Prologue

145 17 12
                                    

Shanie's POV

"Shanie! Ano bayan! Sabi ko sayo wag mong papagorin yang sarili mo eh pero di mo naman sinunod kaya ayan, nandito ka nanaman sa kama mo para mag pahinga! Alam mo naman ang kalagayan mo diba?" Pasigaw na sabi ni mama na may halong galit at pag aalala. Madali kasi akong ma over fatigue o mapagod.

Kanina kasi may P.E kami at kailangan naming tumakbo ng apat na beses in 400 meters. Kailangan kong gawin yon kahit na may ganito ako kasi performance task namin toh eh...pag grades kasi ang usapan, kailangan pagsikapan. Okay lang kung magalit sa akin ngayon si mama atleast pag graduate ko ay nasa honories ako. Gusto ko kasing maging proud si mama sa narating at naabot ko.

"Sorry mama at pinag alala kita....performance task kasi namin toh at mataas ang grado non. Panigurado na-"

"Kahit na! Sana sinabihan mo nalang ang guro mo tungkol sa kalagayan na merin ka kesa sa mapagod ka at magpakahirap." Sabi ni mama saka tumalikod na at lumakad palabas ng kwarto ko.

"Ma-" Kakausapin ko pa sana siya't mapaintindi ko sa kanya ang lahat ngunit mabilis na niyang naisira ang pintuan.

"Nadala lang yon ng galit sa kakaalala sayo. Hayaan muna nating magpalamig yang isipan ni mama at pag okay na siya, saka mo nalang siya kausapin." Suhestyon ni kuya habang nakatingin sa akin na ikinasang-ayon ko nalamang dahil tama naman ang punto nito.

"Kuya, pwede po ba akong maglakad lakad saglit sa labas?"

"Shanie, gabi na eh. Magpahinga-"

"Please... saglit lang naman..." pagpuputol ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim saka umo-o nalamang basta raw saglit lang at wag raw akong magtagal dahil gabi na at malamig sa labas.

Kinuha ko ang aking jacket at sombrero saka ako lumabas ng kwarto. Tiningnan ko muna kung nandoon sa sala si mama pero wala. Siguro nasa kwarto na ito at nagpapahinga. Si kuya naman ay namalagi sa kusina at hinahanda ang gatas para kay Leo, anak siya ni kuya at ang nanay niya ay nasa abroad para matulungan si kuya sa gastusin para sa kanilang anak. Si papa kasi wala na kaya si kuya na ang nagtratrabaho at nagpapaaral sa akin. Ang mga gastusin sa bahay at baon ko ay sa kanya din nanggaling. Minsan, pag kulang si kuya sa pera, pinapahiram ko siya ng perang inipon ko mula elementary hanggang ngayon. 4th year highschool na ako at nag-aaral sa Climent High School.

"Kuya....." pagtatawag ko kay kuya at agad naman siyang tumingin sa akin tsaka tumango nalang at nag sabing ibinuling ang mga salitang 'bumalik ka agad'. Nag thumbs up naman ako at nag smile na parang nagsasabi ng 'ok'.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimula nang mag lakad-lakad. Talaga ngang mahangin pag gabi na. Sobrang lamig pero masarap naman sa feeling. I spread my arms wide to allow me to feel the cold breeze more and a thought came to my mind. A thought that the cool breeze of this night makes me feel so free. I really like the wind that is produced by nature. Sana itigil na nila ang pag puputol ng mga puno dahil ang mga puno ang nag papalinis ng hangin para masarap itong langhapin. Save more trees! I'd like to campaign that Haha! But not now. Sa sarap ng pagramdam ko sa simoy ng hangin, hindi ko na namalayan na nilipad na pala ng hangin ang sombrero ko. Hala!! Ang sombrero ko!

Dali-dali naman akong tumalikod at hinanao kung saan na dinala nung hangin ang sombrero ko. Jusko, hindi man yun kay mahalan ngunit gamit ko parin iyon. Di iyon dapat mawala! Sayang naman.

Agad namang nahagip ng aking mga mata ang pamiliar na kulay asup na sombrerong nakahiga sa daan.

Tatakbo na sana ako para kunin iyon nang may dumaang lalaki at kinuha ang sombrero ko. Tiningnan niya muna ang sombrero bago tinitigan tsaka nagsimulang magsalita.

"Sayo ba'to?" Tanong niya habang lumalakad palapit sa akin. Di ko alam pero di ko kayang gumalaw.

"O-oo....." Dala ng hiya ay napautol pa ang pagsalita ko. "S-salamat...." yun nalamang ang nakayanan kong wikain.

"Walang anuman.'" Sabi niya sabay ngumiti sa akin. Akala ko wala na siyang sasabihin kaya tatalikod na sana ako para umalis na dahil ang hiya ay di parin maalis sakin nang magsalita ulit ito. "The wind is so nice....." he then looked at me "It makes me feel comfortable." ang ganda ng mga mata niya at ang tangos ng ilong niya. Maganda rin ang boses niya atngayon ko lang namalayan... ang gwapo niya at higit sa lahat, kahit na siya'y estranghero lamang, malakas ang pakiramdam kong magiging kumportable akong kausapin siya. O dikaya'y magigibg kumportable rin ako sa ibang bagay? Ugh! Di ko na alam ngunit lulubusin ko nalang itong pagkakataon kong ito na makausap siya.

"Yeah, it really is nice." sabi ko sabay gawad ng ngiti sa kaniya.

🌌

A/N: Hi guys. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon