XVI | Heart beats faster

1.7K 78 0
                                    

Vincent Villarueva

"Tara na," anyaya ni Savius habang dini-dribble yung dala niyang bola. Dumayo kasi ako sa kanila para maglaro.

Si Savius ay dugong Pilipino, kaya lang nagmukha siyang Amerikano ay dahil sa maputi ang ama niya. He lives in a family where both of his parents were males. Magulong isipin pero let's just say na, masaya sila sa kasalukuyang pamilya nila.

Nang marating namin ang court ay nagshooting-shooting muna kami hanggang sa naisipan naming mag one-on-one. It's not that kind of game na parang magka-away kami, friendly game lang. Sa sobrang friendly ng game namin ay nagpapasahan nalang din kami ng bola.

"Oy dito Savius!" Sigaw ko. Ipinasa naman ni Savius yung bola sa akin at agad ko iyon i-shinoot. Nagtawanan lang kami pero natigil ang tawa ko ng may makita akong pumasok sa court at umupo sa mga benches, si Ruben.

Let me tell you guys something, I don't really know what has gotten into me but— there's something inside me na natutuwa pag nakikita si Ruben na naiinis dahil sa'kin. Ang weird nga eh.

Pinagpatuloy lang namin ni Savius yung laro pero paminsan-minsan ay nagnanakaw ako ng tingin kay Ruben. Nakatingin lang siya sa kawalan at tila ba'y may iniisip na malalim.

Nang matapos ang laro ay tumayo ako ng malapit kay Ruben. Umiling ng marahas si Ruben na parang nalaman niya lang na kanina pa siyang lutang. Tumingin siya sa akin at nginisi-an ko siya.

Umirap siya na ikina-tawa ko naman, nauna na siyang lumabas. Nagpaalam na ako kay Savius at sinundan si Ruben. Tatapak na sana ako ng dumulas yung paa ko sa kanto ng bato kaya nadapa ako. Ang masakit pa 'non ay parang may bumaon pa ata sa tuhod ko.

"Bobo kasi eh, tsk." Nakatingin pala sa akin si Savius. Ewan ko kung bakit pero nahiya nalang ako bigla sa kaniya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at pinilit na tumayo. Shit, ang sakit talaga ng tuhod ko.

"Hala Vincent! Ano ba naman yan! Tanga kasi eh!" sigaw ni Vincent na agad namang lumapit sa'kin. Hahawakan na sana niya yung braso ko pero ikinabig ko 'yon. Ewan ko ba, naiilang ako pag hinahawakan niya ako. Bayot kasi eh. Tama, bakla kasi siya. 'Yon yung dahilan.

Pero kahit anong gawin ko, mapilit ang kupal. Kaya ngayon nakaupo ako sa bench at nakaluhod siya sa harap ko at ginagamot yung tuhod ko. May dala kasi siyang medical kit.

Sa buong minuto ng pag-gagamot niya sa sugat ko ay nakatingin lang ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin yung mga features niya sa mukha. Makapal na kilay, medyo singkit na mata, maliit na ilong, at maliit na labi na may natural na kulay na pula.

"Baka matunaw naman ako," sambit ni Ruben. Agad naman akong umiwas ng tingin at para bang uminit yung pisngi ko. Anong nangyayari? Baka mainit lang. Oo, baka nga mainit lang.

Hinatid naman ako ni Ruben hanggang sa makauwi ako. Badtrip nga eh, parang ginawa akong lumpo ni Ruben kung maka-akay sa akin. Kaya ko naman maglakad eh, mapilit lang ang loko. Para daw mas safe. Ulol ba siya?

Nang makahakbang siya palayo—

"Thank you, kahit 'di ko naman talaga kailangan ng tulong." Fuck. Ba't ko nasabi 'yon?

Humarap siya sa'kin at ngumiti. I don't know what the fuck just happened but my heart starts to beat faster. What the fuck? Ngumiti nalang din ako sa kaniya pabalik.

Habang nakatingin ako sa kaniya habang naglalakad palayo ay nakita ko din ang kotseng umaarangkada na parang nasa highway lang na walang traffic. Dire-diretso ito at tila ba'y nagsisigawan ang tao.

Ang kotse... Papunta kay—

"RUBEN!!!"

After I shouted his name, the car hits him hard, making him bounce away. Agad akong inatake ng kaba. Pinilit kong maglakad. Lakad-takbo na ang ginawa ko para matunton si Ruben.

I saw him, lying on the warm road, bloom gushing everywhere. Nanlambot bigla yung tuhod ko. Hindi ko na alam yung ginagawa ko. Napaluhod ako and I hold him on my arms.

"Tumawag kayo ng ambulansiya! Please!" Sigaw ko sa mga taong nakapalibot sa amin na tila ba'y nanonood lang sa'min.

Naramdaman ko nalang ang mainit na likido sa mata ko. Shit, I'm crying. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I pleaded them for help. Until may nagsabi sa akin na tumawag na daw sila ng ambulansya.

A/N:
Enjoy reading! Don't forget to vote!

Vincent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon