Ruben Diced
Napadaing ako at pagod na dumilat.
Nandito parin ako sa impyernong 'to.
"Ohhh, gising ka na pala." Rinig kong banggit ng babaeng obsessed kay Vincent.
"Ano nanaman?" Tila pagod kong tanong. Sa paglipas ng oras mas nahihirapan akong huminga, lalo na't hindi lang silang dalawa nung matangkad na babae ang bumugbog sa 'kin kanina.
May nagsi-datingan na mga lalaki nung oras na iyon at lahat sila'y pinagtulungan ako.
Napaigtad ako nang bigla akong sampalin nung babae.
"Hindi parin ako maka-getover sa pagiging ahas mo." Tila nanggagalaiting banggit niya.
Ewan ko ba, bigla akong natawa sa sinabi niya.
"Ahas? Ako? Bakit? Inahas k-ko ba si Vincent m-mula sayo? B-Bakit? May k-kayo ba?" Nakangisi kong asar. Biglang namula sa galit ang babaeng ito.
Sa sobrang pula, mukha siyang bulkan na sasabog. Volcano ka ghorl?
Nagawa ko pang magbiro, hanep.
"Aba't walanghiya ka!" Sigaw niya sabay tadyak sa 'kin. Napatumba nanaman ako sa upuan. Napaubo na ako ng dugo. Hinang-hina na ako.
Napaisip ako, si Kristine ba may pakana ng lahat ng 'to? But, I don't think so, kasi based from the face of this woman, kitang-kita ko yung sakit at galit sa mata niya eh. It looks so real.
Ngayon na nga lang ako nabugbog, babae pa ang may gawa. Pambihira.
Napaubo ulit ako. Kung mamamatay man ako, sana diretsong patay nalang. Hindi yung papagurin pa ako katulad nito. Okay pa siguro kung barilin nalang ako or saksakin ng paulit ulit.
Charot lang, baka magkatotoo eh. I love my life kaya.
Sa kalagitnaan ng pagdaing ko, bumukas muli ang pinto at may tatlong lalaki ang pumasok.
"May dala akong bisita!" Tila ba'y masayang banggit ng lalaki sa gitna na may dalang... tao?
Teka...
Hinagis ng lalaki ang dala nito at nagulat ako.
"V-VINCENT!"
Pilit akong gumapang palapit sa kaniya kahit na nakagapos ang mga kamay at paa ko.
Nang makalapit ako sa kaniya ay napaiyak ako lalo ng makita ko ang dugo na umaagos sa ulo niya.
"Oh wow! This is so cute! Two lovers, will die on a horrible death! Sayang, looks like pati si Vincent ay mawawala na rin sa mundong ito." Tuwang-tuwa na sabi ng babae.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang nanlalabo ang aking mata dahil sa mga luha. Napayuko ako at napasandal sa balikat niya.
"Shh... We'll get out of here, baby..."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniyang nanghihina na mukha. Ngumiti siya sa akin.
"Tama na ang kalokohan mo, sa tingin mo ba pag napatay mo kami, maaayos na itong kahibangan mo?" Ani Vincent habang nakatitig ng masama sa babae.
"Well ofcourse, silly!" She laughed hysterically, "I wouldn't bring you guys here to die if it wouldn't be the way to free me from my problems, right?" She smirked.
She's literally out of her mind.
Lumingon sa akin si Vincent at ngumiti.
"Give me 5 minutes. We'll get out of this," bulong niya.
I went confused from what he said. 5 minutes for what?
BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.
