Chapter 26: Confused

14.7K 333 19
                                    

— Elizza —

    “Elizza?”

    Napatingin ako sa pinto nang marinig ko si Waves at ang katok niya ro'n. Umupo ako at inayos ang buhok ko bago tumayo. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

    “Bakit?” tanong ko.

    Isang maliit na ngiti ang pinakita niya. “I cooked. Kain na tayo?” 'aya niya sa 'kin sa mahinahon na boses.

    Kinagat ko ang labi ko at tumango na lang nang mahina sa kaniya. Lumabas ako ng kuwarto at sinara ang pinto nito habang siya ay hinihintay akong maunang maglakad.

    After ng pag-uusap namin ni Waves sa kuwarto niya, tinanguan ko lang siya at walang ibang sinabi. Sobrang dami na ng iniisip ko kaya mas pinili ko na lang na manahimik.

    Naiintindihan kong hindi stable ang lagay ng mental health niya ngayon, at hindi naman malabong mangyari 'yon sa kaniya dahil sa ginawa ni Azzile— kaya hahayaan ko siyang bumawi. Titingnan ko kung paano siya babawi.

    Pero para sa akin, maiwasan niya lang na pagbuhatan ako ng kamay at sabihan ng masasakit na salita ay sapat na. Kung matatanggap niya rin ako bilang asawa at ang anak ko, mas lalo kong ikatutuwa.

    Gusto ko rin siyang tulungan na mahanap ulit ang sarili niya, ang dating siya na nakilala ko. Gusto kong makasama ulit ang Waves na kung ituring ako noon ay parang isang kapatid.

    Kaya nga ako nagkagusto sa kaniya noon dahil sa maganda niyang ugali. Pero ngayon, hindi ko alam. Parang wala na rin naman na 'kong nararamdaman sa kaniya kahit pa mag-asawa na kami.

    “Elizza, careful.”

    Nabalik ako sa realidad nang hawakan ako ni Waves sa baywang. Doon ko lang na-realize na muntik na akong matapilok.

    Tiningnan ko siya pero agad din akong natigilan dahil sobrang lapit lang pala niya. Halos magdikit ang mukha namin. Umiwas ako ng tingin at tumikhim.

    “K-Kaya ko na,” sabi ko at dahan-dahang inalis ang kamay niyang nakahawak sa 'kin.

    Maingat na akong bumaba. Dederetso sana ako sa kitchen pero nakita ko na ang mga pagkain na nasa sala table. Nilingon ko si Waves pero tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay at inilahad ang kamay niya ro'n.

    “Diyan na lang tayo kumain tapos nood tayong movie.”

    Dahan-dahan na lang akong napatango at pumunta ro'n. Umupo ako sa sofa at naamoy agad ang bango ng niluto niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom at parang gusto ko agad na kainin ang mga 'yon.

    “May dessert pa talaga,” nangingiting sabi ko habang nakatingin sa macaroni salad. Tumawa naman siya nang mahina.

    Matagal na noong huling tikim ko sa macaroni salad niya. Dati kasi noong sila pa ni Azzile, lagi niya kaming dinadalhan niyan. Kapag nasa bahay naman siya ay siya lagi ang nagluluto, nag-vo-volunteer.

    Simula noong kinasal kami, bihira na lang siyang magluto.

    “Let's eat?” wika niya na ikinatango ko.

    Nilagyan niya naman ng kanin ang pinggan ko. Ako na ang kumuha ng ulam habang siya ay naglalagay na sa sarili niya.

    Binuksan niya na rin ang TV at may sinalpak na CD doon. Tumabi siya sa 'kin kaya medyo umusog ako.

    It was a romance movie. May love triangle na nangyayari. 'Yung isa ay matagal nang manliligaw sa babae pero hindi siya ang sinagot.

    “Elizza, hindi ka ba naglilihi?”

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon