Chapter 28: Learning

14.1K 326 24
                                    

— Elizza —

   
    “Mukhang tama ka nga, playboy siya,” sabi ko kay Waves nang bumalik na 'ko sa hapagkainan.

    “Yeah, kaya lumayo ka sa kaniya. I don't really trust him,” seryosong sagot niya at nagsalin ng tubig. “Here.” Inilagay niya sa harap ng pagkain ko ang unang baso ng tubig na nalagyan niya.

    “Baka naman nang-aasar lang siya?” tanong ko pero umiling siya.

    Pero hindi rin naman ako komportable sa tingin niya. Siguro nga, hindi dapat siya pagkatiwalaan. Hay, ewan ko. Hindi dapat ako mang-judge agad, e. Kaso si Waves na mismo ang nagsasabi at gano'n agad ang pinakita ni Darwin kaya hindi maganda ang impression ko sa kaniya.

    “Don't mind him, Elizza. Finish your food.”

    Ngumiwi ako at tiningnan siya. Parang ang sungit kasi ng tono niya nang sabihin niya 'yon. Napansin niya sigurong hindi ako kumikilos at nagsasalita kaya lumingon na rin siya sa 'kin.

    “What?” taas kilay na tanong niya. “Iniisip mo ba si Darwin? Hey, pogi ba 'yon?” Nagsalubong na ang kilay niya.

    Natawa naman ako nang mahina at umiling-iling. “Hindi, 'no. Baliw ka ba?” Mas pogi ka nga ro'n.

    Tumango-tango siya. “’Yan, tama 'yan. Sige na, ubusin mo na 'yan nang makapagpahinga na tayo. Pagod din ako sa byahe,” sambit niya at nagsimula na ulit ipagpatuloy ang pagkain.

    Gano'n din ako at saglit lang bago namin naubos. May natira pang sauce ng carbonara at pasta kaya tinabi niya muna 'yon.

    “Ako na ang maghuhugas,” presinta ko na ikinailing niya naman at tumayo na.

    “Ako—”

    “Magpahinga ka na, pagod ka, 'di ba?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Tsaka kaunti lang naman 'to.”

    Tiningnan niya rin ang mga pinagkainan namin na isa-isa ko nang nililigpit para ilipat sa lababo.

    Umiling na naman siya. “Pero nabasa ko na bawal sa mga buntis 'yung amoy ng mga sabon panlaba, panghugas or—”

    Hinawakan ko siya sa braso na ikinatigil niya sa pagsasalita. “Don't worry, sabi ng ob-gyn ko na depende raw iyon sa condition ng nagbubuntis. In my case, puwede naman daw sa 'kin. Depende rin sa klase ng sabon,” nakangiting paliwanag ko na ikinaawang ng bibig niya.

    Ilang segundo siya nakanganga nang maliit bago napasapo sa noo niya.

    “I thought bawal sa 'yo. Iniisip ko pa naman na laging ikaw 'yung gumagawa niyan dati kaya nag-aalala ako.” Ngumiti na lang siya at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko. Natigilan tuloy ako sa pagkilos. “I'm glad na hindi talaga maselan ang pagbubuntis mo. Ngayon pa lang kasi ako nagigising at bumabawi, ayokong pagsisihan na kung kailan ako bumabawi, tsaka pa may mangyayaring hindi maganda.”

    Ngumiti na lang ako at tumango sa kaniya. Marahan ko siyang tinulak palapit sa kama. “Sige na, mahiga ka na. Ako na rito.”

    “Yes, madam.” Sumunod nga siya at humiga sa kama. “Mamaya na tayo maligo.”

    Tumango rin ako. “Oo—”

    “Gusto mo, sabay tayo?”

    Napanganga ako sa kaniya at mabilis na hinampas ang mukha niya. “Gago ka,” sabi ko na ikinatawa niya nang malakas at tumagilid ng higa.

    “I was just kidding, ang seryoso mo naman kasi,” natatawa pa ring usal niya na ikinairap ko na lang at bumalik na sa lababo.

    Sinimulan ko nang hugasan ang mga pinagkainan namin. Habang naghuhugas, sinulyapan ko ang kama para tingnan siya. Halos matuod ako sa kinatatayuan ko nang makitang hindi pa pala siya natutulog kun'di nakatitig sa akin.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon