VI | Balls ain't black

2.1K 90 0
                                        

Ruben Diced

Actually, ang ganda pala dito sa campsite na 'to. Sila na nagprovide ng mga tents, sila na nagprovide ng dinner namin, pati yung mga unan at kumot, sila na din nagprovide.

"Okay, for your last activity this day, you'll have to find anything that's written on this paper—" banggit ng instructor at nagtaas ng papel.

May mga taong lumapit sa amin at binigyan kami ng papel na katulad din ng hawak nung instructor.

"—Whoever find it all, you'll win a prize. Lahat yan ay nakakalat sa paligid kaya kailangan niyo talagang maghanap. Ready? Go!"

Agad naman kaming umalis ni Finch at dumiretso sa malapit na masukal na puno sa tabi namin.

Hinila ko sa bulsa ko yung dala 'kong flashlight at tinignan muli ang papel.

•Handcuffs
•Dark green cap
•Black ball
•Old picture frame
•Rusted trophy

"Ano ba naman 'yan, lahat naman ng pinapahanap sa atin eh yung mga kaya pang mag-camouflage sa damuhan eh," reklamo ni Finch.

Nilingon ko siya at inikutan ko lang siya ng mata. "Duh, anong silbi ng excitement sa palaro nila kung matitingkad yung mga kulay diba? Mag-isip-isip ka nga!"

Bigla namang umamo yung mukha ni Finch na ikinagulat ko. Kasi most of the time, it's either nakatawa siya or nakangisi. Ngayon ko lang siya nakitang maamo yung mukha—depende nalang kung tulog siya.

"Sorry," paumanhin niya at yumuko.

Luh, sooo weird.

Inilibot ko yung flashlight sa paligid. Makalipas ng ilang minutong paglalakad ay may nakita kaming tila ba'y kumikinang. Yung handcuffs!

Agad naman akong tumakbo doon at dinampot iyon.

"Galing naman," puri ni Finch.

"I know right?!" Maangas kong sambit at tumawa. Nakitawa din naman si Finch. Ewan ko ba, sabi nila mayabang daw si Finch, and based from what I'm seeing, hindi naman eh. Infact, masayahin siyang tao. Hayyy, sana all masaya—CHE! Daming alam!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napabuntong-hininga ako ng tignan ko muli yung papel namin.

•Handcuffs
•Dark green cap
•Black ball
•Old picture frame
•Rusted trophy

"Wala na. Iba na siguro nakahanap nung dalawang kulang sa'tin. Sayang naman."

Lumingon ako kay Finch nang marinig kong mahina itong tumawa.

"Hayyy nako, hindi mo kasi ako masyadong pinapansin. Tsk, oh."

Ngayon ko lang napansin na may suot pala siyang cap. Pagbaba niya ay tinutukan ko ito ng flashlight. Dark green yung kulay niya.

Napatalon ako sa tuwa.

"U-Uy! Baka matumba tayo!" Daing ni Finch. Saka ko lang din napansin na nakayakap na pala ako sa kaniya.

"Salamat! Oh my gosh isa nalang!" Nagtatatalon ako sa tuwa.

"Oo nga eh, saan naman natin ngayon mahahanap yung ball?" Tanong ko ulit.

"Ako may balls, kaso hindi nga lang black," sambit ni Finch at ngumisi.

"Hoy! Ang bastos mo!" Hinampas ko siya sa braso at tumawa naman siya. Yan nanaman, nawawala nanaman yung mata niya.

"Tara na nga, mukhang tayo nalang naghahanap eh," bigkas niya at dinakot yung kamay ko't hinila niya na palayo. Napatianod nalang ako sa kaniya.

Pagdating namin doon ay confirmed, kami na lang yung hinihintay. Yung iba ay napalingon sa amin at binigyan kami ng pwede-'tong-issue na tingin. Nayyy, issue-er.

Hinila nanaman ako muli ni Finch papunta doon sa instructor. Kung siguro malakas yung paghila sa akin ni Finch, siguro wala na akong braso ngayon.

"Sir. Madami po kaming nakuha except sa black na bola."

Tinignan niya yung mga dalahin namin at binigyan kami ng prize. Hindi naman siya yung pangmalakasan na premyo, wala lang, simpleng mga tsitsirya lang.

Habang palakad kami sa tent ay may narinig kaming mga sumisigaw.

"Oy bawal PDA!"

"Aral muna woy!"

"Sana all may ka-holding hands!"

"Nayyy luma-love life!"

Napalingon ako at halos lahat sila nakatingin sa amin. Isa na doon si Vincent. Seryoso ang mukha niya at wala man lang reaksyon.

Tumingin naman ako kay Finch at patagong ngumingiti ito habang namumula. Hala, naiinitan ba siya? Bakit siya namumula?

Hindi ko na sila pinansin at ako na ang humila kay Finch papunta sa tent namin.

Vincent ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon