— Elizza —
Dahan-dahan akong napalingon sa likod ko. Halos mawalan ako ng balanse at napasandal pa sa pinto nang makita ko si Waves. Magkakrus na ngayon ang mga braso niya habang kunot noong nakatitig sa 'kin, tiningnan niya rin ang mga dala ko at ngumisi.
“W-Waves, bakit k-ka nandito?” nauutal na tanong ko.
'Di ba dapat natutulog pa rin siya ngayon dahil lasing na lasing siya kagabi? Tsaka napakaaga pa para makabangon siya agad mula sa pagkalasing.
Kampanteng kampante pa naman ako na makakaalis na 'ko ngayon!
“Hindi ko natanggal ang alarm sa phone ko.” Nagkibit balikat siya. “I still have hangover kaya nandito ako sa labas para maaliwalas.”
Napalunok ako nang tingnan niya muli ang mga dala ko.
“Ikaw dapat ang tinatanong ko, 'di ba? Bakit nagbabalak ka na namang umalis? What, you're trying to leave me agan?” mahina pero mariing tanong niya na ikinatango ko naman.
Naglakas loob akong buhatin muli ang mga gamit ko pero sumabay rin ang kamay niya sa pagkuha ng mga 'yon. Sinamaan ko siya ng tingin at sinubukang hilahin ang mga gamit ko pero hinihila niya rin ito pabalik.
Gusto kong sabunutan ngayon ang sarili ko dahil sa inis. Nahuli na naman niya ako at nararamdaman kong hindi niya ulit ako paaalisin.
“Waves, bitiwan mo ang gamit ko,” utos ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya ako papakinggan.
Nilingon ko siya at saktong malapit lang pala ang mukha niya sa akin. Napalunok ako at napatitig mula sa mga matatalim niyang mata pababa sa labi niyang nakatikom nang mariin.
“No,” tipid na sagot niya at mabilis akong hinawakan sa baywang ngunit hindi naging maingat 'yon.
Marahas niyang hawak ang baywang ko bago binuksan ang pinto ng bahay at isinabay ako sa kaniya sa pagpasok. Nabitiwan ko tuloy ang mga gamit ko.
Binitiwan niya 'ko saglit para kunin ang mga bag ko sa labas. Bumagsak na lang ang balikat ko habang pinapanood siya. Sinusulyapan niya pa 'ko ng masamang tingin habang ginagawa 'yon.
Heto na naman talaga...
“Let me leave, Waves,” mahinahong sabi ko. Hindi siya sumagot at sinara lang ang pinto. “Waves, please. I want to leave—”
“Shut up, Elizza!”
Napapikit ako nang mariin at halos napatalon sa kinatatayuan ko nang sumigaw siya kasabay ng paghampas niya sa pinto. Napahinga ako nang sobrang lalim dahil doon.
Ano na naman ba kasing problema?
“Ang sabi ko, 'di ba, hindi ka aalis sa bahay na 'to! Huwag mo nang ipilit!”
Unti-unti akong napaatras nang maglakad siya palapit sa akin habang nanlilisik ang mga mata at nakakuyom ang kamao.
Kumabog nang sobrang bilis ang dibdib ko habang papalapit siya nang papalapit. Natatakot ako na baka saktan niya 'ko.
“Bakit ba ayaw mo? Bakit hindi mo sabihin sa 'kin ang dahilan mo?” buong tapang ko pa ring tanong habang umaatras. “Alam mong pareho na tayong pagod! Pagpahingahin na lang natin ang mga sarili natin,” naiiyak nang dugtong ko at halos magtunog nagmamakaawa ako sa kaniya.
Sumilay ang maliit na ngisi sa labi niya pero agad ding nawala iyon. Pangisi-ngisi lang siya habang ako rito naiiyak na dahil alam kong hindi na naman ako makakaalis!
![](https://img.wattpad.com/cover/178568370-288-k244245.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomanceCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...