A/N: Na-greenminded ako sa Roman Numeral ng 40 HAHAHA—ok bad.
Ruben Diced
Nang masaksihan ko ang pag-alis ni Vincent ay bumuntong hininga ako. Something doesn't felt right eh. Parang kanina lang ang ayos-ayos namin tapos biglang magbabago nalang siya. Something really is up...
"Kuya Ruben... Are you alright?" Takhang tanong ng kapatid ni Vincent. She has that worry look on her face. Ang cute ng kapatid niya...
Parang yung kuya niya lang... CHAROT! LANDE!
"Okay lang si Kuya Ruben! Ano? Laro ulit tayo?" Untag ko sa masayang tono. Pero mukhang 'di naman siya sumaya.
"No Kuya, I'm sleepy na 'din eh." She yawned.
"Ah! Sige, punta na tayo sa room mo!" Binuhat ko naman siya at dinala siya sa kwarto niya. Pagpasok naman namin sa kwarto niya ay inihiga ko siya sa kama.
"Kuya Ruben, can you tell me a story?"
"Oh... Sure." I look around her room, hoping to find a telltale books.
"Wala po akong mga storybooks eh..."
"Uhm, okay... Gagawa nalang si Kuya Ruben ng story..." Umupo naman ako sa sahig. Since mababa naman ang higaan ni Princess ay nasa level lang ng dibdib ko ang higaan niya.
I cleared my throat.
"Isang araw, may isang lalaking nakatira sa isang palayan. Simple lang ang kaniyang buhay. Tumutulong siya lagi sa kaniyang mga magulang sa paga-ani ng palay na kanila'y kakainin. Kung minsan pa ay pumupunta sila sa bayan para magbenta ng mga palay na maaari nilang pagka-kitaan. Sa kabilang banda, mayroong isang napakagandang palasyo, at doon, may nakatira na napakaguwapong prinsepe..."
"Isang araw ay naisipang magpunta ng prinsepe sa bayan para makaalis ng pansamantala sa palasyo. Dahil sa tadhana, aksidenteng nabangga ng lalaki ang prinsepe. At ng dahil doon, tila ba'y may nabuong pakiramdam ang lalaki sa prinsepe..."
"You mean, nainlove po siya?" Tanong ni Princess. Tumango ako.
"Magmula non ay lagi ng namamalagi ang lalaki sa bayan, nagbabaka-sakaling magkita silang muli ng prinsepe. Ngunit ng malaman niyang ikakasal na pala ito sa isang napakagandang prinsesa, ay naging malungkot ang lalaki."
"Dumayo ang lahat para sa kaarawan ng pagiisang dibdib ng nagmamahalang prinsesa't prinsepe. Durog man ang puso ng lalaki, ay dumalo parin siya para respetuhin ang desisyon ng lalaking kailanman ay hindi niya maaatim na makasama."
"Sa araw ng—" Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang mahinang hilik ng bata. Napangiti ako. Tumayo na ako st hinalikan nalang siya sa noo.
Pagtalikod ko ay nagtaka naman ako ng makitang bukas ang pintuan. Sinara ko naman 'to ah?Lumabas na agad ako sa kwarto ni Princess at agad na bumaba. Naabutan ko naman ang mga magulang nila Vincent na nagliligpit na ng mga pinagkainan.
"Uhm, tito, tita... Aalis na po ako." Paalam ko sa kanila.
"Aalis ka na? Sige pupuntahan ko lang si Vincent nang maihatid ka na—"
"Nako wag na po! Malapit lang naman po dito ang bahay namin." Depensa ko naman.
"Ah ganun ba? Osige, mag-ingat ka ah?"
"Sige po, salamat po. Bye!" Umalis naman agad ako.
Habang naglalakad ay napansin ko ang napakatahimik na street. Grabe naman. Ang tahimik. Hindi ako sanay.
Napalingon naman ako sa likod ng may umilaw. May dadaan na kotse. Gumilid naman ako.
Nagtaka naman ako ng hindi umandar ng tuluyan ang kots—este van. Tila ba'y nakasunod ito sa 'kin. Ok... Tatakbo na ba ako?
Huminga ako ng malalim. Hinahanda ang sarili sa pagtakbo ng mabilis.
Pagbuga ko ng hangin ay agad na sana akong tatakbo ngunit may tumakip sa ilong ko.
And everything turned black.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Tatayo na sana ako ng mapansin ko na nakatali ang aking mga paa at ang aking mga kamay.
Nasaan ako? Punyeta naman oh.
Napalingon agad ako sa isang sulok ng kwarto na may pintuan. Bumukas ito. Niluwa nito ang pigura ng babae na hindi ko maaninag ang mukha.
"You must be Ruben Diced?" Tanong nito.
"Anong kailangan mo sa 'kin?" Tapang-tapangan kong tanong. God knows kung gaano ako kinakabahan ngayon. Never pa akong na-kidnap, kahit sa pag-isip na makikidnap ako ay never ko pang ginawa.
"Haven't I told you to stay away from Vincent?" Tanong nito.
"Ano bang pake mo—" Hindi ko na natuloy ang babanggitin ko ng biglang humugot ang babae ng dos por dos at agad na hinampas sa likuran ko. Putspa, masakit ah.
"He's mine! Ilang taon akong nagpakita ng pagmamahal ko sa kaniya, tapos ikaw na bakla, na biglang sumingit sa eksena, ay napamahal mo siya agad?! Tell me, ginayuma mo siya noh?!" Hinila niya ang buhok ko at ng itiningala niya ang ulo ko ay naaninag ko na ang mukha niya. I think I've seen her at our school.
So siya yung nagtetext sa 'kin? So siya din yung narinig kong nagsasalita doon sa labas ng restroom?
"Bakit ko siya gagayumahin?—"
"Kasi yun lang naman ang tanging paraan para mapaibig mo ang isang Vincent Villarueva. Tama ba ako?"
"Wala akong ginawang gayuma—"
"LIES!" Agad naman niya akong sinampal. Ang sakit. Ang hapdi.
"Alam mo? Gustong gusto na kitang patayin!" Gigil na sabi niya.
"Pero... Kailangan muna kitang pahirapan." Untag niya sabay tawa.
Wait, if siya yung narinig kong nagsasalita doon sa labas ng restroom, edi ibig sabihin—
"Oh wow! You started the fun without me?!" Napatingin ulit ako sa pintuan ng may pumasok na matangkad na babae.
"Ah! You're here! Why not join in the fun?" The girl smirked.
Nanlaki ang mata ko ng bigla akong tadyakan nung matangkad na babae. Sa lakas ng sipa niya, napatumba ako sa sahig at napaubo ako ng... Dugo.
Unti-unti na akong nanghina ng pinaghahahampas ako ng dos por dos ng babae sa kahit saang parte ng katawan. Ramdam ko ang bawat palo nito.
"Kulang pa 'to sayo!" Sabi ng matangkad na babae na ngayon ay naninigarilyo.
Agad siyang lumuhod at ng makita ko ang gagawin niya ay nanlaki ang mata ko.
"W-Wag. Wag. Wa—AHHHHHH!" Napasigaw ako sa hapdi ng bigla niyang itinusok ang nagiinit na yosi sa binti ko.
"Buti nga sayo!" Tawa naman nila.
Oh Lord. Anong ginawa ko at ito ang aking kapalaran ngayon?
BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.