Chapter 7: Start

17.7K 367 12
                                    

— Elizza —

   

    “’Ma? Paano kung tumakbo na lang kaya ako sa kasalan?” tanong ko kay Mama habang inaayos niya ang mahaba kong gown.

    Napatingin din tuloy ako sa backless tube gown na suot ko na ngayon. Bagay naman sa akin at ang ganda ko rito, sabi rin ni Mama.

    “Elizza, dala mo ang pangalan ni Azzile sa kasalang ito,” seryosong sagot niya.

    Pagak akong natawa at napailing na lang.

    Kailangan ko pa talagang magpanggap na si Azzile para hindi kami magkaroon ng issue, ’no? Hindi ko alam kung bakit kailangan ganito pa kagulo ang sitwasyon, mas gumagawa lang kami ng mas malaking problema, e.

    Pagpanggapin ba naman akong si Azzile?

    “Hindi ba’t gusto mo rin si Waves?”

    Natigilan ako sa naging tanong ni Mama. Kumunot ang noo ko at tumingin na lang sa salamin.

    “Hindi ko na alam, ’Ma. Pero kung ito na talaga ang kapalaran namin, sana matutunan naming mahalin nang totoo ang isa’t isa.”

    Tumango si Mama at ngumiti pagkatapos niyang ayusin ang gown ko.

    “Sana nga, anak. Sana pagkatapos ng kasal na ito, maging normal ang pamumuhay n’yo. Magkakaanak kayo, at ang kambal mo ay siguradong makaka-move on at makakahanap din ng lalaking mas mamahalin siya, higit pa sa pagmamahal ni Waves sa kaniya.”

    Pinilit kong ngumiti at tumango sa kaniya, hindi na ako sumagot.

    Naiisip ko pa rin si Azzile. Kumusta na kaya siya? Ano'ng ginagawa niya? Paano kung na-depress siya dahil sa nangyari? Sana maging okay rin ang kambal ko.

    “Nandiyan na ang bridal car mo.”

    Napatingin ako sa pinto nang  pumasok ang make-up artist ko. Tumango ako sa kaniya at tumingin kay Mama.

    “Mauuna na ako ro’n, Elizza.”

    Tumango lang din ako.

    Pinalipas ko muna ang ilang minuto simula nang umalis si Mama. Parang nabibigatan pa nga ang mga paa ko na tumayo at lumabas.

    Pero kailangan kong gawin ’to.

    Isang malalim na hininga muna ang ginawa ko bago lumabas at sumakay sa bridal car. Ngumiti pa sa akin ang driver na parang tuwang tuwa siyang ikakasal ako.

    Ngumiti ako pabalik at sana hindi niya nahalatang peke ’yon.

    Ano kayang magiging reaksyon ni Waves kapag nakita niya ako? Sana magpakitang tao man lang siya mamaya kahit na ayaw niya sa ’kin.

    “Congrats po, Ma'am Azzile.”

    Napatingin na naman ako kay Manong Diver nang batiin niya ako. Ngumiti na lang ulit ako at tumango.

    Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko nagawang sumagot. Tawagin ba naman akong Azzile? Sa bagay, ang alam nila ay ako si Azzile.

    Hindi ko talaga gusto ang ideyang 'to dahil alam kong isang araw malalaman din ng lahat ang tungkol dito at mas malaki pang issue ang mangyayari.

    “Nandito na po tayo.”

    Napatingin ako sa labas nang sabihin 'yon ni Manong driver. Nagsisimula na rin ang wedding ceremony, naririnig ko mula rito ang music sa loob, at nakikita ang mga dumalo na pumapasok na sa loob ng simbahan.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon