XXV | Brokenhearted Vince

1.6K 66 2
                                        

Ruben Diced

Weeks passed, at nagiging komportable na ako sa surroundings. With the help of ate Herra, ate Bailey, and with Heather.

Sa loob ng isang linggo, mas nakilala ko pa lalo si Heather. Napagtanto ko din na Fil-Am din pala ang kupal at may pa-English English pa nga. Sabi naman niya "nasanay na ako eh."

"So what now? Sasama ka?" Heather asked while fixing his tie. Nandito kasi ako sa apartment niya.

"Yeah... Kung lilibre mo 'ko." I said then gave him a smirk. He cocked his head and so as his eyebrow. Kalaunan ay umirap siya at nagpatuloy sa pag-ayos ng damit niya. Papasok kasi siya ngayon. Y'know... Sa Starbucks.

"Fine. Kung hindi lang kita kaibigan eh."

"You can't blame me. Remember the time nung—"

"Oo na! Oo na! Papaalala pa eh." Umirap nanaman siya kaya natawa ako.

If you guys didn't know, may gf itong kupal na 'to. Naging sila nung nakaraan lang din. And nung sumapit nang Linggo, nakita niya nalang yung gf niya na pumasok sa store, with another man. They look so lovely together and sino namang tanga ang hindi mag-iisip na mayroong namamagitan sa kanila, diba? Kaya ayon. Nagyaya itong si gago ng inuman and nagii-iyak siya. Mahal niya daw talaga yung babae and simula palang ay alam niyang pera lang ang habol sa kaniya ng babae. Hindi niya binigyan ni sentimo ang babae dahil baka sakaling sa simula lang niya hinahabol ang pera at baka pag nagtagal sila ay mahulog na ang babae sa kaniya. Kaya ayon, broken siya. I can't blame him tho, nainlove siya eh.

"Tara na." Tumayo na ako mula sa higaan niya at sumunod sa kaniya palabas. Heto't inaabangan siya ng ibang babae dito sa floor nila. Eye catcher kasi 'to. Tapos tuwang tuwa pa siya kasi tinitignan siya, pasikat af.

Nang madating namin ang Starbucks ay biglang nagdagsaan ang mga kababaihan. Halatang inaabangan si Heather. Yung iba naglalagay ng lipstick o kaya nagreretouch ng makeup habang nakapila. May nakikita pa akong mga lalaking masama ang tingin kay Heather dahil nagfa-fangirl yung mga jowa nila.

Nahagip ng mata ko ang matatalas na tingin ni Qleo sa mga babaeng nakapila. Qleo is also a barista here. Nung una ko palang siyang nakita, I already knew that she likes Heather secretly. Kasi the day after me and Heather first met, napakasama ng turing sa akin ni Qleo. Paano kasi, sabay kami ni Heather pumasok tapos nagtatawanan pa kami. Pero nung in-introduce ako ni Heather sa kaniya, mas nalinawan naman siya kaya mas gumaan kahit papaano ang turing niya sa akin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Oy. Tara inom."

"Problema mo?" Tanong ko kay Heather na nasa apartment namin. Sanay na din sila ate Herra at ate Bailey na nandito si Heather kaya ganyan nalang kakapal ang mukha niya.

"Wala. I just wanted to—you know, loosen up. I'm day off tomorrow and it's payday so c'mon! Chop chop." I rolled my eyes from what he said. He has strong american accent and now he is trying to become a freaking British boy.

"Fine." I got up from the sofa and grabbed my oversized jacket. It's probably freezing outside so better have this than never.

We walked outside and yes, the cold wind brushed on our faces. Lamig. Ibang-iba sa 'gabi' ng Pilipinas na mainit. Yung tipong paran nasa oven ka.

Since may kotse naman si Heather, doon nalang kami sumakay. We drove our way to some unknown bar. Sa labas palang, dinig na dinig na ang mga naglalakasang kanta at ang mga makukulay na ilaw.

Vincent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon