III | A drive

2.8K 100 5
                                        

Ruben Diced

Simula ng nangyari kahapon ay halos manginig na ako sa kama ko sa sobrang kilig. Harot ko 'noh? Wala ih, crush ko kasi yun ih!

Pero ngayon, aalis ako. Pupunta ako sa school kasi doon kami magkikita-kita ng mga kaklase ko. What for? Birthday kasi ni Chris, yung bebe ni Dada. Nagulat nga ako kasi nalaman kong invited pala ako.

Nang maisuot ko ang maong shorts ko, nagpaalam na ako kay nanay at umalis na para pumunta sa school. Walking distance lang naman yung school namin kasi nasa isang subdivision iyon nakaestilo, and yung subdivision na iyon ay katabi lang nung sa amin.

Nasa malayo palang ako, kita ko na ang waiting shed—at wala ni isang tao doon.

Dumiretso ako sa tindahan sa kanto papunta sa school at doon muna tumambay, nagba-baka sakaling mag pinuntahan lang sila. Binuksan ko yung cellphone ko at nagchat sa gc namin. It took some time at may nagreply.

"Sumunod ka nalang sa McDo, Ruben."

Naibaba ko yung phone ko ng wala sa oras. Eto yung ayaw na ayaw kong flaw eh, is yung lagi akong inaatake ng anxiety. Like right now, pinagduduhan ko sila na "Baka napag-iiwanan na ako," "Baka, wala naman pala akong halaga sa kanila," "Baka hindi naman nila akong tinuturing kaibigan in the first place."

Ilang minuto din akong nakaupo doon and what do you know? Lumuluha nalang ako mag-isa. Tinatakpan ko nalang yung mukha ko from time to time kasi dumadaan yung mga teachers lalo na't ang daanan na nasa kaliwa ko ay patungo sa staff house nila.

Nananahimik lang ako dito sa isang tabi nang biglang may humintong kotse sa harap ng tindahan. Hindi ko ito pinagtuunan ng pansin dahil baka mamaya at namamaga na pala yung mata ko tapos makita pa ako ng kung sino mang nagda-drive ng kotseng yun.

May tumapik sa braso ko. Hindi ko ito pinansin. Tinapik niya ulit yung braso ko kaya tumingala ako and nagulat ako sa kaloob-looban ko. It's Vincent.

"Ayos ka lang pre?" Tanong nito.

"Oo."

"Ginagawa mo dito? May hinihintay ka?"

Tumango ako. "Kaso, yung mga hinihintay ko, mukhang nauna na."

Tumayo na ako at nagpaalam sa kaniya. Kahit kinikilig ako sa kaunting usapan namin, mas nangingibabaw parin yung kalungkutan ko.

"Huy!" Tawag niya kaya napalingon ako. Ngayong nasa malayo na ako, mas nakita ko ang pangangatawan niya. Grabe, walang palya sa kagwapuhan and kakisigan.

"Oh?"

"Hatid nalang kaya kita dun?" Alok niya.

Agad naman akong umapila ngunit sabi niya ay "I insist," kaya sumakay nalang ako. Ang panget naman kung tatanggihan mo yung alok ng isang tao. And not to mention, yung crush mo pa. AND NOT TO MENTION AGAIN, YUNG ALOK NA ISASAKAY KA NIYA SA KOTSE NIYA! Gosh!

Sinabi ko sa kaniya yung dapat kong pupuntahan and in just 5 minutes, nandoon na kami. Nag thank you ako sa kaniya and binigyan niya ako ng sobrang gwapong ngiti. Kalma lang Ruben, nagtatatalon yung mga malalandi mong cells.

Pagpasok ko sa McDo ay nakita ko sila sa bandang gitna na katabi lang nung counter. Lahat sila ay nakatingin sakin na may mapanuksong ngiti. Ay bwiset, nakita pala nila yun!

"Yieee!"

"Ikaw Ruben ah!"

"Hindi mo naman sinabi sa amin na nasa ligawan stage na kayo!"

"May pa hatid-hatid pa oh! Grabe talaga!"

Mga kantyaw nila. Mga hinayupak. Sinamaan ko sila ng tingin at tinawanan lang nila ako. Jusko, nakakahiya! Andami tuloy nakatingin sa amin!

Tumabi ako sa tabi ni Dada, nasa tabi niya kasi yung upuang walang nakaupo. Baka para sa akin yun.

Maya-maya lang din, nakaorder na sila Chris at nagsimula na kaming kumain. After noon ay nagplano kaming mag walktrip hanggang sa makarating kami sa sakayan ng tricycle na nakaparada sa harap ng subdivision na kung saan ay nandoon din yung school namin.

Pagdating namin sa sakayan, nagpaalam na kami sa isa't isa at dumiretso na ako pauwi. Pag-uwi ko ay simpling bati lang kay nanay tapos akyat agad ako sa kwarto ko. Nahiga na ako at binuksan ang Messenger.

Dinala ko yung mga daliri ko papunta sa profile ni Vincent. Ewan ko ba, parang masyado akong naging masaya ngayon dahil sa bonding naming magkakaibigan, ay halos tumaas na yung confidence ko kaya boom.

Ruben Diced
Uy, thank you ulit kanina
ah.

Maya't maya din, nagreply siya na nagpangiti sa akin. But nalang at active siya, pwede ko siyang landii—CHE! Harot eh!

Vincent Villarueva
Sus, wala yon. Okay lang
sa'kin yon.

Ruben Diced
Okieee

Kahit gusto ko pa siyang i-chat, wala na akong magagawa, wala na akong maisip na topic na pwedeng i-open up eh! Tyaka tignan niyo naman yung reply niya, parang napaka plain and boring. Parang... halatang napilitan lang siya? Sana naman hindi. Kahit naman papaano, ayaw kong maging sagabal sa isang tao. Hayyy, sa susunod nga, magtatanong na ako kung may ginagawa ba siya o hindi. Baka mamaya nakikipaglandian siya sa iba.

Subukan niya lang! Ibabalibag ko siya sa—joke lang! Wala namang kami eh! Napaka-assuming mo naman Ruben!

Vincent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon