II | Titigan to the max

3.5K 120 7
                                        

Ruben Diced

Gumilid ako para tignan yung napakahabang pila na pinilahan ko dito sa canteen namin. Hindi naman sa naiinis ako pero parang ganun na nga! Sanay naman na ako dito, pero paiba-iba kasi yung length ng pila day by day. Tapos malas pa dahil Friday na Friday, halos lumabas na sa gym yung pila.

Yes, connected ang canteen sa gym namin. Hindi naman sagabal yung canteen kasi nakaestilo naman siya doon sa corner nung gym, or should I say, basketball court? Half court lang naman siya kaya maliit lang yung gym.

Nanahimik lang ako dito sa gitnang parte ng pila nang biglang umatras yung nasa harap ko. Bwiset to, laki-laking tao bigla nalang aatras. Kaya ang ending, napaatras ako at bumabgga yung likod ko sa kung sino man.

"Uy!" Daing ng tao sa likod ko kaya agad nanlaki yung mata ko. Kilala ko yung boses na yun! Lumingon ako.

And my eyes met with a brown ones. And confirmed, si Vincent nga. Okay lang sana kung mabilisang lingon lang eh, kaso sakto palang nakatingin siya sa akin. Kaya ang ending heto, titigan to the max.

Ako yung umiwas ng tingin dahil biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bwiset na Vincent yan, nagpapakilig kahit walang effort!

Makalipas ng ilang minuto, narating ko yung harap ng canteen and umorder lang ako ng isang kwek-kwek. Yep, meron ditong mga street foods pero iba yung lasa kumpara doon sa mismong tinitinda sa tabi-tabi. Pero nevertheless, atleast may pagkain, diba?

Habang naglalagay ako ng sauce sa kwek-kwek, may tumapik sa balikat ko kaya lumingon ako. Lintek, si Vincent pala.

"Oh?" Casual kong tanong kahit na parang tinatambol na yung puso ko. Shet kalma Ruben!

"Kailan uuwi papa mo?" Tanong niya. Napairap ako, ng patago. Lintek, paulit-ulit nalang yung tanong! Hindi ba pwedeng, akin ka nalang please? o kaya, pwede ba kitang ligawan?

"After 3 years nga! Nakaka-ilang ulit ka na ah!" Reklamo ko. Oy achievement! Minsan lang ako magsalita ng ganyan kahaba sa harap ni Vincent! Madalas kasi hanggang "After 3 years," lang yung sinasabi ko.

"Woah, easy lang!" Sambit niya then tumawa siya ng mahina.

Wala na akong masasabi sa kaniya dahil bukod sa tapos na akong maglagay ng sauce sa kwek-kwek, dumadami yung paru-paru sa tiyan ko. Bwiset 'tong Vincent na 'to.

Dumiretso ako dun sa may bleachers at tumabi kayla Claire. Cycle na kaya 'to. Pila, Bili, Upo, Kain.

Habang kumakain, pumunta sa amin si Rainwin. Yung ultimate manliligaw ng classmate namin. Actually, conclusions lang naman namin kung nililigawan niya ba talaga yung classmate namin na si Louiz. Isa sila sa mga kilalang kupals—este couples dito sa school. Pwe! Maghihiwalay din kayo! Kami lang ni Vincent yung magtatagal—kung sakaling maging kami. Awww, so sad.

Sakto namang umupo si Rainwin sa kaliwa ko, tapos si Claire nasa kanan ko. Maya maya lang din ay nagsimula nang magkwento si Rainwin.

"Tangina muntik ng mag-away kuya ko tyaka si Vincent," panimula ni Rainwin na nakapukaw ng atensyon ko. Ha? Hatdo—Ano? Si Vincent? Mapapaaway?

Kaya ang nangyari ay nakisali na ako sa kwentuhan nila para may info ako tungkol sa nangyari. Nangyari daw yun kahapon. Nagka-initan daw sa basketball kaya muntik nang mag-away. Sabi pa nga ni Rainwin na masyado daw mayabang si Vincent kaya nagalit lang bigla yung kuya niya. Si Vincent? Mayabang? 'Di naman eh!

Nung nabanggit niya yung salitang "kahapon," napangiti nalang ako bigla ng maalala ko yung nangyari kahapon. Well, naamoy ko lang naman si Vincent! Yieee!

Tapos kanina lang din, nagkaroon kami ng eye contact! Oh my gosh, is this a sign na ba? Lord tuparin mo na sana yung pangarap ko!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Huy labas na!" Sigaw ni Stephanie na president ng classroom namin. Kailangan kasi naming magpraktis para sa performance namin sa Physical Education na street dance. Maskara Festival kasi yung theme namin kaya napakahirap para sa amin lalo na't wala pa kaming experience dito. Maski halos lahat ng mga kaklase namin ay hindi man lang nakiki-cooperate.

Paglabas namin, pumuwesto na kami sa 3rd floor or what we always called as Activity Area. Malawak kasi dito kaya kung napapansin niyo naman, malayo yung agwat ng classroom namin sa classroom nila Vincent.

Inilagay kami sa aming magiging position para sa sayaw. Actually, gets ko naman na yung steps kaso, clarification nalang yung kailangan ko. Malay mo mali yung mga steps na nakikita ko kanina habang ginagawa nila 'yon.

Habang naka-pwesto ako sa position ko. Tumunog yung pintuan sa likuran ko. Yung pwesto ko kasi ay nakatalikod ngunit malapit sa pintuan ng classroom nila Vincent. Kaya nang tumunog yung pintuan ay biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Lumingon ako and oh my gosh! Si Vincent! Ang gwapo niya bwiset! Nakayuko siya at tila ba'y tinitignan ang sapatos niya. Kaya nung tumunghay ang tingin niya ay agad naman akong umiwas ng tingin at nagpanggap na parang walang nangyaring nakakakilig or whatsoever. Kahit para na akong tanga na pinipigilan yung ngiti ko.

Nang makababa si Vincent ay agad ko namang narinig ang mga kantyaw ni Claire kasama yung mga kaklase kong alam kung ano ang totoo kong uri at ang lalaking napupusuan ko. Mga bwiset na classmate 'to! Binubuwag ako ng wala sa oras eh!

Inilipat ko ang tingin ko kayla Claire and confirmed, ako nga yung inaasar nila. Paano kasi, puro sila 'yieee' tapos sumisimple pa ng tingin sa akin. Sabi na eh.

Makalipas din ng ilang minuto ay nakita ko  si Vincent na paakyat dito sa palapag na kinatatayuan namin. Kaya heto nanaman ako, galawang 'Act normal' kahit ang bilis na ng tibok ng puso ko.

Nang mapadaan si Vincent sa gawi ko—na alam ko namang hindi ako papansinin—OH MY GOSH.

Si Vincent... Tinapik yung balikat ko! OH MY GOSH! MAMAMATAY NA AKO SA KILIG!

Kaya ang ending, wagas na pagngiti ang nakapaskil sa mukha ko hanggang sa paguwi ko sa bahay.

Vincent ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon