XI | Fight

1.8K 83 2
                                        

Ruben Diced

Ever since that "aminan stuff" happened noong Friday, naging maayos naman ang samahan namin ni Finch. But nakakahalata na ako na parang dumidistansya ng kaunti si Finch. Hindi na siya masyadong pala-salita, hindi na din siya ganun ka-clingy, pero okay lang sa'kin 'yon, kahit wala akong alam kung bakit siya nagbago ng ganun nalang.

"Aray ko Steph! Ang higpit! Ang sakit sa patilya!" Dinig kong sigaw ni Nuda. Natawa nalang ako sa mukha niyang parang nagpipigil ng dumi dahil sa nangangasim nitong ekspresyon. Isinusuot kasi ni Steph yung headdress kay Nuda at hinihigpitan yung garter para mapa-iksian ito. Malapit na 'din kasi yung streetdancing  sa PE class namin. Iyon yung last project namin and now we're fixing our costumes.

Narinig 'kong lumabas si Marco. Maya-maya din ay nadinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad kong narinig ang hiyawan at mga tiling pilit na hinihinaan ng mga kaklase ko. Tss, lalande.

"Uy hi VINCENT!" bati ni Dada na binigyang diin yung pangngalan ni Vincent na ngayo'y malapit lang sa akin. Naaamoy ko yung pabango niyang sobrang bango, but I still remain a straight face and didn't heed any attention unto him. Nakita ko namang lumapit sila Claire at Dada papunta sa akin at parang sinisimplihan ako ng mga "uy-nandito-yung-crush-mo" na haplos.

"Oy pahiram ako ng ID," dinig kong sabi ni Vincent na malapit lang sa akin.

Sa paga-akalang ako yung kinakausap niya, tumingin ako. Ang landi 'ko noh? 'Di 'ko man lang matiis itong si Vincent.

And alam niyo ba yung sumalubong sa akin? Ang mga nakakatunaw na titig ni Vincent. Shetness, anong ginawa ko para makaranas nito?

Agad naman akong umiwas ng tingin at hindi na siya pinansin muli. At para matigil na yung mga pang-aasar nila Claire at Dada sa'kin, tumayo na ako at agad na lumabas.

Pero ang plano kong paglabas ay agad na natigil nang biglang umikot si Vincent kaya ang ending ay nabangga niya ako, dahilan para mahulog ako. And that's it, my flat butt hit the concrete floor. Aray ah, ang sakit.

"Aray! Ano ba?!" Singhal ko kay Vincent na seryoso lang nakatingin sa akin.

"Hindi ka natingin sa dinadaanan mo," simpling sagot niya at agad namang napantig ang tenga ko.

Napatayo ako at tintigan siya ng masama. "So ako pa yung hindi natingin sa dinadaanan? Ikaw kaya yung nakaharang!" Sigaw ko sa kaniya. Agad natahimik yung mga kaklase ko at nanood sa amin.

"Ako? Nakaharang? Tignan mo oh—" tinuro niya ang daanan sa tabi niya. "—Ang laki-laki ng daanan. So tell me, pano ako nakaharang niyan?— Or baka naman, sinadya mong dumaan sa kung saan ako nakpwesto?" Ngumisi siya at mas lalo akong nainis.

"Ang kapal naman ng mukha mo. For your information, bumisita ka lang dito sa classroom namin. Nakikigulo ka lang, actually. Kita mo ba? Nag-aayos kami ng costumes namin. And you didn't even bother to say "excuse me" bago ka pumasok!"

After saying that long lines of words, he just smirked at me. Hinablot niya na ang ID na hawak ng classmate ko sa tabi ata agad na umalis. Tss, that man can get into my nerves. Who knew that gorgeous man can be also annoying as hell?

"Ay grabe naman 'yon," dinig kong sabi ni Marco na nakatayo lang sa isang tabi at tila ba'y shocked na shocked sa nangyari.

Binigyan ko lang sila ng masamang tingin at agad na dumiretso palabas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

So ngayon po ay naglalaro lang po ako ng ML habang nakatambay sa waiting shed. I was having the time of my life dahil malapit na ako maka 'Maniac' ng biglang may dumaan sa harap ko at nabangga ang kamay ko. And boom, nasa sahig na ang cellphone ko at narinig ko ang salitang 'Shutdown' mula doon.

Agad kong tiningala ang estrangherong bumabgga sa kamay ko. And what do you guys expect? It's Vincent.

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah?" Sambit ko at tumayo. Tinignan ko siya ng punong-puno ng galit. Set aside muna ang kilig dahil hindi ko 'yon maramdaman ngayon. I was about to avoid him kasi ever since his birthday happened. I just realized nung Friday night na I shouldn't be spending these butterflies on my stomach to someone who is already owned by someone.

"Puro ML. Tss."
"Oh anong meron dun? Nakaka-lalaki ka na ah!"

Ngumisi siya sa akin. He took a step and now we're inch apart, I can smell his minty breath and his scent. "Lalaki ka ba talaga? Ruben, matagal ko ng alam na hindi ka tuwid. And I also know that you have the hots for me. But guess what? Wala kang chance sa akin. I'm already taken and kung single man ako, hindi kita papatulan. I don't like you, I don't like gays. Lalo na't kung baklang katulad mo na halos lumagpas pa sa salitang "panget." Tsk, kadiri, pwe." Mahabang lintanya niya at umalis na. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hindi ko nalang namalayan na lumuluha na ako. That man, h-he just rejected me kahit hindi pa ako naamin. I mean, matagal na niya palang alam na may gusto ako sa kaniya. And he just crushed my ego. Nakakapanghina.

Vincent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon