alam mo namang married na—”
“Hep!” Kumunot ang noo ko sa pagpigil niya sa sinasabi ko. “Ang sama mo naman sa 'kin.”
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomansaCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...