This chapter is dedicated to HowToKissThisGuy ! Follow him and read his awesome stories! Isa siya sa mga writers na nag-inspire sa akin para gumawa ng ganitong klase ng story na BxB. Enjoy reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ruben Diced
"Hayyy! Kung kailan patapos na yung school year saka dumami yung project na binibigay! Jusko!" Reklamo ni Claire habang inilalagay yung book ng last subject namin na kakatapos lang.
Natawa nalang ako sa pagreklamo niya. Pero sabagay, totoo naman eh. Kung kailan magtatapos na yung school year, ay saka lang sila magpapataw ng sandamakmak na projects. Like, tama na yan! Inaalila niyo na kami eh!
Isinukbit ko na yung bag ko at sumunod na kay Claire na nauna ng lumabas. Saktong paglabas ko ng classroom, saktong labas din ni Vincent sa classroom nila.
Kung hindi niyo siya kilala, siya si Vincent Villarueva. Yep, siya yung lalaking nakita ko doon sa liga sa baranggay namin. Yung lalaking nakakuha ng atensyon ko sa buong laro.
Nasa 3rd floor yung classroom namin, tapos katapat ng classroom namin, yung classroom nila Vincent. Mas mataas kasi ng isang grade level siya kaya magkalayo kami.
Mapapakanta ka nalang ng...
Magkalayong agwat,
Gagawin ang lahat—HEP! Tama na yan!Simula noong laro nila kuya, parang may something nalang akong naramdaman kay Vincent. Alam niyo yung feeling na pag malapit siya sayo, magiging concious ka sa mga galaw mo, pati na rin sa sarili mo! Oo! Ganun yung nararamdaman ko unto him! Promise! Naiilang nalang ako bigla pag nandiyan yung presence niya sa paligid. Like right now! Or in other words, may gusto ako sa kaniya. I didn't know when it started and why did it happened pero bigla nalang akong naantig sa kaniya. Lagi ko siyang iniimagine na some day, magiging kami, tapos maglalandian kami—pero siyempre, hindi mangyayari yun. Duh! Straight as a pole yan si Vincent tapos magkakaroon ako ng chance na mailagay siya sa relasyon na same sex ang nabibilang? And to think of it na ako pa? Ako na pangit at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa? Grabe ako kung maliitin ko yung sarili ko 'noh? Wala eh, totoo naman kasi. Duh.
Napatingin ako sa uniform na suot ko at tinignan kung may mantsa ba o hindi. Luckily, wala. Malikot kasi ako sa klase, energetic kumbaga. Kaya hindi mapigilang madumihan yung uniform ko. Swerte nalang at walang dumi sa damit ko.
Naglakad na ako palabas ng school at tumambay dito sa waiting shed na nakaestilo sa tabi ng school. Dito kami madalas tumatambay dahil sa presko dito at dahil tinatamad pa kaming umuwi.
"Oy tara ML!"
"Oy tignan mo 'to!"
"Tangina nakakapagod!"
Yan yung una kong narinig nang maitapak ko yung paa ko sa waiting shed. Sa school kasi namin, kalahati ng mga mag-aaral, mga "ML is life" yung motto sa buhay, yung kalahati naman ng mga mag-aaral, sila yung mga tipong susuko na sa buhay. And guess what? Nabibilang ako sa magkabilaan. May panahong adik ako sa ML, may panahon namang mananahimik lang ako sa isang tabi tapos bigla ko nalang tatanungin yung sarili ko kung bakit ba ako binuhay ng mga magulang ko dito sa mundo. In other words, nagdadrama ako.
"Oy Vince! Laro mamaya ah!" Rinig kong sigaw ng isang kaibigan ni Vincent, si Ivan.
Napatingin ako at saktong paglingon ko, dumaan si Vincent kaya boom!
Naamoy ko yung pabango niya. Shems! Alam niyo yung amoy na kahit naghalo na yung pawis, mas nangingibabaw parin yung bango? Ganun yung amoy niya! Gosh!
Nang mapadako yung tingin sa akin ni Vincent, agad naman akong umiwas ng tingin. Inilapag ko yung bag ko sa mga upuan dito sa waiting shed at pumunta sa isang bench na naksandal sa L3 na nagsisilbing service ng school. Doon kami laging napwesto kasi pag uwian namin, yun kasi yung nagsisilbing pangharang sa araw lalo na't hapon na ang uwian namin kaya nakakasilaw sa mata.
Umupo ako sa tabi ni Dada na nakikipagharutan sa bebe niya. Hayyy, sana all may bebe. Tsk.
"Nakita ko yun," Agad na bulong sa akin ni Dada magmula't makaupo ako.
"Ang alin?" Tanong ko. Hindi ko magets yung ipino-point out niya kaya naguguluhan ako.
"Yung sa inyo ni Vince," tukso niya. Dahilan para mapangiti ako buhat ng kilig.
"Aray naman!" Hiyaw ni Dada nang hampasin ko yung balikat niya. Yan kasi, pinaalam pa kasi sakin, nahampas ko tuloy ng wala sa oras.
Kasi naman! Kahit umiwas ako ng tingin non, nagkaroon kami ng maliit na eye contact! Which is super rare if you'd ask me. Hindi naman kasi kami ganoon ka-close. Yung huling usap namin is tinanong niya ako kung kailan uuwi si papa, which is the same question na lagi niyang tinatanong pag natripan niya akong kausapin.
Si papa kasi, malaki din yung naitulong niya sa school kasi siya yung nagsilbing coach nila noong lumaban yung basketball team namin sa iba't ibang school. And what do you know? Madaming beses nanalo yung school namin.
Makalipas ng ilang oras din, naisipan na naming umuwi. Pagdating ko sa bahay, simpling kamustahan lang about my day, simpling halik lang kay nanay tapos umakyat na ako sa kwarto.
Nagpalit ako ng pambahay na damit at dumiretso ng higa sa kama. Pagbukas ko ng cellphone ko ay agad akong dumiretso sa Messenger. Saktong pagbukas ko nito, agad na bumungad yung mukha ni Vince sa mga actives na nakapaskil sa tabi ng "my day" ko. Jusko Messenger! Alam na alam mo talaga kung sino yung hinahanap-hanap ko ah!
Pinindot ko yung picture niya at tumungo iyon sa convo naming dalawa. Konti lang yung convos namin, yung tipong isang swipe lang pataas, makikita mo agad yung una naming usapan.
"Ube—"
"Ay jusko!" Napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas yung pinto at bumungad si nanay.
"Baba ka muna dun Ube, may dalang pagkain kuya mo," sambit ni nanay. Tumango nalang ako at ipinaalam sa kaniya na bababa ako maya-maya lang din.
Pagsarado ng pinto sa kwarto ko ay nagvibrate yung cellphone ko. Paglingon ko ay laking gulat ko nang makita ko ang chat ni Vince.
From Vince:
Po?Tila ba'y nangatal ako dahil sa pagbackread ko ay nakita ko ang mga chat ko na naisend ko nang hindi nakatingin.
"*Wave*"
"Sflfisoshxo"
"canlxleheurk"
"AhdofneiH"
Kung siguro hindi ako napatalon sa gulat dahil sa pagbukas ni nanay ng pinto, hindi siguro ako magsesend ng kung ano ano kay Vince. Kasi naman eh!
BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.