Vincent Villarueva
"Vince, kumalma ka nga! Alam mong masakit yung tuhod mo tapos palakad-lakad ka!" Singhal ni Claire habang nakatingin sa akin ng masama.
Nandito kasi kami ngayon sa ospital at iniintay si Ruben. Dapat ay nasa bahay ako at nagpapahinga pero parang may pumipilit sa'kin na dumito muna at hintayin si Ruben. Tinawagan ko naman sila Claire para ibalita sa kanila yung nangyari. Nakausap naman namin yung driver na nakabangga kay Ruben at ang sabi niya ay nag-malfunction daw yung break. Sabi naman niya ay siya nalang daw magbabayad ng expenses nang aabutin sa pa-ospital kay Ruben. Aba dapat lang, uupakan 'ko yung gagong 'yon—wait. WTF did I just said?
"Hay nako Vince! Naliliyo ako sa lakad mo!" Daing ni Marco na masama na din ang tingin sa'kin. Hindi ko na sila pinansin dahil nababagabag ako sa kalagayan ni Ruben ngayon.
"Asan si Ruben? Okay na ba siya?"
Napalingon ako sa estrangherong lumapit sa'min. Si Finch pala. Hindi ko na siya pinansin at inilabas nalang ang cellphone ko. Bumungad naman sa'kin ang sandamakmak na text galing kay Kristine. Binasa ko 'yon at natawa ng mahina dahil sa reklamo niya kesyo bakit daw hindi ko siya pinapansin, baka daw may iba na ako, at nagseselos ako. Hayyy nako, cute ng baby ko urgh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito kami ngayon sa room ni Ruben. Sabi ng doctor, mabuti daw ay hindi masyadong napuruhan si Ruben. Though, may mga malalang sugat siyang natamo.
Nakatingin lang ako kay Ruben mula dito sa pintuan. Pupungas-pungas pa siya at tila nagulat nang makita niya ang sarili niya dito sa ospital.
"Ruben!" Sigaw ni Claire at agad niyakap siya. Natawa naman si Ruben kahit naguguluhan parin siya sa nangyayari.
"Buti naman gising ka na. Akala namin mamatay ka na e—aray!" Natigil ang sinasabi ni Chris nang kurutin siya ni Dada at sinamaan ng tingin. Natawa ako sa tagpo nilang dalawa. Parang kami lang ni baby. Hayyy, nami-miss ko tuloy siya.
After nilang magusap, agad namang nagsalita si Finch. Kinilig naman yung mga babae sa paligid at tila ba'y humihiyaw pa si Adriane.
"Maiwan muna namin kayo ah," nanunuksong paalam ni Claire.
Naglakad kami palabas.
"Always use condoms ah!" Sigaw ni Adriane at humagalpak ng tawa. Paano kasi, namula bahagya si Ruben.
Pero... Parang may kumirot sa dibdib ko. Wala naman akong sakit sa dibdib—and I feel like hindi siya sa dibdib... Sa puso... It's aching and I don't know what's the reason for it.
"Oh Vince, bakit nakatayo ka lang diyan?" Parang nagising ako bigla at napagtantong ako nalang pala yung nakatayo at lahat na sila'y prenteng nakaupo. Nakatingin sila sa akin at si Marco ay may tingin na parang 'gusto mo din kausapin si Ruben noh?'
Like, fuck no. Bahala silang dalawa sa loob.
Umupo na din ako. Makalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na kami kay Ruben—actually, sila lang. Ewan ko ba, parang na bad mood ako bigla. Parang ayaw kong pansinin si Ruben. Nang matext nila ang lola ni Ruben at ibinalita ang nangyari, lumabas na kami at naghiwalay na ng mga daan.
But I don't even fucking know why my feet is taking me back to Ruben's room.
BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.