Chapter 32: Missing her

18.2K 321 17
                                    

— Waves —

    I was sitting on my bed while holding my phone and looking at Elizza's picture. I took these pictures of her. Kasalukuyan kong tinitingnan ang picture niyang nakangiti. Nasa garden kami nito at nagkukuwentuhan na may tawanan. Naisipan kong picture-an siya nang gano'n.

    Alam ko kasing simula no'ng kinasal kami, ngayon na lang ulit siya tumawa at ngumiti nang gano'n.

    I smiled. Nahahawa ako sa ngiti niya. Inilipat ko na lang ang picture. She was sitting on a wooden chair while hands on her tummy. She was caressing her tummy and talking to our child. Nilipat ko pa dahil naalala kong may video rin siya nito.

    “Baby, si daddy oh, inaasar si mommy,” nakangusong sabi niya habang nakatingin sa kaniyang tiyan.

    Narinig ang tawa ko sa video. Natatawa na rin siyang tumingin sa 'kin pero nanlaki ang mata nang makitang nakatutok sa kaniya ang phone ko.

    “W-Waves! Tigil mo nga 'yan, baka ang pangit ko diyan!” nahihiyang sitá niya sa 'kin habang tinatakpan ang camera.

    “Hey, ano'ng pangit? Ang ganda mo kaya!”

    My smile didn't fade while watching the video. I heard her laugh again and saw her beautiful smile.

    I already missed her.

    Na-stop ko ang video nang may kumatok.

    I blinked many times. Ibinaba ko ang phone ko at dahan-dahang naglakad papuntang pinto. Binuksan ko 'yon at bumungad ang nakangiti niyang mukha sa 'kin.

    “Waves, dinalhan na kita ng pagkain, oh.”

    Napatingin ako sa hawak niya. It was a tray with a plate of breakfast and glass of water.

    Napangiti ako. Hindi ko alam kung ngumingiting tumatawa ba ako o umiiyak.

    “E-Elizza . . .”

    She nodded as I called her.

    Yayakapin ko na sana siya pero sa isang kurap ko lang ay nawala na siya sa harap ko.

    “Fuck!” Napasuntok ako sa pinto kahit sobrang sakit na ng kamay ko at maraming sugat.

    Hindi ko yata kaya 'to. Gusto ko siyang hanapin at makita.

    Nagmadali lang akong maligo at mag-ayos ng sarili ko. I texted the Private Investigator of our family and asked his available schedule. Mamaya pa raw siya puwedeng makipagkita sa 'kin kaya papasok muna ako sa trabaho.

    Elizza wanted me to heal without her? As if I can.

    “Waves, why are you late?”

    Nakasalubong ko si daddy habang papunta na ako sa opisina ko. I shrugged. Hindi pa pala kasi nila alam na iniwan na ako ni Elizza.

    I don't want to tell it to him in this place. Maybe after work.

    “Minsan lang ako ma-late,” tipid na sagot ko.

    Napatango-tango naman siya. I looked away when he started staring at me.

    “Wait, did you cry? Bakit namumugto ang mata mo? May problema ba kayo ni Elizza?” he asked and I just nodded.

    There was no way to deny it.

    “It's all about her.” I sighed. “Mamaya na tayo mag-usap, dad. Trabaho muna.”

    Hindi na siya nagtanong pa kaya itinuloy ko na ang pagpasok sa opisina. Napatingin pa sa 'kin ang mga katrabaho ko pero hindi ko na sila pinansin pa.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon