XLV | A Kiss

658 31 3
                                        

Ruben Diced

Napatigil ako. And there he is, right infront of me.

Kusang gumalaw ang aking katawan at agad tumakbo papunta sa kaniya. He opened his arms, expecting a hug which I gave.

"Akala ko 'di na kita makikita." Bulong ko. Unti-unting namumuo ang mga luha sa mata ko.

He chuckled, "Well, I'm here now. Wag ka na mag-alala."

Nagtagal kami sa ganong posisyon. Tahimik na dinadama ang presensya ng isa't isa.

I sighed. This is contentment.

Marahan na humiwalay si Vincent at tinignan ako. He slowly ducked down and gave me a light kiss.

"Tara, gala tayo." Anyaya niya at marahan akong hinila palabas ng Library.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"So bakit ang aga mo nadischarge?" Tanong ko kay Vincent habang ngumunguya ng fries. Nagpunta kami sa mall at nagpalipas oras. Kasalukuyan kaming nasa kotse.

"Agad akong dinischarge dahil sa pagiging maalalahanin ni mama. Gusto niya daw kasi sa bahay ako gumaling. Mabuti na nga lang at kaibigan ni papa ang isa sa mga doktor don kaya napapayag silang maaga akong idischarge."

Napatango ako.

Naalala ko nanaman ang issue kay Kristine. Kung nasaan man siya ngayon ay sana hindi na siya magbalak pang mangielam sa buhay namin. Baka hindi ko na kayanin at ako nalang papatay sa sarili ko.

Suicide, gusto mo yon?

Napalingon ako kay Vincent ng haplusin niya ang buhok ko.

"You're spacing out. What's wrong?" Tanong niya.

I sighed, "Nababagabag lang kasi ako kay Kristine. She's still out there. Anytime pwede siyang bumalik at sirain nanaman yung buhay natin."

Hinawakan niya ang kamay ko, "Well, the difference now is kasama mo na ako. So don't worry, wala naman akong balak na iwanan ka."

Shuta, my heart.

Pumarada ang kotse sa harap ng bahay namin. He looked at me and gave me a warm smile.

"See you tomorrow."

Ngumiti naman ako. Aalis na sana ako ng marahan niyang hinila ang braso ko at iniharap sa kaniya. Yumuko siya at hinalikan ako. Mabilis lang iyon pero sapat na para manginig yung buong sistema ko.

Kilig ako mga bhie.

"Bye." Paalam ko at tuluyan ng lumabas.

Pag uwi ko ay binati ko agad sila nanay. Dumiretso ako papunta sa kwarto ko para magpahinga saglit. Kailangan ko pang mag review dahil may dalawang quiz ako bukas.

Nang makapag pahinga ay kinuha ko ang mga libro ko at nagsimulang mag review. Masyado akong naging focused sa pagrereview dahil ng pagtingin ko sa bintana ay gabi na. I lightly chuckled when my stomach grumbled. Itinabi ko muna ang mga libro at bumaba.

Pagbaba ko ay napansin ko na nakapang-alis si nanay tyaka si kuya. Nagtaka naman ako.

Saan naman sila pupunta? Gabi na ah?

"Nay, saan kayo pupunta?" Tanong ko ng makita ko si nanay na nanggaling sa kusina.

"Ay Ube, aalis muna ako at may pupuntahan lang. Nagpasama ako sa kuya mo." Sagot nito habang nagaayos ng handbag niya.

Ramdam ko ang kabang namumuo sa loob ko ng marinig ko ang sinabi ni nanay. If she's gonna leave with kuya... Then ako lang ang maiiwan sa bahay.

"Pero nay, wala akong kasama dito." Sambit ko.

Vincent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon