Chapter 8: Deep

16.3K 401 39
                                    

— Elizza —

    Napatingin ako sa kamay kong nakabenda dahil nagkasugat kanina. Pinulot ko kasi 'yung mga basag na parte ng plato. Oo, tatanga na tanga na pero hindi na 'ko nag-iisip nang maayos kanina.

    Si Waves kasi, e.

    Siya na nga pinagsisilbihan ko pero ayaw niya pa. Talagang titiiisin niyang hindi kumain?

    Paakyat na ako at kakagaling ko lang sa paghuhugas. Natigilan agad ako dahil saktong lumabas din si Waves sa kuwarto niya.

    Pinasadahan ko siya ng to tingin mula ulo hanggang paa. Sweatshirts and khaki shorts? Aalis siya?

    Napailing siya matapos akong tingnan saglit. Namulsa at naglakad palapit sa akin.

    “Saan ka pupunta?” tanong ko pero hindi siya nakatingin sa akin.

    Nakagat ko ang labi ko nang tumigil siya sa harap ko. Hindi ako nakapagsalita pero nanatili siyang nakatayo sa harap.

    Pumalatak siya at bigla na lang akong tinabig sa braso pagilid. “Alis.”

    Doon ko lang na-realize na nakaharang pala ako sa hagdan. Napabuntong hininga ako at sinundan siya ng tingin habang pababa na siya ng hagdan.

    “I'm asking you where are you going.”

    Napatigil siya sa paghakbang pero hindi lumingon sa akin.
   
    “Somewhere na malayo sa 'yo.”

    Kumunot ang noo ko at hindi na nakasagot. Tuluyan na siyang bumaba at nawala sa paningin ko. Napaupo na lang ulit ako sa kama at pabagsak na humiga.

    Mahirap pala talaga ang ganito.

    Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa gallery. Buti na kay mama pala ang phone kong 'to at ibinalik lang sa akin kanina.

    Tinitigan ko ang picture naming dalawa ni Azzile. Magkatabi kami rito at parehong naka-peace sign. Nasa mall kami nito at nags-shopping, libre niya.

    Kailan kaya ulit? Minsan lang kami makalabas noon dahil sa trabaho niya pero lagi niyang sinusubukang kumuha ng oras para sa amin.

    Inilipat ko ang picture kung saan tatlo na kami rito. Kasama namin si Waves. Nakaakbay siya kay Azzile habang ako ay nasa tabi ni Azzile at nakapulupot ang kamay sa baywang niya. Pare-pareho kaming nakangiti.

    Sa gym kinuhanan ang picture kung saan namin unang nakilala si Waves.

    Nagbago na talaga ang lahat. Hindi na ulit mangyayari ’to. Hindi na ulit kami magkakaroon ng mga ganitong picture.

    I tried to dial Azzile's number.

    Pero mukhang wala na ang sim niya. Nagpalit na siguro siya kaya sa social media ko na lang siya kinontak. Sana lang ay sumagot siya sa 'kin. Kung hindi niya 'ko sasagutin, maiintindihan ko naman.

    Nagpapapagaling pa siya ng sakit na natanggap niya sa ’min.

    Tinurn off ko muna ang phone ko at napaupo. Tumingin ako sa paligid bago humugot ng isang malalim na hininga.

    “Napakatahimik!” biglang sigaw ko at medyo ginulo pa ang buhok ko.

    Puwede bang bumalik na lang ako sa bahay namin kasama sina Mama at Papa?

    'Tang inang buhay 'to, oh.

    Humiga ulit ako. Matutulog na lang ako.

   

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon