— Elizza —
“Are you full?” tanong ni Waves pagkatapos kong maubos ang kinakain ko. “Kung hindi pa, ibibili pa kita.”
“Busog na 'ko,” sagot ko at inabot na sa kaniya ang pinagkainan ko.
Tumango naman siya at tinanggap 'yon. “Huhugasan ko lang 'to.” Dinala niya 'yon sa maliit na lababo.
Iniwas ko na ang tingin sa kaniya at pinagtuunan na lang ng pansin ang cellphone na binigay niya sa 'kin. Mamahalin ang cellphone na 'to.
Maingat ko 'yong inilabas sa box. Binuksan ko na agad para makatawag ako kay mama. Doon ko lang din napansin na may sim din pala siyang binili na naiwan sa paper bag.
Matapos ma-set up ang phone, isinaksak ko na ang sim card at sinimulan itong kalikutin.
For sure naman na may free load 'to kaya agad ko ring tinawagan si Mama since kabisado ko naman ang phone number niya.
Hindi siya sumagot sa unang tawag. Inulit ko at ilang ring pa ang hinintay ko bago siya sumagot.
Hindi siya nagsasalita, mukhang pinapauna ako.
“Mama, si Elizza po ito.” Napalingon sa akin si Waves nang magsalita ako. Nagtaas ako ng kilay habang tumango lang naman siya at nginitian ako nang maliit.
“Elizza? Ikaw pala 'yan? Akala ko kung sinong tumatawag sa 'kin.” Natawa naman ako nang mahina. “Nasabi na sa 'min ni Waves na nasa hospital ka. Papunta na kami diyan. Kasama ko ang Papa mo at si Joreld.”
Si Joreld?
Napatingin na naman ako kay Waves na mukhang malapit nang matapos dahil naghuhugas na lang siya ng kamay.
Baka mag-away na naman sila.
“Nasaan na po kayo?” tanong ko na lang.
“Papasok na kami ng hospital, 'nak. Sige na, ibaba na natin 'to dahil papunta na rin naman kami.”
Tumango naman ako. “Sige po.”
“Nasaaan na raw sila?” Napatingn ako kay Waves na lumapit na ulit sa 'kin dahil tapos na siyang maghugas.
“Nandito na sa hospital.”
Tumango na lang siya at umupo na muna. Saglit ko siyang tinitigan habang pilit inaalam kung anong iniisip niya. Yumuko nga lang siya kaya sunod ko na lang na tiningnan ang mga kamay niyang pinagsaklop niya.
“Bakit?” tanong ko na ikinatingala niya ulit. Tiningnan niya 'ko na parang nagtataka at nagtatanong kung ano 'yon. “Kianakabahan ka ba?” Kumunot ang noo niya. “Kina mama't papa?”
Nakagat niya ang labi niya at dahan-dahang tumango. “Somehow,” tipid na sagot niya at tumingala sa ceiling. “Okay lang, kasalanan ko naman ang nangyari. I overreacted,” pag-ako niya sa kasalanan.
Agad akong umiling bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi niya.
“Hindi mo 'yon kasalanan.”
Pakiramdam ko lang ay hindi naman talaga niya kasalanan kasi normal lang naman siguro na makaramdam ng gano'n ang asawa mo kapag may iba kang lalaking kasama. Kahit pa sabihin niyang hindi naman niya 'ko mahal, sa tingin ko pa rin ay lumagpas na ako. Natatamaan siguro ang ego niya.
Tsaka hindi naman niya sinasadyang maitulak ako, e.
Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik.
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomansaCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...