~A short POV of Vincent~
Vincent Villarueva
Nang maibaba ko ang tawag ay bigla akong napangiti. Iba talaga yung tama sa akin ni Kristine.
Palakad na ako palapit sa cr ng bumukas ito at bumungad yung taong minsa'y inaasahan kong umaaligid sa akin. Si Ruben.
Nawala agad yung ngiti ko sa mukha at napalitan ng matabang na expression. Simula nung mag-fieldtrip. Nakahalata na ako kay Ruben.
Alam 'kong hindi siya straight. At ayoko ng mga ganun. Oo, madalas na tawag nila sa akin ay "Sponky" pero ni minsan ay hindi ko pinanindigan yung palayaw na iyon. Infact, kinamumuhian ko pa yung uri nila. Yung uri nila Ruben, mga bakla.
Agad naman akong umihi at dumiretso na agad sa classroom. Since last subject naman na namin ngayon, hindi na ako nag-abalang makinig. Pasa-saan pa? Eh aalis din naman na ako dito pag bakasyon na.
Yep, you heard it right. Lilipat na ako ng school pag tumungtong na ako ng 4th year. Sawang-sawa na ako sa school na 'to. Mga pakitang-tao lang yung mga guro, mga nakakasurang activities. At yung mga cancer na estudyante. Tss, dapat lang talagang iwanan ko 'tong school na ito.
Isang dahilan din ng pag-alis ko ay si Kristine, yung baby ko. Yung babaeng mahal ko. Siya, siya yung isa sa mga dahilan ko kun bakit lilipat ako—lilipat sa school nila. Para in that way, mas makakasama ko siya. Mas gaganahan akong pumasok araw-araw.
Nang mag-announce ang teacher namin na maglinis na yung mga cleaners, agad kong isinukbit yung bag ko at dumiretso na palabas.
Ngunit may bumangga sa akin.
"Problema mo?" Maangas kong tanong. Si Finch pala yung bumangga sa akin. Nag paumanhin naman siya.
Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong pumunta siya sa pintuan ng katapan naming classroom. Mukhang may inaabangan ang gago.
Hindi ko na siya pinansin at agad nang bumaba. Hindi na din ako nag-abalang magpaalam sa tropa dahil gusto ko lang na umuwi at mag-pahinga. Makipag-landian na rin pala sa baby ko.
Nang tumungtong ang paa ko sa kwarto ko ay hinayaan ko ang katawan kong bumagsak sa kama. Nagsuot ako ng pambahay na damit at agad akong nag-cellphone.
Pagbukas palang ng messenger ay akala ko si Kristine ang bubungad sa akin. Nagkamali ako.
Si bayot pala.
*Ruben Diced is waving
at you!*Pero dahil hindi naman niya alam na alam kong bading siya. Nag-wave back ako. Agad naman itong nag-chat. Putanginang yan.
Ruben Diced:
Gawa mo?Vincent Villarueva:
Sino to?Ruben Diced:
Uhhh... Ruben?Vincent Villarueva:
Ah, wala naman.Nang mapansin kong hindi na siya nagrereply. Pumunta ako sa convo ng baby ko at binati siya. Hindi pa naman siya active pero mababasa niya naman yan mamaya. May notification naman agad na nag-pop up sa taas ng phone ko. Imbis na i-swipe ko ito para mawala, napindot ko ito. Puta.
Ruben Diced:
Nage-ml ka?Vincent Villarueva:
Oo, pero di gaano.Ruben Diced:
Ah okie.Nang magreply siya ay saktong narinig kong tinatawag ako ng mama ko. Kaya agad kong pinatay yung cellphone para bumaba at para na rin iwasan yung hindot na bayot na iyon.

BINABASA MO ANG
Vincent ✓
SaggisticaHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.