Chapter 18: Successfully Failed

15.9K 380 34
                                    

— Elizza —

    “Mukhang busy'ng busy ka na ngayon sa pagtatrabaho, ah. Ilang araw rin tayong hindi nagkausap,” sambit ko.

    Kausap ko ngayon si Joreld sa phone call, siya ang tumawag.

    “Oo nga, e. Sorry, ngayon lang ako nakatawag ulit. Hindi tuloy kita nakumusta no'ng mga nagdaang araw. Alam mo na, kailangan kong magsipag,” sagot naman niya na ikinangisi ko lang.

    “Don't worry, I'm fine. Just keep doing a good work, okay?”

    “Fine ba talaga? Baka nagkakaproblema ulit kayo diyan ni Waves?” pag-uusisa niya na hindi ko agad nasagot dahil dumaan si Waves sa harap ko.

    Speaking of.

    Nasa living room lang ako, gabi na rin at nanonood ako kanina bago tumawag si Joreld.

    Pero itong si Waves, kakauwi-uwi niya lang at heto nakabihis na siya ng ibang pang-alis. Suot niya ang kaniyang blue longsleeves plaid polo na bukas ang mga butones at may panloob na sando, at khaki shorts.

    Mukhang may lakad.

    “Sige na, Joreld. Bye!” paalam ko bago pa man makarating si Waves sa pinto.

    “Saan punta mo?” tanong ko na ikinatigil niya sa paglalakad.

    Nilingon niya ako saglit bago inayos ang suot niyang polo. “None of your business. Just go to your room and take a rest.”

    Tumaas ang kilay ko at nagdekwatro pa ng upo. “No, ayoko.”

    Kumunot ang kaniyang noo at napatingin sa wrist watch na suot niya. “It's late, you should—”

    “Late na rin pero aalis ka ulit, pinagsabihan ba kita?” putol ko sa sinasabi niya. Actually, balak ko na rin namang matulog na pero ang sarap niya kasing asarin.

    Umismid lang siya at binuksan na ang pinto. Tuluyan siyang lumabas ng bahay. Napatitig na lang ako sa pinto hanggang sa marinig ko na ang pag-start ng kotse niya.

    Saan naman kaya siya pupunta?

    Ilang araw rin kaming walang imikan dito sa bahay. Madalas akong napapadalaw kina mama at papa dahil wala akong magawa rito. Ako lang lagi ang mag-isa tapos ayoko namang nakikita si Waves dito kapag wala siyang pasok.

    “Mukhang masaya ang anak ko, ha. Siguradong ayos na kayo ni Waves bilang mag-asawa, 'no?” ang sabi ni Papa noong huling dalaw ko sa kanila.

    Nagsinungaling ako niyon at sinagot na lang sila ng isang tango.

    Buong akala talaga nila ay masaya kami ni Waves sa buhay namin ngayon.

    Sino bang magiging masaya rito? I know that ‘Parents knows the best’ but not at all times. Mga magulang namin ang nagdesisyon para sa amin, sila na ang sumulat ng sunod na mangyayari sa buhay namin ni Waves at heto, pareho kaming nahihirapan.

    Sana dumating ang araw na ma-realize ni Papa kung gaano kamali ang naging desisyon niyang ipakasal ako sa boyfriend ng kambal ko.

    Mabilis akong napalingon sa telephone nang mag-ring ito. Kumunot ang noo ko dahil sino namang tatawag sa bahay namin nang ganitong oras?

    Sinagot ko na lang ang tawag at hindi muna nagsalita. Hinintay kong mauna ang tumawag.

    “Hello. Is this Waves?”

    Nabosesan ko agad siya. It was Tito Wayne.

    “Tito, si Elizza po ito,” pagsagot ko.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon