Chapter 40: Explained

14.4K 323 48
                                    

— Waves —

    Nakatayo lang ako rito sa labas ng kuwarto habang nag-uusap 'yung dalawa sa loob nang marinig kong lumalakas na ang boses nila.

    And darn shit, my baby was sleeping. Bakit hindi na lang sila lumabas at dito mag-usap? Baka magising pa si baby.

    “Dine-deny mo ba ang ginawa mo, Azzile?”

    My eyebrows met when I heard Elizza's question. Her voice was loud enough to overheard it.

    Hindi na ako nagdalawang isip at binuksan ko na ang pinto. I saw Azzile standing beside the bed while looking at Elizza and the confusion was visible to her face and eyes.

    “You guys are—”

    “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Elizza!” malakas pa ring sabi ni Azzile kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

    Nakangiwi ko siyang tiningnan saglit bago ako pumunta sa crib ni baby. Napailing na lang ako nang makitang gising na pala siya pero hindi naman umiiyak.

    Damn naman, kakatulog lang ni baby, e. Nagising tuloy agad. Nilingon ko ulit ang dalawa. They were both looking at each other's eyes intently.

    “You know what, Elizza, Azzile, you—”

    “At hindi ko rin alam kung bakit nagmamaang-maangan ka pa, e huling huli ka na nga!” sagot naman nito ni Elizza na ikinaputol na naman ng sasabihin ko.

    Napasilip na naman ako kay baby nang marinig kong gumagawa na siya ng mahihinang ingay. Lukot na ang mukha niya at parang iiyak na kaya mabilis ko siyang kinuha mula sa crib.

    “Shh baby, daddy's here,” I whispered while swinging my body.

    “Elizza—”

    “Quiet!”

    Pareho silang napatingin sa akin nang nilakasan ko na ang boses ko. Gising na rin naman si baby, e.

    “Ang ingay n'yong dalawa, puwede naman kayong mag-usap sa labas, right? Nagising tuloy si baby,” nakaismid na sabi ko.

    Napatitig ako kay Azzile nang suminghap siya. She brushed her own hair before looking at baby Wade.

    “I'm sorry,” mahinang saad niya at tumingin muli kay Elizza. “Aalis na kami. Sa ibang araw na lang tayo mag-usap.”

    Hindi sumagot ang asawa ko habang ako ay nanatiling na kay Azzile ang tingin hanggang sa makalabas siya ng kuwarto.

    I smirked.

    Kanina ko pa tinitingnan si Azzile sa labas and I am glad to say na wala na talaga akong nararamdaman kapag nakikita ko siya. Wala na 'yung bilis ng tibok ng puso ko noon tuwing kasama ko siya at nakikita. Wala na 'yung effect na parang kaming dalawa lang ang tao sa lugar kung nasaan kami.

    Hindi na tulad ng dati. Ang nararamdaman ko na lang ngayon ay ang galit ko sa pag-apak nila ni Aren sa ego ko.

    I glanced at Elizza who was closing her eyes. I saw her shoulders moving up and down as if she was breathing heavily.

    Everytime I looked at her, my heart suddenly beating abnormally. I could literally hear my own heart beating and shouting my wife's name. She looked more beautiful in my eyes. Kahit pareho sila ng mukha ni Azzile, sa mga mata ko ay mas maganda pa rin siya.

    I didn't see this coming. I didn't imagine myself before falling for her. Akala ko noon hindi ko kayang wala si Azzile, akala ko sa kaniya na lang talaga iikot ang mundo ko, akala ko hindi na mawawala 'yung pagmamahal ko sa kaniya, pero kaya ko pala matutunang mahalin si Elizza.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon