Chapter 20: Locked

16.4K 369 42
                                    

— Elizza —

    “Waves! Ano ba? Masakit nga ang tiyan ko!” patuloy kong sigaw habang nakaupo sa tapat ng pinto at kinakalampag ito.

    'Tang ina! Nanggagago ba talaga siya? Kanina ko pa s'ya tinatawag pero wala man lang siyang sagot. Hindi niya man lang ako pinuntahan dito para dalhin agad sa hospital o ano.

    Napakawalang kwenta niya talaga!

    Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagdugo ako rito na sana hindi naman mangyari. Sadyang humihilab lang ang tiyan ko.

    Pero sabi naman ng doctor ko dati sa check-up na normal makaramdam ng pananakit ng tiyan. Siguro kailangan ko lang magpahinga? Kasi wala naman akong ibang nararamdaman kun'di paghilab ng tiyan.

    Napabuntong hininga ako at tiningnan muna ang pinto. Tumukod ako rito para makatayo ako at nagsimula nang maglakad nang mabagal papuntang kama.

    Ang sarap sipain ni Waves.

    Humiga na lang ako, pero mabilis ko ring kinuha ang phone ko.

    Wala akong magagawa rito sa bahay kung ayaw akong puntahan ni Waves at naka-lock pa ang pinto, pero may magagawa ako kung tatawag ako kay Joreld.

    Kay Joreld na lang, ayokong malaman nila Mama ang sitwasyon ko. Siguradong busy sila, ayokong pag-alalahin muna sila ngayon. Siguro sa susunod, masasabi ko rin sa kanila.

    I tried to dial Joreld's number but he was not answering. Ilang ring ang hinintay ko pero hindi niya talaga sinasagot ang tawag. Napailing na lang ako dahil kung kailan kailangan ko siya, ngayon ko pa siya hindi ma-contact.

    Naibaba ko ang phone ko at napatingin sa pinto nang makarinig ako ng kaluskos do'n mula sa labas. Mukhang nagbubukas ng lock.

    Ayan na siya, sa wakas.

    Bumukas ang pinto at pumasok si Waves. Bungad na bungad ang malaki niyang katawan dahil nakasandong puti lang siya. Dahil sa katawan niya, hindi ko napansing may kasama pala siyang naharangan niya kaya 'di ko napansin no'ng una.

    “Doc, she's my wife,” sabi ni Waves.

    Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang kasama niyang babae. Formal na formal ito sa suot na blouse at pantalon, may dala pa siyang bag.

    Doctor pala ang kasama niya?

    Pero bakit... Bakit hindi niya na lang ako dalhin sa hospital?

    Tiningnan ko si Waves habang ang doctor ay naghahanda na. Tiningnan niya lang din ako nang blangko. Sumandal siya sa pinto at pinagkrus ang braso niya ro'n.

    “Mr. Laserna, bakit pala naka-lock ang pinto ng kuwarto ng asawa mo—”

    “Mind your own business which is to check her up,” mahinahong putol agad ni Waves sa sinasabi ng doctor habang nakatitig pa rin siya sa 'kin.

    Napalunok ako at nagkatinginan kami ni Doc. Pilit akong ngumiti sa kaniya at inilingan siya.

    “I'm Sansei Velazquez, an OB-GYNE. Ano'ng nararamdaman mo ngayon?” pakilala at tanong niya sa akin habang hinahawakan ang tiyan ko.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon