Chapter 35: The Child

15.9K 311 16
                                    

— Elizza —


    “Sige pa, ire pa. Kaya mo 'yan, lakasan mo pa!”

    Napasigaw ako nang sobrang lakas habang iniire ang paglabas ng anak ko. Napakapit ako nang mahigpit sa gilid ng kama.

    Tinitingnan ko pa rin ang mga doctor na nagpapaanak sa 'kin habang ginagawa 'yon. Sobrang sakit at para akong nawawarak pero hindi ako tumigil sa pagtulak.

    “Sige, Elizza. Malapit na!”

    Nang narinig ko 'yon ay mas pinag-igihan ko pa. Hindi na ako makapaghintay na mailabas ko ang anak ko kaya kahit gaano kasakit ay pinilit ko.

    Tagatak na ang pawis ko at halos naliligo na ako rito, sobrang init din, at hingal na hingal na ako.

    “Baby's out!”

    Otomatikong bumagsak ang mga kamay at balikat ko. Hinabol ko ang hininga ko habang tinitingnan sila.

    Pumatak na lang ang luha ko matapos kong marinig ang malakas na iyak ng anak ko. Pinutol na nila ang pusod at nilagay sa isang sapin si baby.

    “P-Puwede ko po ba siyang hawakan muna?” nanghihina at habol hiningang tanong ko.

    Tumango sila sa 'kin at maingat na nilagay ang anak ko sa gilid ko, sa ibabaw ng aking braso. Napangiti ako nang malapitan ko na siyang nakita. Sobrang cute niya at malakas ang iyak na ibig sabihin ay ligtas kong naipanganak ang anak ko.

    “Your baby is a healthy boy.”

    Tumango-tango ako sa Doctor. “Thank you po.”

    Pinunasan ko muna ang ulo ng anak ko gamit ang sapin niya bago ko siya hinalikan doon.

    “Welcome to world, baby Wade," mahinang sabi ko at hinalikan muli siya. “I love you, baby ko.”

    Dumating na talaga ang pinakahihintay ko. Worth it din pala lahat ng pinagdaanan ko habang pinagbubuntis siya nang siyam na buwan dahil tingnan n'yo naman, ang cute-cute ng baby ko at lusog-lusog pa. Sobrang sarap pala sa pakiramdam ang maging ina— na kahit hindi ka pa handa noong una ay magiging masaya ka rin pa lang masilayan ang anak mo sa huli, lalo na kung ginawa mo naman ang lahat para protektahan siya.

    Hinawakan ko ang daliri niya. “Baby, promise ni mommy na poprotektahan kita hanggang paglaki mo.”

    Siguradong matutuwa ang daddy mo kapag nakita ka niya kasi kamukha mo siya.

    Nakita ko kasi dati ang picture ni Waves no'ng baby siya. Pinakita sa 'kin ni Azzile at magkamukha talaga itong mag-ama.

    Hindi rin nagtagal ay kinuha na ulit si baby sa akin ng mga doctor para daw linisan at dalhin na sa nursery section.

    Ako naman ay nilipat na sa ibang kuwarto para makapagpahinga. Sumunod sa hospital room ko sina Ate Tessa at ang ibang lalaki naming kapitbahay na tumulong sa 'kin na dalhin dito sa hospital.

    “Kumusta naman ang baby mo, Elizza?” tanong ni Ate Tessa at inilapag sa lamesa ang dala niyang plastic. “Prutas para sa 'yo.”

    “Salamat po, ate. Okay naman po ang baby ko, ang cute niya at ang healthy-healthy pa,” nakangiting sagot ko na ikinangiti rin nilang lahat.

    “Mabuti naman kung gano'n. Mauuna na kaming umuwi, Elizza, ha?” singit ni Kuya Ernesto para magpaalam. “May sabong pa kami ni Rolando." Tinapik niya ang katabi niya.

    Sila pala 'yung mga sabungero sa amin. Araw-araw yata ay may sabong sila ng mga manok.

    Natawa lang ako nang mahina at tumango. “Salamat din po sa inyo. Ingat po pag-uwi.”

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon