Vincent Villarueva
9:00 PM. Saktong 9:00 PM ng makarating ako sa Recto Bldg. 4. Isa pala itong abandoned building.
Mapanuri akong pumasok sa loob. The place is quite intimidating. Halatang napaglumaan na ang gusaling ito.
May tumutulo ding tubig mula sa kisame kaya minabuti kong maglakad ng mabagal lamang para hindi ako makagawa ng ingay dahil sa namumuong tubig na natatapakan ko ngayon.
Napaigtad ako. May kung anong bagay na nahulog sa likod ko. Lumingon ako. Wala naman.
Tila nag blanko ang utak ko nang maramdaman kong may humampas na kung anong matigas na bagay sa ulo ko. Natumba ako sa lakas ng impact.
Nanlalabo ang tingin ko ngunit nakita ko ang tatlong lalaking nakamaskara, ang isa ay may hawak na dos-por-dos. Unti-unting nawalan ako ng malay.
A/N:
So, so, so, sorry dahil ngayon lang ako nag update! Ang iksi pa! Sorry talaga!
Nagkaroon kasi ako ng writer's block at talagang nawalan ako ng mood magsulat. Pero ngayon okay na. Kakayanin! Fighting!
Sorry ulit! I love you all!
BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.
