Vincent | Intro

9.8K 199 15
                                    

This story is made with pure imagination, and a mixture of reality. Bale, half fiction and half non-fiction siya. Sana maenjoy niyo yung story!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ruben Diced

Hello mga madla, ako si Ruben Diced, 20 years old. Single and was never ready to mingle. I lived in a place where people were so peaceful—joke! Halos lahat ng mga tao ay napaka-ingay! As in! Tapos ang malupit pa dito sa amin is yung part na lahat ng mga naninirahan dito ay laging sakay sa trip ng isa, kaya ang ending is buong baranggay nagtatawanan.

Now you're wondering, paano yun? Ang laki-laki ng baranggay tapos nagawa pang kumalat yun? Lemme clear some stuffs out. Ehem ehem, yung baranggay namin, hindi siya ganun kalaki because we lived beside a river na nagiging source of water namin, especially sa paglalaba ng mga nanay dito sa amin. Kaya pag sinagad namin yung baranggay namin, maaapektuhan yung ilog and mahihirapan kaming maligo't humanap ng tubig. And no! Hindi madumi ang ilog namin! Yung ilog na malapit samin is galing sa bundok, meaning to say, fresh na fresh!

Okay lang naman sa akin yung baranggay namin. Kasi kahit ganito yung mga naninirahan dito, drug-free parin kami. Kahit na halos mapuno na ng mga taong naglalasing ang isang street, walang mababastos ni isang babaeng magtatangkang dumaan doon. Mataas ang respeto nila, mapa lalaki o babae. Kaya madalas pa nga, pati babae nakikisama sa inuman nila, and walang nangyayari when the sun rise, walang nabuntis or nakama or whatsoever.

"UBEEEEEEE! BUMABA KA NA DITO!" Tila ba'y mala-speaker na sigaw ni kuya mula sa baba, napangiwi nalang din ako sa pagtawag nila sa akin.

Naiinis ako kasi Ube yung nickname nila sa akin. Like, pwede naman yung Ben, bakit yun pa?! Jusko naman oh!

Tumayo na ako sa kama kong kasya lamang ang iisang tao. Dumaan ako sa whole body mirror ko para tignan yung suot ko. Nakasuot lang ako ng simpleng jacket tapos jogging pants tapos magt-tsinelas nalang ako. Malamig kasi dito kaya yung mga ganitong suotan ay okay lang dito. Kahit nga siguro dalhin mo yung kumot mo sa labas, walang papansin sayo. Kanya-kanyang trip, kumbaga.

Bumaba ako papuntang sala at bumungad sa akin si kuya na nagsisintas ng sapatos niyang panlaro. May liga kasi ngayon at sumali si kuya kaya ngayon, pupunta kami doon para mag-support sa kaniya. Alam naman namin na passion talaga niya yung basketball kaya hinayaan nalang namin siyang sumali sa palaro dito.

Nang ayos na ang lahat, lumabas na kami ng bahay at sumakay kami sa tricycle na napadaan sa kalsada. Nang makarating kami sa court, sigawan na agad ng mga tao yung bumungad sa tenga ko. Sus! Sanay na ako sa ganyang ingay! Pumasok kami sa loob at pumuwesto na kami sa isa sa mga bench na kung saan umuupo yung mga manonood sa laro.

After ng 4th Quarter ng dalawang team na naglalaro before nina kuya. Agad na nanahimik ng kaunti ang crowd dahil sa wala ng kaeksa-exciting na nangyayari sa harapan nila.

Makalipas ng trenta minuto, nagsimula na ang laro nila kuya. Ako, sigaw lang ako ng sigaw tuwing nakaka shoot si kuya o kung sino mang ka-teammate niya.

"DICED OUT, VILLARUEVA IN!" Sigaw ng taga-dikta na nasa stage sa harap namin.

Napatingin ako sa lalaking tumayo mula sa bench nila kuya. Kilala ko siya pero bakit ganon? Bakit parang iba yung dating niya? Parang iba yung impact niya? Parang, gumwapo siya.

Tanned skin, well built body, handsome face, tall height. Whew! Ano ba Ruben! Harot-harot mo!

Nang magsimula ang 2nd Quarter, naka-focus lang yung mata ko doon sa Villarueva. Sinisisi ko yung mata ko sa pagiging maharot. Panira eh.

"VILLARUEVA FOR THREE!" Sigaw ng emcee, dahilan para tumayo ako at sumigaw.

Napatingin sakin yung mga tao, pati siya mismong naka-shoot napatingin sa akin. Inatake agad ako ng hiya kaya napaupo ako. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Villarueva at muling bumalik sa laro.

"OOPS! MUKHANG MAY NUMBER ONE SUPPORTER SI VILLARUEVA!" Kantyaw ng emcee kaya mas lalo pa akong nahiya. Narinig ko pa sila nanay at yung mga pinsan ko na nagtatawanan dahil siguro sa ginawa ko.

Ano ba Ruben? Ang harot eh!

Vincent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon