Ruben Diced
After the interview nagpaalam na ako kayla Liage na mauuna na ako, pinadala naman ng schoolmate ko ang medical kit daw ng school na nakalimutan niyang ibalik, kaya ngayon dala-dala ko ito sa aking mga kamay. Excited na din kasi akong umuwi eh. I have to start writing down my article para maaga ko nang maibigay sa prof namin. Para wala na akong aabalahin pa.
Habang naglalakad ako, napadaan ako sa court and a person inside it, caught my attention. Si Vincent.
He's playing with someone na maputi't mukhang amerikano. Baka naman subdivision 'to ng mga Amerikano?
"Oy dito Savius!" Dinig kong sigaw ni Vincent. Ahhh si Savius pala, yung kapatid ni Liage.
I don't know what has gotten into me but I found myself going inside the court and getting myself a view of Vincent's play.
Sa magdamag 'kong pag-upo dito, hindi ko namalayan na tapos na pala silang maglaro at nakatingin pala sa akin si Vincent. He has this look na parang nagsasabing 'akala ko ba ayaw mo na sa'kin?'
Inirapan ko nalang siya at nauna nang lumabas. Ramdam ko naman ang presensya niya sa likuran ko. Hanggang sa—
"Aray!! Shit!" Daing niya kaya agad naman akong napatingin. Ang kumag, nadapa. Tss, tatanga-tanga.
"Bobo kasi eh, tsk." Asar ko sa kaniya. Sinamaan lang niya ako ng tingin at agad na tumayo, hirap na hirap siya at tila ba'y iika-ika ang paglalakad. Napatingin ako sa tuhod niya at laking gulat ko naman ng makita ang sandamakmak na dugong umaagos doon.
"Hala Vincent! Ano ba naman yan! Tanga kasi eh!" Lumapit ako sa kaniya para alalayan siya pero tinabig niya lang ang kamay ko.
Nag-iisip ako ng paraan para magamot man lang yung sugat niya. Teka... TAMA! Dala ko pala yung medical kit ng school!
Kahit iniiwas ni Vincent yung sarili niya sa'kin, nagawa ko parin siyang mai-upo sa malapit na bench. Agad ko namang binuksan yung medical kit at agad i-ginamot yung sugat niya.
Habang nilalagyan ko ng Betadine yung sugat niya, ramdam ko ang titig niya sa akin. Kaya naman nag-angat din ako ng tingin sa kaniya. Napaka-seryoso ng tingin niya sakin na tila ba'y ine-examine niya yung mukha 'ko.
"Baka matunaw naman ako," komento ko kaya parang nagising sa kawalan si Vincent at agad namang nag-iwas ng tingin. Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Is he blushing? Tss, hindi naman. Baka naiinitan lang. Tama, naiinitan lang siya. 'To naman si Ruben, assume ng assume!
After malunasan ang sugat niya, inalalayan ko parin siya sa paglalakad niya. Walking distance din naman yung layo ng subdivision nila Liage sa school, tapos dun din sa subdivision na iyon, doon din nakatira sila Vincent kaya puwede ko siyang mai-hatid pauwi.
Nagrereklamo pa nga si Vincent dahil para naman daw siyang nabalian ng buto kung alalayan ko siya, pero hindi ko na siya pinansin. Wag mokong kausapin Vincent, marupok ako. Tumigil ka diyan.
Matapos ang madyo mahabang lakaran, narating din namin ang bahay nila Vincent. Iniwan ko na siya doon at akmang aalis na ako ng biglang—
"Thank you, kahit 'di ko naman talaga kailangan ng tulong," sabi niya.
Napalingon ako sa kaniya at ngitian nalang siya. My breathing hitched when he smiled back, not those kind of smiles that was forced, it's a genuine smile; a real smile that I once longed for.
Naglakad na ako papunta sa school pero bago pa ako maka-apak mula sa kinatatayuan ko, narinig ko ang mga sigaw ng tao kaya napatingin ako, I saw a car rushing to me.
"RUBEN!!!"
And before I knew it, everything went black.
![](https://img.wattpad.com/cover/181326608-288-k169645.jpg)
BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.