XIV | Cute together

1.9K 69 3
                                        

Ruben Diced

Napahilot nalang ako sa sentido habang nakatingin sa mga kaklase kong pa-chill chill lang. Wala kaming assignment pero may task naman ako!

Pano ba naman kasi, binigyan ako ng task na gumawa ng article about sa basketball. Sabi ng prof namin ay may isang match daw ang school namin bukas. He told me na manood daw ako para atleast ma-define ko ng maayos yung match pagdating sa time na isusulat ko na iyon.

Sabi pa ni prof, kailangan daw effort na effort yung article na gagawin ko dahil ife-feature daw iyon ng school para sa larangan ng sports. As much as possible daw, maghanap daw ako ng dating basketball player ng sikat na basketball team para interview-hin. Oh diba nakakainis lang? I mean, sumali kasi ako sa Journalism dati for experience lang sana pero hindi ko inaakala na sa dinami-daming journalists sa school namin, ako pa yung napili. Badtrip.

Nagpaalam na ako kayla Claire dahil uuwi na ako para sana magkaroon ng peace of mind. Peace of mind daw, tss.

Nang makadating ako sa bahay, nagpalit lang ako ng damit at humiga na sa kama. Pagbukas ko ng cellphone ko, agad kong napansin ang internet connection. Hindi ako naka-connect.

Binuksan ko ang pinto at sumilip doon. "Nay! Anong nangyari sa internet?"

"Ay ube, sira yung router!" Dinig kong sigaw pabalik ni nanay.

Mas lalong nalukot yung mukha ko. Badtrip na nga dahil sa task, dadagdag pa yung sirang router. I mean may data naman ako pero, mahina yung signal. Kaya dinala nalang ako ng paa ko palabas ng bahay and boom. Napansin kong nasa park na ako. Ambilis ko naman maglakad?

Pero lumakas naman yung signal kaya okay lang. Since damuhan dito sa park, umupo ako doon at nagcellphone.

Sa sobrang occupied ko sa cellphone ko, hindi ko napansing madilim na pala. Hindi ko pa malalaman 'yon kung hindi nag-text si nanay sakin na wag daw ako magpagabi.

Napansin ko din ang maliwanag na basketball court. Mukhang may nagpa-ilaw ah. Tumayo ako mula sa damuhan at nagpagpag then naglakad ako para makalapit doon. And yes, may naglalaro nga.

Agad napukaw ang atensyon ko sa lalaking naka cream colored na tshirt, si Vincent. Kitang-kita ko dito ang paglalaro niya. Titig na titig ako sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan.

Agad akong umiwas ng tingin nang mapadaan ang tingin niya sa akin. Nakita niya ako. I don't know why but my heart starts to beat fast. Argh, ang gulo ng puso ko. Dapat tinatapon ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya tapos heto ngayon, tumitibok ng pagka-bilis-bilis yung puso ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa bleachers habang hawak ang notebook at ballpen ko. Ngayon ang laro ng school namin at nandito ako para mapanood at makagawa ng article about sa laro nila.

And soon enough, the match begins.

Simula palang ng laro, napakainit na agad ang laban ng dalawang grupo. Nagsimula naman agad akong magsulat ng mga detalye about sa laro. Nang magtaas ako ng tingin para manood ng laro ay nakita kong hawak ng player ng school namin ang bola na agad namang ipinasa kay Vincent. Siya naman ay agad ini-shoot yung bola. Three points for Vincent.

Nagulat ako ng tumingin sa akin si Vincent. AND HOLY SH—did he really did that? D-Did he really, winked at me?

I shaked my head to drift away that thought. Nagsimula na ulit akong magsulat and as time goes by, the game ended. Our school won on the opposing team.

Vincent ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon