XLIV | Hey, Baby

628 29 6
                                        

Ruben Diced

"Tama na... Please lang..." Nanghihina kong sambit habang pinapanood si Vincent na patuloy na hinahampas ng dos por dos.

Pati ako, nahihirapan sa nakikita ko.

Nang tumigil ang mga humahampas kay Vincent, agad silang lumayo habang tinitignan lamang siya na naghihingalo.

Nagulat nalang kaming lahat ng biglang tumawa si Vincent. Yung klase ng tawa na may halong galit.

"Did you really think that you'll get away with this?" He looked up. Bakas ang sakit sa mata niya ngunit nanatili ang ngisi nito.

Kinilabutan ako.

Biglang gumalaw si Vincent papunta sa babae. Napaatras ito. Halata sa mukha niya ang pinaghalong takot, gulat, at galit.

"All of these? For what? What will you—" Umubo ito, "What will you gain from this? Contentment?" He chuckled.

Umusog ulit si Vincent kaya umatras nanaman ang babae. Tahimik lang akong nakamasid sa nangyayari habang patuloy ang pagtulo ng luha ko.

"U-Umusog ka!" Nautal na sigaw ng babae.

"Alam mo ba? Perfect na sana 'tong plano niyo. Kaso..." Hindi naituloy ni Vincent ang kaniyang sasabihin dahil ngumiti lamang ito. Umusog nanaman siya kaya ng mas malayo kaya napalaki din ang atras ng babae.

"Kaso alin?!" Kahit medyo madilim ang paligid ay nakikita ko ang pamumula ng mukha ng babae, dala siguro ng galit.

"Kaso 'di ka marunong pumili ng maayos na kasabwat." Tumawa ulit si Vincent.

Napatingin ako sa mga lalaking kasama namin sa kwarto. Isa isa nilang tinanggal ang maskara nila.

"H-Heather? Heidin? Pollie?!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pagmumukha nila.

"T-Teka, sino kayo?! Bakit kayo nandito?! N-Nasaan ang mga kasama ko?!" Tila ba'y naging balisa ang babae kakatanong habang paatras parin ng paatras.

"Really? Yun na yung mga kasabwat mo? Hina naman." Panunutya ni Heidin.

Napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto. May pumasok na mga pulis at pinalibutan kami.

Gumaan ng konti ang aking pakiramdam dahil ligtas kami. Ngunit unti-unti namang nandilim ang paningin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako at tahimik na napaigtad dahil sa ilaw. Nang makapag adjust sa liwanag ay nilibot ko ang tingin ko.

Nasa ospital ako. Ligtas ako...

Pero, si Vincent?

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Pollie. Nang makita ako ay napangiti siya.

"You're awake."

Ngumiti ako.

"S-Si Vincent?" Hindi ko naiwasang itanong agad. The last time I saw him before I passed out, he was writhing in pain.

"Nasa kabilang kwarto, okay naman siya. Kailangan lang niya magpahinga. And so do you." Hinaplos niya ang ulo ko.

He smiled warmly, "I'm gonna call the doctor, be right back." Then he left.

Napatitig ako sa kawalan at inisip ang kalagayan ni Vincent ngayon. Gusto ko siyang makita ngunit parehas kaming nasa dehadong sitwasyon kaya hindi ko na pipilitin pa.

My mind went back to the moment when I was locked in that dark room. Akala ko wala ng magliligtas sa akin. Akala ko doon na ang katapusan ko. But Vincent came. He came and he helped me. Kung hindi dahil sa kaniya, wala siguro ako ngayon dito sa ospital.

Vincent ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon