Ruben Diced
"Huy tara na!" Agad namang hinablot ni Marco ang kamay ko at agad akong hinila. Aba naman, 'di naman masakit ano?
If you're wondering what's up—as obviously stated—hinihila ako ni Marco. To where? Sa basketball court sa Phase 1 ng karatig subdivision namin—subdivision nila Vincent, to be exact. Mayroon kasing mga maglalaro doon. And obviously, nandoon si Vincent. Hindi naman talaga ako dadalhin ni Marco doon if it wasn't for him. Supportive mga friends ko oy!
Natutuwa 'din naman ako kasi kahit bakasyon na, we can still see one another if we wanted to. Si Marco, he lives somewhere "almost" far from our range of houses. Sasakay ka muna ng jeep/tricyle papunta sa kanto papasok sa street nila, then lalakarin mo pa papasok hanggang sa makapunta ka sa terminal nila, then sasakay ka ulit ng tricycle then diretso ka na sa kanila. Layo noh? But atleast, he can still visit us as if our distance is just a step away.
And 'yon na nga po, narating na namin ang subdivision. Malayo palang, nakikita na namin ang liwanag sa court at ang ingay na nagmumula doon. And with that, eto na naman ang aking puso na parang nagtata-talon sa tuwa. Luh. Ang harot be.
When my foot step on the cement of the vibrant court, parang kinarera na yung puso ko sa bilis ng tibok. Parang ako pa yung mas kinakabahan sa mga maglalaro. Humanap kami ng upuan. Once settled, agad namang hinanap ng mata ko ang lalaking naging dahilan ng pagpunta namin dito.
And there he is. Looking fine as ever. Lalo pa't naka-jersey siya. Labas na labas ang malulusog niyang braso. Teka, tumutulo yung laway ko.
Maya-maya lang ay nagsimula na ang laro. It was a very serious match. Ganadong-ganado ang dalawang grupo, naghahabulan ng puntos, nagpapagalingan sa pagdala ng bola.
Us, on the other hand, is cheering as hard as we can, and our cheering was enough to boost ones team's confidence. Kaya eto't ang sa-swabe ng mga moves nila sa laro. Lalo na si Vincent...
I was having my eyes settled on Vincent for the whole time and didn't even realize they hit 4th Quarter. Ang bilis naman ng laro nila? Or baka sadyang pre-occupied lang ako sa kakatitig kay Vincent? Hay nako!
Mas naging matindi ang labanan dahil sa halos pantay na ang puntos ng dalawang grupo. 32-32 ang score. Nang mahawakan ng kopunan ang bola ay naghiyawan ang ibang manonood. Ang lalaking may numerong 14 ay tila naipit dahil sa napapalibutan siya ng grupo nila Vincent. Dehado ang bawat galaw.
Kaya laking gulat namin ng biglang umikot ang lalaki at agad naka-alis. Umalingawngaw ang tunog ng pito ng referee.
Natigil ang laro at lahat nang tao ay natahimik at tila ba'y nagulat sa tinamo ng isang lalaki.
"Hala shit. Si Vincent!"
Tila ba'y nag-shutdown bigla yung sistema ko ng makita kong napaupo si Vincent sa sahig. Mula dito sa kinau-upuan ko, kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo sa ilong at bibig niya.
Natigil ang laro ng wala sa oras at ang iilan ay umalis na ngunit isa ako sa mga nanatili dito sa loob. Si Marco ay nagpaalam na dahil pinapauwi na daw siya ng kaniyang magulang. Ang mga player ay lumapit naman kay Vincent at inalalayan para makaupo sa bench.
Kinakabahan ako sa kaniya. Minsan lang ako makakita ng taong duguan, at isa na siya doon. Nanghina ang tuhod ko sa aking nakikita. But asude from my trembling legs, I made my way to his place.
But I was stopped when I saw a girl came in rushing to him. From her hair to her skin color, kilala ko na agad kung sino ang babaeng iyon. Si Kristine.
Lumapit agad siya kay Vincent at agad namang kinamusta ito. Tumulong siya sa mga lalaki para gamutin ang natamo ni Vincent mula sa pagkaka-siko sa kaniya.
And from that scene, I felt a pang on my chest. Yeah, it hurts. Alot. Pero ano bang magagawa ko? Sino ba ako para lumapit at tulungan siya? Wala naman akong papel sa buhay niya.
Agad nag-init ang mata ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo. Bago pa ito bumagsak, agad na akong umikot at naglakad na paalis.
Masakit. Kasi wala naman akong magagawa.

BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.