— Elizza —
“Ready ka na ba?” sigaw ni Waves mula sa kuwarto niya.
Mas binilisan ko ang pagkilos at pagtatali ng buhok ko. Nag-aayos na kasi kami para sa pag-alis namin. Hindi ko pa rin alam kung saan ang exact location ng pupuntahan namin pero siya na talaga ang bahala sa 'kin.
“Oo!” sigaw ko rin at tumayo na. Tumayo ako sa harap ng full body-sized mirror para tingnan ang itsura ko.
Inayos ko lang ang kaunting gusot sa blue off shoulder maternity dress na suot ko. Nang makitang okay na ako, kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kuwarto.
Napaatras pa ako nang isang hakbang dahil sa gulat nang bumungad sa 'kin si Waves sa pagbukas ko ng pinto.
He smiled. Tiningnan niya ang buong katawan ko. “You looked beautiful,” puri niya at inilahad na ang kamay sa harap ko. “Let's go?”
Tumango ako. “Let's go.” Tinanggap ko ang kamay niya at ipinatong doon ang kamay ko.
Sabay kaming naglakad. No'ng nasa hagdan na kami, dahan-dahang pumulupot sa baywang ko ang kamay niya kaya napatingin ako ro'n. Para alalayan lang siguro ako.
“Mauna ka na sa kotse,” sabi niya pagkababa na pagkababa pa lang namin. Doon ko nakita ang mga dadalhin namin na nakahanda na sa living room.
Tumango lang ako at lalayo na sana sa kaniya. Tumaas na lang ang kilay ko nang hindi niya pinakawalan ang kamay at baywang ko. Sumabay siya sa 'kin palabas ng bahay.
Akala ko mauuna akong mag-isa. Hahatid niya pa pala ako.
Naka-park na rin ang kotse niya sa labas. Lumapit kami ro'n at pinagbuksan niya ako ng pinto sa tabi ng driver's seat. Ipinatong niya pa ang kamay niya sa ulo ko habang nakayuko akong pumapasok.
Tiningnan ko siya. Yumuko siya nang kaunti sa akin. “Wait for me here.”
Tumango lang ako kaya sinara na niya ang pinto at pa-jog na bumalik sa loob ng bahay. Tumingin na lang ako sa paligid ng kotse niya.
Medyo matagal na rin noong huling sakay ko rito sa sasakyan niya. Na-miss ko ang mabangong amoy rito.
Tumingin ulit ako sa labas. Nakita ko na siyang dala na ang ilang bags ng mga pagkaing niluto niya. Ipinasok niya 'yon sa likod ng kotse at bumalik ulit sa bahay.
Matapos niyang mailipat lahat ng dadalhin namin sa likod ng kotse, sumakay na siya at tumingin sa akin. Saglit lang 'yon dahil ini-start na niya ang sasakyan at pinaandar na ito.
“Gusto mo bang makinig sa musics or radio?” tanong niya na ikinailing ko naman.
“No, mas gusto ko ng tahimik.”
Tumango na lamang siya at nanahimik nga habang nagda-drive. Ako nama'y sumandal lang at nakatingin sa daan. Pero pakiramdam ko ay may gusto na naman siyang sabihin dahil pasulyap-sulyap siya sa 'kin.
Parang tanga naman 'to. Baka mamaya mabangga pa kami.
“May sasabihin ka ba?” tanong ko.
Tumikhim siya at tumango. “Nag-reply ba siya?” Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. “Si Joreld?”
Umiwas ako ng tingin at umiling. “Hindi. Wala na yata talaga siyang balak na kausapin ako.”
Doon ako napabuntong hininga. Ewan ko pero ang bigat sa dibdib. Ang bigat sa dibdib na nilalayuan na nga niya ako.
Siguro nga ayun ang tama para hindi na magkaproblema, pero . . . hindi ko naman maiwasang hanapin siya.
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomanceCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...