Chapter 30: Last

15.6K 331 19
                                    

— Elizza —

    “Ano ba kayong dalawa? Bakit kayo nag-aaway?” pasigaw na tanong ni Tito Darren na nakita kong nagmamadaling naglalakad na papunta sa amin. “Rinig na rinig ang sigawan n'yo. Ano bang problema?” Tiningnan niya kami isa-isa.

    “Your son is such a bullshit,” Waves exclaimed while holding my hand tightly.

    Nagdikit ang dalawang kilay ni tito at nagsalitan ng tingin kina Darwin at Waves. “What did you do, Darwin?”

    Darwin just laughed sarcastically and didn't even bother to answer his father.

    Ang sabi niya kanina, he was testing Waves. Ano'ng ibig niyang sabihin do'n? Ano'ng sinusubukan niya kay Waves? And alam niya rin ang story sa kasal namin ni Waves?

    Malamang, hindi malabo 'yon. Siguro nga buong angkan ng Laserna ay alam ang tungkol sa nangyari.

    “He was fucking cornering my wife on that door!” Si Waves na ang sumagot at tinuro ang pinto ng banyo. “That was too close. He's being a jerk again.”

    Napailing si tito at nilapitan ang anak niya. “Is that true?” tanong nito at walang pag-aalinlangan namang tumango si Darwin. “You, asshole, stop being a moron! She is your cousin's wife for Pete's sake!” Tumaas na ang boses ni tito at akmang susuntukin pa ang anak pero mabilis na lumayo si Darwin.

    “D-Dad, chill! Don't punch my handsome face, godammit. Nakatikim na nga ako kay Waves, e.” Ngumuso si Darwin at tinakpan ang labi niyang may sugat. “Now I know how possessive is Waves to his love—”

    “I'm just protecting her from you because she's my wife!” singit naman nito ni Waves sa sinasabi ni Darwin. Tinawanan lang ulit siya ng pinsan niya. “Are you insane?”

    “Ikaw yata 'yung baliw, e,” ganti ni Darwin at namulsa na sa harap namin. “Don't worry, bro. Wala naman akong plano sa asawa mo. She's all yours. Y'know, I'm still into Wynona and I want her back.”

    Bigla na lang nagseryoso ang mukha ni Darwin. Nawala na 'yung pagiging maloko at mapang-asar niya. Hindi na rin siya ngumisi pang muli.

    So, tama ako. Mahal niya pa ang ex niyang may pinakasalang iba raw sa London.

    “What's happening here?”

    Lahat kami ay napalingon sa bagong dating. It was Tita Maureen, wearing her furrowing eyebrows.

    “Tita, uuwi na kami. Thanks for inviting us here,” ang tanging paalam ni Waves bago ako marahan na hinila kaya sumunod din agad ako sa kaniya.

    “Ha? Why?” naguguluhang tanong ni tita. Pilit na lang akong ngumiti sa kaniya. “What just happened?” pag-uulit niya matapos namin siyang lagpasan ni Waves.

    Lumabas kami ng mansion at bumalik sa cottage. Pagkapasok na pagkapasok doon ay ni-lock niya ang pinto at bumuga ng isang malakas na paghinga.

    “Why are you so quiet, Elizza?” baling niya sa akin pagkaupo na pagkaupo ko pa lang sa kama. “Did you like it? Did you like what he did—”

    “Nababaliw ka na naman,” kunot noong putol ko sa kaniya. Napangiwi siya at umiling. Lumapit siya at umupo rin sa tabi ko. “Hindi ko lang kayang pumiglas sa kaniya. Nag-aalala ako sa tiyan ko. Hindi ko kilala ang pinsan mo at hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin kapag pumiglas ako sa kaniya,” mahinang sagot ko.

    Napabuntong hininga siya at tumango-tango. Mas lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang ulo ko para isandal sa kaniya 'yon.

    “Uuwi na tayo, okay?” mahinang sabi niya.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon