Ruben Diced
Habang nakikipag-landian ako kay Finch, hindi parin kami nakakalabas ni Vincent sa library. Todo naman siya sa kakagawa ng paraan para mabuksan yung pinto. Hindi naman niya kasi puwedeng sirain yung pinto kasi magtatapos na yung school year, maninira pa siya. Hassle yun.
"Puta, hindi na tayo makakalabas, ang init pa," daing ni Vincent at umupo sa harap ko.
"Tanga ka kasi eh," usal ko habang patuloy paring nakikipag-chat kay Finch.
"Sino kaya yung sunod ng sunod dito?" He said in a mocking way.
I scoffed. "Bakit naman kita susundan?"
"Kasi may gusto ka sa'kin." Tipikal niyang sagot.
"Kapal naman ng mukha mo. 'Di na kaya kita gusto, kaya wag kang assumero diyan. Tyaka, may boyfriend na 'ko."
"Share mo lang."
Napairap nalang ako sa pagka-irita. The nerves! And what did I just said? Ako? May boyfriend? Tologo bo? As if namang mangyayari yun. Tatanda akong single! Ramdam 'ko na eh!
As I'm typing a reply to Finch. Saka ko lang narealize na ang bobo ko pala. I mean, bobo naman talaga ako pero mas bobo ako in this situation. Kasi naman, sa tagal ng usapan at landian namin ni Finch, hindi man lang ako humingi ng tulong sa kaniya. Kaya ngayon, 'yon na ang ita-type ko.
He said he'll be on his way. Nakampante naman ako. After a while, narinig ko ang mga yabag mula sa labas ng library kaya mas lalo pa akong nakampante dahil sa wakas, hindi na ako maiipit dito sa library kasama ang mahangin at nakakainis na nilalang na ito. I don't know why pero yung salitang "hatred" na talaga yung nararamdaman ko dito kay Vincent. Magmula nung minaliit niya ako at ipinamukha niya sa akin na wala akong pag-asa, namulat nalang ako sa katotohanan na nagkakagusto lang pala ako sa isang gagong tao. Nakaka-bwiset.
Narinig ko ang pag-galaw ng doorknob at ng mabuksan iyon bumungad si Finch na tila ba'y napagod. Tumakbo ata.
Agad naman siyang lumapit sa akin at kinamusta ako. Tapos ayun, humaba nanaman yung usapan namin.
"Tss, mga bading," dinig 'kong sambit ni Vincent at lumabas na. Tss, bahala siya sa buhay niya.
"Kanina ka pa nandito. Tignan mo, pinagpapawisan ka na," naglabas siya ng panyo mula sa bulsa niya at pinunasan yung mukha ko.
Ewan ko ba kung dumadamoves 'to si Finch, kasi bigla niyang inilapit yung mukha niya. Mas gumwapo siya pag malapitan.
"Tara na," sambit niya pagkatapos punasan yung pawisan kong mukha. He reached for my hand and he interwined it with his. He pulled me until we reached the gym.
Pagpasok palang namin, mga matang mapanukso agad yung sumalubong sa akin—galing kayla Claire. Si Adriane pa ay tila humihiyaw. Lakas mang-asar. Mga hinayupak.
I yank my hands, para matanggal na ang pagkahawak niya sa akin. Kasi nahihiya't naiilang ako sa mga tao. I mean, nabawan naman na yung mga estudyante pero madami parin naman sila. Dumiretso ako kayla Claire na nakaupo sa bleachers at nang makaupo ako ay mga tukso't kantyaw agad ang sumalubong sa akin. Hayyy, lalakas ng trip eh.
BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.