Ruben Diced
After ng fieldtrip kahapon, back to normal na agad ang lahat. Pasok sa umaga, uuwi sa hapon. Ang nabago lang, lapit ng lapit si Finch sa akin. Wala namang kaso yun sa akin, pero ang awkward lang. Kasi alam mo ba yung feeling na isusubo mo na yung pagkain mo kaso nakatingin sayo—este nakatitig sayo yung tao? Diba ang awkward nun? Tapos magiging concious ka nalang bigla kasi baka mamaya may dumi pala sa bibig mo. Nakakahiya pa yun kung sakali.
"Mikmik! Wahahaha!" Sigaw ni Marco at humagalpak ng tawa. Mikmik kasi yung tinatawag niya kay Dada, which is making her irritated. Ewan ko kung bakit ayaw niyang itawag sa kaniya yun.
Nandito lang kami nakatambay sa bleachers. Mayroon kasing afternoon recess sa amin, ang naiba lang, konti lang yung taong napunta sa gym for recess ng ganitong oras. Kami, bumaba kami dito para makatakas sa TVLE class namin. Wala naman kasi kaming masyadong ginagawa. We intended to stay here longer para pag akyat namin, bawas na yung oras ng pagkaklase ni sir sa TVLE time.
Kalahati sa amin, nakatambay sa bleachers. Yung iba naman, naglalaro ng basketball—gamit yung bola ng pang sepak takraw. Basta bola, ginagawang pang-basketball. Nice one.
Nakaupo lang ako sa isa sa mga naka-pile na upuan dito sa duluhang part ng bleachers, habang pinapanood silang naglalaro.
Nakita ko si Ringo na binato yung bola para sana saluin ni Rainwin na malapit sa amin. Kaso, sumobra.
"Ruben! Yuko!" Dinig kong sigaw nila pero huli na ng malaman kong paparating yung bola sa akin.
Napapikit nalang ako at inabangang tumama sa akin yung bola. Pero wala. Walang tumama ni isa. Isang mainit na hangin lang ang bumubuga sa bandang uluhan ko.
Dumilat ako at nakita ko ang bola sa harapan ko—na may kamay na nakakabit dito. Lumingon ako sa likod at—
Holy shit. Si Vincent.
Hindi ko mapigilang puriin siya ng patago. Actually, ang hot niyang tignan kapag seryoso. Like right now! And from the fact na ang lapit nanaman ng mukha namin sa isa't isa, naaamoy ko yung mabango niyang pabango tyaka ang mabango niyang hininga.
Ibinato niya ulit yung bola pabalik kayla Ringo. Tumingin siya sakin at wala man lang reaksyon yung mukha niya—emotionless, kumbaga.
"Sa susunod kasi, matuto kang umilag. Hindi yung pipikit ka nalang at hahayaang tumama sa iyo yung bagay na hindi mo inaasahan. Tsk," sermon niya sa akin at naglakad palayo.
Anong trip non? Bakit siya nanermon? Pero sabagay, tama naman yung sinabi niya. Kung siguro umilag ako, hindi na sana ako muntik matamaan.
At tyaka, bakit simula nung huling gabi namin sa fieldtrip, parang naging seryoso siya. I mean, lagi ko kasi siyang nakikitang nakangiti at natawa, lalo na pag kasama niya yung mga kaibigan niya. Tapos ngayon, wala, napaka-seryoso niya. Madalang ko nalang siyang nakikitang nakangiti, at yung ngiti pa niya, it's either maliit na pag-ngiti lang or sapilitan pa.
"Baka naman nakakahalata na siya sayo. Landi mo kase. Tse!" Rinig kong bulong sa akin ng konsensya ko.
Parang tanga 'to. Hindi naman ako lantarang nagpapakita ng motibo sa kaniya ah! Sumusulyap lang naman ako sa kaniya. That's all. For sure naman, hindi niya mahahalata yun!
"Oy! Akyat na daw!" Sigaw ni Stephanie na nakatayo sa entrance ng gym. Kaya naman, agad na kaming umakyat.
Pagpasok namin ay ramdam ko ang magaan na ambiance ng room. Yung tipong, puwede kang mag-ingay whenever you wanted to. Tapos si sir, parang chillax lang na pakanta-kanta ng One Day.
"Claire, tignan mo nga yung computer lab. Check mo kung may tao," utos niya kay Claire na agad na tumayo. Since malapit ako sa pintuan. Tinignan niya ako at mapanuksong ngumiti.
"Ikaw ah. Niligtas ka kanina ni bb ah, yieee," tukso niya sakin at tinawanan ko lang siya.
Yes, bb ang codename namin kay Vincent. Para kahit nasa public kami ay malaya kaming pagusapan si Vincent, wala namang makakahalata eh.
Chill chill lang din kami sa loob ng classroom, yung iba nagchi-chikahan. Yung iba natutulog. Yung iba nagtatawanan.
Pumasok si Claire. "Sir, nandoon si Junel—este yung 4th year."
Tumango lang si sir. Ako naman ay humagalpak ng tawa.
"Ano Claire? Si Junel? Wahahaha!"
Sabay naman kaming tumawa at nang tumigil kami ay naisipan naming sabayan si sir sa pagkanta ng One Day. Nabanggit kasi sa amin ni sir na favorite niya iyong kanta na iyon.
"Sir, since wala naman tayong ginagawa. Pwede kaming mag-practice?" Paalam ni Stephanie.
Kami naman ay sumang-ayon.
"Saang practice ba?" Tanong ni sir.
"Sa Physical Education namin sir. Yung streetdance namin."
"Osige, doon kayo sa gym. Wag kayong maingay ah," sambit ni sir na sumang-ayon sa paalam ni Steph.
Kami naman ay tila nagbunyi. Lahat kami ay bumaba sa gym at nagsimulang magpractice. Mahirap, actually. Kasi halos lahat ng boys ay hindi nakikinig. Yung iba nanandyang hindi sumayaw ng maayos. Kaya ang ending ay samaan ng loob. Pero tuloy parin ang practice.
Nagpaalam ako sandali kay Stephanie na iihi lang ako saglit. Lumabas ako sa gym at doon dumiretso sa cr. After kong umihi ay may narinig akong nagsasalita sa labas.
"Nasan ka? Oh? Osige, mag-ingat ka ah? Bye baby, I love you."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa loob ng cr nang marinig ko kung kanino ang boses na iyon.
Kay Vincent.
Yung pananalita niya, yung tipong mahinahon at sweet. Yung tipong mahal na mahal niya yung taong kausap niya sa kabilang linya.
Ewan ko ba, pero parang sumakit yung puso ko. Hindi ko dapat ito maramdaman pero hindi ko mapigilan. Eto ang mahirap eh, yung wala namang kami, pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil lalaban palang sana ako para makuha ang puso niya, pero hindi ko alam na may nanalo na pala.

BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.