Ruben Diced
"Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to youuu!" Dinig na dinig kong sigaw ng mga kaklase ni Vincent sa Activity Area. Yep, birthday ni Vincent ngayon. And ang saya saya niya today. Kitang-kita ko sa mukha niya, iba yung glow. Iba yung aura niya today.
Napabuntong-hininga ako ng itapon ko sa basurahan ang huling kalat na nasa dustpan na hawak ko. Cleaners kasi ako nung Wednesday pero hindi ako naglinis, then walang pasok kahapon. So Friday ngayon, at cleaners ako, AT AKO NALANG ANG MAG-ISA DITO.
Medyo sinadya ko naman ang magpa-iwan, para makanakaw ako ng tingin kay Vincent at para makatambay muna dito habang naka aircon.
Nakadungaw lang ako sa bintana ng classroom namin at kitang-kita ko si Vincent na nakatayo sa harap ng malaking table na may pagkain. Dito niya naisipan mag-pakain dahil daw masyadong masikip sa bahay nila. Alam na alam ko noh? Daming source eh.
Nang marinig ko silang naghiyawan at parang napadako yung tingin sa hagdan, napatingin din ako doon. May isang marikit na babae ang lumitaw doon. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Siya iyon. Siya yung babae na nakita kong kasama niya sa foodcourt nung nakaraan.
Si Kristine.
Based on my sources again, nalaman kong may girlfriend pala siya. And I knew din na wala na pala siya dito next school year dahil sa lilipat siya sa school nitong babaeng ito.
Nasaktan ako, oo. Pero who am I to act like that naman diba? Wala naman akong karapatang magreklamo dahil una sa lahat, hindi pa ako umaamin kay Vincent, tapos to think na babae ang preferred sexual orientation and not male. Oh diba? May karapatan pa ako? Wala diba? Kung mayroon man, ano namang panama ko kay Kristine? I mean, c'mon! Ang ganda't sexy mg babaeng iyan oh! Anong panlaban ko diyan? Yung kwadrado kong balakang? Yung mukha kong pinagsakluban ng langit at lupa? Oh diba, physical features palang, talo na.
While they're having the time of their lives. Dumaan ako sa kabilang pintuan namin na supposed to be sira pero who cares diba? Trip ko 'to eh. Yung pintuan na iyon ay hagdanan agad ang bubungad sayo magmula't buksan mo ito. Kaya agad na akong nakababa papunta sa waiting shed.
"Oh Ruben, anyare sayo?" Agad na tanong ni Dada na agad tumakbo sa akin ng makita ako.
"Ha? Wala. Diba di ako naglinis nung Wednesday? Kaya ngayon ako clea—"
"Hindi yan yung ibig sabihin ko. Yan!" Putol niya sa mga sinasabi ko at itinuro ang mukha ko.
"Oh anong meron?"
"Para ka kamong tanga—" umirap ito. "—Bakit ka naiyak?" Pag-linaw niya sa tanong niya kanina.
"Ha? Wala yan. Napuwing lang ako," iwas ko.
Isinukbit ko nalang muli yung bag ko at nagsimula ng maglakad palayo. Naririnig ko pang tinatawag ako ni Dada pero hindi ko na siya pinansin. Masyado na akong nawalan ng gana. Simula pa noong nakita ko sila sa foodcourt.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sinipsip ko ang natitirang milktea sa cup na dala ko. Niyaya ko ni Finch na lumabas kami at magliwaliw muna since malapit na din talagang magtapos ang school year. Next month ay Finals na din namin then bakasyon na. Magth-third year na ako.
"Huy, kanina ka pa tulala diyan. Ano bang nangyari?" Usisa ni Finch na tinutudyo ako. Nandito kami ngayon sa isang park somewhere around our baranggay lang din.
"Ha? Wala ah. Okay lang ako," pagsagot ko naman kahit nagsisimulang lumipad ulit ang isip ko.
"Ruben, m-may sasabihin sana ako sayo," tila ba'y nahihiyang paalam ni Finch.
"Ano yun?"
"Ruben, gusto kita,"
Nagulat ako.
"Seriously?" Tanong ko at tumango siya. Base sa expression niyang sobrang seryoso, na-convinced agad ako.
Though nakakahalata na agad ako sa kaniya dahil sa masyado siyang clingy and walang araw na hindi ko siya nakakasama. Pero nanatili iyong conclusion ko dahil parang si Vince lang 'din ito, straight as a pole. Kaya nang umamin siya ay inakala kong nagbibiro lang siya. Ang labo naman kasing may magkakagusto sa aking straight.
"B-But, paano? I mean, straight ka at—"
"Ano naman kung straight ako? Ruben, love choose no gender. Once you felt it, it's there. Wala ka nang magagawa kundi sundin ito." Explanation niya. Teka, lyrics yun sa isang kanta ah?
"P-Pero—"
"Ruben, gusto kita and that's final. I used to praise women and they make my head turn at them from time to time. Pero nung nakilala kita, wala. Wala na, nabago mo ako. Kung dati ay nagpapa-balik-balik ako sa bar para magliwaliw at maghanap ng babae, ngayon hindi na. Ikaw at ikaw nalang yung iniisip ko simula umaga hanggang gabi." Mahabang lintanya niya.
Napangiti ako.
"Finch kasi may—" Pinutol niya ulit yung sasabihin ko. Nakaka-ilan na 'to ah. Sasaktan ko 'to.
"I know. I know you liked Vincent, okay lang sa akin iyon. I just want to make myself clear, na gusto kita. Pero sana manatili yung samahan natin kahit hindi mo masusuklian yung nararamdaman ko sa iyo."
Ngumiti ako ulit. "Ofcourse we'll still stay like this."
Ngumiti siya at nawala nanaman talaga yung mata niya. Ang gwapo niya to be honest. Paulit-ulit din ako noh? Kung sapakin ko din kaya sarili ko?

BINABASA MO ANG
Vincent ✓
SaggisticaHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.