Epilogue

20.2K 410 77
                                    

— Waves —

    “Do you, Aren Carlton Garlod, take Azzile Tania to be your lawfully wedded wife? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto her for as long as you both shall live?”

    “I do,” agad na sagot ni Aren.

    Napatingin ako kay Elizza na nasa tabi ko lang. Bumaba rin ang tingin ko kay baby na buhat-buhat niya at tahimik lang naman. Napalingon siya sa 'kin at agad na nagpakita ng ngiti.

    Ang ganda talaga.

   “Do you, Azzile Tania, take Aren Carlton Garlod to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto him for as long as you both shall live?”
   
    “I do!” magiliw na tugon ni Azzile kaya ibinalik ko ang tingin ko sa harap.

    I'm still happy.

    Hindi man kami ang ikinasal, masaya pa rin akong nahanap pa rin namin ang happiness namin. I'm proud to say na pareho kaming hindi tumambay sa sakit na dinulot ng mga nangyari. Hindi lang talaga kami ang para sa isa't isa.

    I'm for Elizza and she is mine.

    Hindi man makatao ang mga ginawa ko sa kaniya noon, gagawin ko ang lahat para mabura amg mga 'yon sa alaala niya. I will fullfil our life with happiness, faith, and contentment.

    “Azzile, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.”

    Nag-e-exchange of rings na sila.

    “Aren, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.”

    Hindi ko maiwasang mapalingon na naman kay Elizza na tutok na tutok lang sa nagaganap na kasalan.

    Damn, I can't wait to marry her again.

    Huminga ako nang malalim at nalanghap ang sariwang hangin dito sa beach kung saan ikinakasal sina Azzile at Aren. This is so relaxing. The venue is simple yet elegant. Everyone is wearing a navy blue dress and tuxedo. White and blue was the theme color and it made the wedding more relaxing to watch.

    I'm a fan of beach wedding because mom and dad's renewal of vows was held in a beach as well. But I will choose to marry my wife in church. It feels more sacred, I believe.

    “By the authority vested in me, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss your bride.”

    Lahat kami ay napatayo at nagpalakpakan nang i-announce na ng priest na kasal na talaga sila. Nasundan ng hiyawan ang palakpakan nang halikan na ni Aren si Azzile matapos niyang itaas ang belo nito.

    “I hope na maging maganda ang pagsasama sila,” sabi nitong si Elizza sa tabi ko. “Sana magtagal sila, gano'n.”

    I nodded as a sign that I agree. “Puntahan na natin sila.”

    Maraming bumati kina Azzile at Aren. Pinaulanan sila ng best wishes ng mga tao. Kasama kami sa pictures, of course. Buhat-buhat din ni Azzile ang anak niya habang kinukuhaan kami ng pictures.

    Hindi ako lumalayo kay Elizza habang nagpapatuloy ang celebration ng kasal nila.

    “Sa susunod, tayo naman ulit,” bulong ko sa kaniya.

    Ngumiti siya at tumango-tango. “I can't wait, Waves.”

    Two months ago na no'ng nag-propose ako sa kaniya for renewal of vows. Pinauna lang talaga namin sina Aren at Azzile. Hihintayin muna namin ni Elizza na mag-one year old na si baby Wade bago magpakasal ulit kasi . . . kasi trip lang namin?

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon