XXII | Summer getaway

1.6K 68 2
                                    

Ruben Diced

"Please Vincent! W-Wag!" Pilit kong inaabot ang mga kamay niya para pigilan siya sa paglisan.

"Tumigil ka na Ruben! Ilang beses ko na ba sinabi sayo na HINDI KITA MAHAL. AT HINDING HINDI KITA MAMAHALIN."

Kahit pa durog na ang puso ko, tumayo ako at agad siyang niyakap sa likuran. Agad niyang tinanggal ang mga braso ko at itinulak ako. Sa lakas ng pagtulak niya ay napaupo ulit ako sa sahig.

"Stop forcing me to be with you. May iba akong mahal. At ikaw? Ha, sino ka ba sa buhay ko? Wala akong pake sayo! Hindi kita mahal! Hindi!" Nagulat ako ng bigla siyang dumura sa kung saan. "Bayot."

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko habang nakatingin sa papalayong bulto ni Vincent.

"VINCENT!" Napabalikwas ako sa higaan ng pawisan. Parang kinakarambola ang dibdib ko. Shit. Panaginip lang pala.

Kahit pa panaginip 'yon. It felt so real. I hugged him like I wasn't dreaming, I pleaded him like it's all true, and I saw him left me like I wasn't hallucinating.

Tumayo na ako mula sa higaan at agad nang bumaba. Pero kahit nasa hagdan palang ako, I already felt something was off. Yumuko ako para masilip ko ang sala. And there's the living room, filled with silence. Wala sila nanay.

I mentally face palmed when I realized na nagpaalam si nanay kahapon na aalis sila ng maaga para magsimba. Kaya pala tahim—shit. May tumunog sa kusina.

I refrain myself from making such noise as I continue to go downstairs. I walk with alertness. Nang marating ang sala ay naghanap muna ako ng "armas" para sa estrangherong nanloob sa bahay namin. Sure din naman ako na hindi yun si kuya dahil rinig sa taas yung hilik niya. And it's definitely not my cousin na dumating kahapon dahil I'm sure enough na kasama niya si nanay para magsimba. Kinuha ko ang trophy na nakapatong malapit sa TV.

Nang may marinig akong mga tunog ng mga kubyertos, tumakbo agad ako at pinagpapa-palo ang taong nandoon.

"PUTA ARAY! ANO BA?!" Natigil ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Hindi ako nagkakamali.

Agad akong umatras at inabot ang ilaw sa kusina. Nang bumukas ito ay bumungad sa akin ang pinsan ko.

"AY! Ate Herra!" Ngumiti ako na parang wala akong pinalo na tao gamit ang trophy na tinago ko sa likod ko.

"Lintek ka Ruben! Ansakit!" Hinapyos niya ang kanyang ulo at napadaing pa lalo. Turns out, she was just eating. Kaya naman pala may tumutunog na kubyertos.

"Hehehe... Ikaw kasi eh! Wala ka namang pasabi! Hindi mo man lang binuksan yung ilaw sa kusina!"

Umirap siya. "Sa akin pa nga nai-buntot ang sermon. Anyways, how are you here?" Umupo ulit siya at itinuloy ang pag kain niya ng breakfast.

"Luh. Nang-ibang bansa lang, nage-English na." Kumuha ako ng plato at kutsara't tinidor at umupo sa tabi ni ate Herra. It's been awhile since I saw her. She changed, mula sa buhok niyang maiksi dati na ngayo'y abot siko niya na, mula sa medyo maputi niyang balat hanggang sa maging tanned color na ito.

"But nevertheless, okay lang naman ako dito. Team bahay lang for 3 months." Tumawa naman si ate Herra.

"Edi sumama ka nalang sa 'kin."

"Saan?"

"Pabalik sa states."

"WEH SERYOSO?" Nagulantang ako bigla sa sinabi niya. I haven't been into another country kaya medyo naging OA ako. Tila ba'y naexcite ako bigla.

"Yeah. Magpaalam lang tayo kay nanay." She winked at me at nagpatuloy sa pag-kain.

"Teka. Kailan ka ba babalik doon?" Tanong ko habang ngumunguya.

"Next week. Bumisita lang ako dito para magbigay ng mga pasalubong kayla mama. I made my choice din to stay there for good na 'cause why not?" She chuckled. Tumawa ako ng mahina. Ate herra is—out of all my cousins—the closest one to me. Parang siya na 'din yung bestfriend ko dahil sa nagkakasundo kami sa mga kung ano-ano.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hay nako Ube. Basta mag-ingat ka doon ah? Osiya, mag-impake ka na." Sambit ni nanay.

Napangiti ako at agad tumakbo paakyat sa kwarto ko. Tomorrow is our flight ni ate Herra. I'm excited, first time 'to! Agad kong kinuha yung mga damit ko.

Me and ate Herra ask permission at nanay. Nung una, ayaw na ayaw ni nanay. But when my parents allowed me, pumayag na 'din siya. And here I am, nagi-impake na.

This will be my summer getaway! Sa wakas, hindi na magiging boring ang 3 months ko!

Vincent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon